Thursday, September 25, 2025

Suporter ni Bataoil Umalma sa Paratang ni Cojuangco sa Seawall

 Ni Mortz C. Ortigoza

LINGAYEN, Pangasinan - Pumalag ang tagasuporta ni dating Lingayen Mayor Pol Bataoil noong isinulat ko sa blog ko (Setyembre 18, 2025) na “Okay si Mayora Iday sa Seawall ni Cong. Mark (Basta Walang Pananagutan ang Munisipyo)” na umani ng 36, 000 views sa Facebook.

SEAWALLS. The controversial seawalls at a beach in Lingayen, Pangasinan (top photo). Former Lingayen mayor Leopoldo Bataoil (right photo below) and Pangasinan 2nd District Cong. Mark O. Cojuangco. The latter is the proponent of the seawall to mitigate the perennial flooding in the capital town. Photos grab from the internet.

HINDI SIYA PROPONENT

Ani ng source ko na ayaw magpakilala, hindi proponent si Bataoil ng Seawall noong kongresista pa siya (2010-2019 sa Pangasinan 2nd District). Aniya ang mga nilakad ng siyam na taong pambansang mambabatas para mapondohan noong termino niya ay ang Lingayen Gulf Baywalk, Daang Kalikasan of Mangatarem, Daang Katutubo of Aguilar, Lingayen-Binmaley-Dagupan Bypass Road, at iba pa. Karamihan sa mga proyekto ng dating congressman ay pinagpatuloy na tinapos ni dating Congressman Jumel Espino noong panahon niya magmula noong 2019-2022.

Tinalo naman ni Cojuangco si Espino noong Mayo 2022 eleksyon at tinalo uli ng una si Bataoil sa reelection niya para kongresista noong Mayo 12 na karera.

LONO AT COC

Noong pinapatayo ni Cojuangco noong 2024 ang mga parte ng seawall ngayon na nagkakahalaga na ng P185 million hindi binigay ni Bataoil ang Letter of No Objection (LONA) at Certificate of Compatibility (CoC) na hinihingi ng Kongresista noong alkalde pa siya (2019 hanggang 2025) dahil sinabi ng municipal lawyer niya  na mag due diligence muna siya dahil sa mga nakikitang legal impediments ng daang milyones na proyekto. Dahil diyan mainit na nag privilege speech si Cojuangco sa House of Representatives sa Quezon City para banatan si Mayor Bataoil sa kanyang pagpigil sa proyekto. Aniya, si Bataoil ang orihinal na proponent ng seawall noong kongresista pa siya  at bakit ayaw na niyang payagan noong siya (Cojuangco) na ang congressman.

Ani ng source ko, hindi totoo na si Bataoil ang proponent ng seawall. Ibig sabihin, sanamagan, gumagawa lang ng kuento si Cojuangco? Aniya pinagsabihan pa nga ni Mayor Pol ang mga inhinyero ni Cojuangco noong nakita niya na naglalagay sila ng markers para sa seawall dahil malapit ito sa dagat.

Ang proyekto ay pangako noong 2022 na kampanya ni Cojuangco sa mga tao sa Barangay Pangaspisan Norte na binabaha ng dagat pag may bagyo.

BLUFF ANG CONGRESSIONAL INQUIRY?

Dagdag pa ng pinagmulan ng balita, inaabangan ni Bataoil ang sinabing congressional inquiry ni Cojuangco pero wala naman daw dumating na imbistigasyon sa dating mayor na gustong gusto ring sagutin sa isang komite ng Kongreso ang mga paratang ng mambabatas sa kanya.

Paliwanag ng source ko na ang seawall ay haharaang sa ganda ng dagat at makakapinsala sa baywalk na nag-iingat sa historic at cultural value ng Limahong Landing in 1574, MacArthur Landing noong 1945, sentro sa mga kasiyahan ng Pistay Dayat kung saan maraming traditional events ang nangyayari kada taon.  Pumigil sa paghimasok ng mga squatter palapit sa dagat; at magpapaangat ng mga economic activities sa lugar at sa bayan ng Lingayen.

Ani ng source na noong Septyembre 14, 2023 na  inilantad ang polyvinyl chloride (PVC) sheet file at concrete materials na seawalls na walang Environmental Compliance Certificate (ECC) (nakakuha na kamakailan ng ECC ang DPWH – Author), paglabag sa P75 million na pondo sa Tourism Road Infrastructure Program (TRIP) na kasama sa 2023 General Appropriation Act at ang pagsuway sa Presidential Decree No. 156 Series of 1993.

“Pwedeng makasuhan sila (mga opisyal ng Department of Public Works & Highway sa ilalim ni District Engineer Editha Manuel) ng technical malversation sa pagwaldas ng pera ng bayan,” aniya.

MGA TUTOL SA SEAWALL

Ang PD 156 ay nagbibigay proteksyon sa Lingayen Gulf na isang environmentally critical area.

“…(T)hat the natural features of the gulf must be protected and outdoor recreation must be enhanced, among others,“ mandato ng batas.

Emotional issue itong multi-milyones na proyektong seawall sa mga mamayan ng Lingayen dahil balakid ito sa tanawin nila sa dagat.

 Mariin ring tinutulan ng mga mangingisda dito at sa bayan ng Binmaley ang seawall dahil ito daw ay magpapasikip sa paradahan ng mga bangka nila, ito ay makakasira ng mga sasakyan nila dahil tatama sila sa mga konkretong proyekto, at ito ay maging dahilan ng pagkawala ng mga hanapbuhay nila.

Ang vaunted proyekto ni Cong. Cojuangco ay magbibigay ng proteksyon kontra sa palaging pagbaha sa mga kabahayan ng mga residente na malapit sa dagat sa bayan na ito at sa Binmaley.

Ani source ang 10 kilometrong seawall hanggang Binmaley ay aabot sa P1.7 billion ng tax payers’ money.

Ani anti-seawall advocate Sonny Verzosa noong Septyembre 14, 2023 sa writer na ito na ang sand dunes ay sapat na para harangan ang mga alon sa tatlong barangay dito.


READ MY OTHER BLOG

Okay si Mayora Iday sa Seawall ni Cong. Mark (Basta Walang Pananagutan ang Munisipyo)

 

 

No comments:

Post a Comment