Ni Mortz C. Ortigoza
Isa ang Pangasinan sa dalawang lalawigan sa Pilipinas na kinilala na Gender Responsive LGU and Local Learning Hub para sa taong 2025-2028.
Ayon sa Philippines Commission on Women (PCW) nakuha ng Pangasinan sa ilalim ni Governor Ramon V. Guico III ang parangal dahil sa Pangasinan Crisis Intervention Center.
Ang Center ay
nagsusulong ng ligtas, pantay, at may malasakit na pamamahala para sa bawat
Pangasinense, lalo na mga kababaihan at sektor na nangangailangan ng tulong at
proteksyon.
Ang lalawigan ay
merong mahigit tatlong milyong populasyon kung saan hindi kasali ang halos
dalawang daang katao ng independent component city ng Dagupan. Ika anim ang
Pangasinan sa most populated province sa Pilipinas ayon sa Census noong 2020.
Meron siyang apatnapu't apat na bayan at tatlong lungsod.
Photo credit: PIO
No comments:
Post a Comment