Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
LINGAYEN, Pangasinan – Pormal ng nunumpa ang mga opisyales ng League of Municipalities of the Philippines – Pangasinan Chapter (LMP-PC) dito kay Pangasinan Gov. Ramon V. Guico III sa isang pagtitipon kasama ang mga matataas na pambansang opisyal.
Naglahad din ang mga LMP-PC opisyal ng mga plano at mithiin nila para sa organisasyon.
Ang okasyon
ay pinangunahan ng muling nahalal na pangulo ng LMP-PC na si Manaoag Mayor
Jeremy Agerico “Ming” Rosario.
ROSARIO
“The other plan other than I’ll be serving as the conduit of our national LMP at the same time wala pong successful na leader kung wala naman po ang support ng mga miyembro. That’s why I’m calling to all of them for support para magkaroon po ng matatag at matibay na samahan ng mga mayors,” tugon ni Rosario noong tanungin siya ng kasapi ng media sa mga plano niya sa LMP.
RESUELLO
“Pormal na po tayong naupo bilang Board
of Directors (BOD) ng Mayor’s League of the Philippines (Pangasinan Chapter) for
the 2nd District ngayong Sabado sa pangunguna ng ating Gobernador
Honorable Ramon “Monmon” Guico III sa Urduja House in Lingayen. Nagpapasalamat
po ako sa walang sawang suporta at pagtitiwala ng ating mga kasama Punong Bayan
sa ating kakayahan bilang opisyal sa Mayors’ League sa Lalawigan ng Pangasinan,” ani Basista Mayor Jolly "J.R" Resuello sa kanyang Facebook Page.
PARAYNO
Nanawagan si Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno sa kanyang mga kasamahan na mahalin nila ang LMP sa pamamagitan ng sinseridad at integridad. “Being an LMP officer na nakasama nitong bagong grupo it is a privileged and also a responsibility kaya first; we need to embrace our job with sincerity and integrity”.
VEGA
Ani
Mapandan Mayor Karl Christian F. Vega na papairalin ng mga bagong halal na mga
opisyales ng LMP-PC ang “due diligence (angkop na pagsisikap)” para sa
ikakaganda ng organisasyon.
“As an officer and an auditor and now
the newly elected treasurer we will do our due diligence of course with other
officers, we will strengthen the bond to the different Board of Directors in
each district so that we could identify magkaroon kami ng meeting in order to
support our President”.
Mga
proyektong nakikita ng batang alkalde ay
ang fund raising at ang pagpapalakas ng samahan.
Napagusapan
din nila Rosario, Parayno at Agbayani ang scholarship sa mga kabataan na “poor
but deserving” sa Pangasinan.
AGBAYANI
Ani San
Fabian Mayor Marlyn Espino-Agbayani na kausapin niya ang grupo tungkol sa pagbigay ng LMP ng
scholarship sa mga estudyante sa Pangasinan. “Yes po marami po and if ever
na magkaroon po siguro puede naman po kung nagawa naman po sa San Fabian sa LMP
pa kaya. Sana lahat ng mga mayors actually iyon po ang isang programa ng ating
mahal na Vice Mayor (Danny Agbayani na kabiyak ni Mayora) the former mayor
scholarship bawat pamilya kahit isa lang sa isang pamilya makatapos at siya iyong
tutulong . Alam po natin very important ang education for us. Nagawa ng San
Fabian ano pa kaya sa LMP,” paliwanag niya.
Nagpasalamat
din si Mayor Rosario sa presensya nila Governor Guico at ang kanyang ama
Pangasinan 5th District Cong. Monching Guico noong Agosto 15
eleksyon ng LMP sa Monarch Hotel sa Calasiao.
Bago ang
opisyales ng LMP-PC manumpa sa gobernador sa Urduja House noong September 13
sila ay nakipagpulong muna kena Department of Agrarian Reform Secretary Conrad
Estrella, Pangasinan 1st District Cong. Arthur Celeste, 5th
District Cong. Ramon “Monching” Guico, Jr., Governor Guico, at Vice Gov. Mark
Ronald Lambino, DAR Regional Director Maria Ana Francisco, 2nd
District Board Member Phillip Theodore E. Cruz, at 5th District
Board Member Nicholi Jan Louie Sison.
Sinabi ni
Mayor Rosario na lahat ng anim na kongresmen sa lalawigan ay nagpaaabot ng suporta
sa kanyang pamumuno.
Ang mga opisyales ng LMP-PC na maglilingkod para sa taong 2025 -2028 ay ang mga sumusunod:
President:
Mayor Jeremy B. Rosario (Manaoag); Vice President (VP) Internal Affairs: Mayor
William S. Cezar (Rosales); VP for External Affairs: Mayor Dickerson D. Villar
(Sto. Tomas); VP for Operations: Mayor Rizaldy J. Bernal (Dasol); VP for
Special Concerns: Mayor William K. Dy (Bugallon); Secretary-General: Mayor Bona
Fe DV. Parayno (Mangaldan); Treasurer: Mayor Karl Christian F. Vega (Mapandan);
Auditor: Mayor Alfe M. Soriano (Malasiqui); PRO: Mayor Modesto M. Operan̈a
(Urbiztondo)
BOARD OF DIRECTORS
1st
District: Mayor Colin Reyes (Mabini); 2nd District: Mayor Jolly R. Resuello
(Basista); 3rd District: Mayor Carlito S. Zaplan (Sta. Barbara); 4th District: Mayor
Marlyn E. Agbayani (San Fabian); 5th District: Mayor Ricardo D. Balderas
(Laoac); 6th District: Mayor Carlos Lopez Jr. (Asingan).
Walang kalaban si Mayor Rosario noong tumakbo
siyang pangulo ng LMP noong Agosto 15.
No comments:
Post a Comment