Thursday, September 4, 2025

P’sinan 1 sa 2 na Gender Responsive LGU sa Pinas

 Ni Mortz C. Ortigoza

Isa ang Pangasinan sa dalawang lalawigan sa Pilipinas na kinilala na Gender Responsive LGU and Local Learning Hub para sa taong 2025-2028.


Ayon sa Philippines Commission on Women (PCW) nakuha ng Pangasinan sa ilalim ni Governor Ramon V. Guico III ang parangal dahil sa Pangasinan Crisis Intervention Center.

Ang Center ay nagsusulong ng ligtas, pantay, at may malasakit na pamamahala para sa bawat Pangasinense, lalo na mga kababaihan at sektor na nangangailangan ng tulong at proteksyon.

Ang lalawigan ay merong mahigit tatlong milyong populasyon kung saan hindi kasali ang halos dalawang daang katao ng independent component city ng Dagupan. Ika anim ang Pangasinan sa most populated province sa Pilipinas ayon sa Census noong 2020. Meron siyang apatnapu't apat na bayan at tatlong lungsod.

Photo credit: PIO

 

No comments:

Post a Comment