Ni Mortz
C. Ortigoza
LINGAYEN, Pangasinan – Sinasang-ayunan ng bagong alkalde dito ang proyektong concrete seawall ni Pangasinan 2nd District Cong. Mark O. Cojuangco basta walang pananagutan ang munisipyo kung magkaprublema ng legal ito.
|
SEAWALLS. The still unfinished
concrete seawalls at the beaches of Lingayen, Pangasinan (top photo).
Pangasinan 2nd District Cong. Mark O. Cojuangco (right photo below)
and his political ally Lingayen Mayor Josefina “Iday” F. Castañeda. Photos grab
from the internet |
Ani Mayor Josefina “Iday” F. Castañeda na “okay’ lang sa kanya basta may kumpletong mga legal na papeles ang pambansang ahensya na namumuno sa P185 million proyekto sa tabing dagat ng Barangays Pangapisan, Maniboc at Libsong dito.
Ang proyektong
seawall ng Department of Public Works and Highway ay aabot hanggang karatig
bayan ng Binmaley.
Noong
taong 2023 nakatanggap sa national government ng P75 million pondo ang
940-meter na mga file sheet na seawall. Ngayong 2025 ay meron siyang panibagong budget
na P100 million para sa 1,378–meter sa dagdag na mga seawalls.
Ani Mayora
Castaneda na pinagaaralan ng mga abugado ng local government unit dito ang mga
papeles at ang panayam nila kay Cojuangco at mga kinauukulang ahensya ng gobyerno
tungkol sa proyekto. “Pinagaaralan ng mga ano natin.. si Attorney (Legal
Officer Nepthalie) Pasilao at saka si Attorney Kap pinagaaralan nila. Pumunta
sila kay Congressman ewan ko kung ano ang pinag-usapan nila. Tapos kumuha si
Attorney Nep ng letter na “angapoy bilang walay problema, angapo agda sisi-on
so municipal,” paliwanag ni Mayora sa Tagalog at Pangasinan sa writer na
ito.
Bago ang
positibong pahayag ni Mayora sa seawall, ang pagpapatayo nito ay nabinbin ng
ilang taon matapos harangan ng kanyang hinalinhan na si dating mayor Leopoldo
Bataoil. Kahit na pinayagan na ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan dito sa isang
resolution ang pagpagawa ng proyekto ay mariing tinutulan pa rin ni Bataoil
ito dahil sa environmental issue.
Nagpainit
sa ulo ni Congressman Cojuangco ang ikinilos ni Bataoil dahil ang huli ang unang
proponent ng seawall noong siya pa ay kongresman dito. Tinapos ni Bataoil ang tatlong
termino niya noong Hunyo 2019.
Sa suporta
ni Cojuangco, tinalo ni Castaneda si Dexter Malicdem ng 9, 782 boto noong Mayo
12, 2025. Si Malicdem ay vice mayor ni Bataoil noong alkalde pa siya dito ng
anim na taon. Piniling labanan ni Bataoil si Cojuangco noong nakaraang Mayo 12
eleksyon ngunit siya ay natalo ng 162, 730 mga boto.
Mariing
tinutulan ng mga mangingisda dito at sa bayan ng Binmaley ang seawall dahil ito
daw ay magpapasikip sa paradahan ng mga bangka nila, ito ay makakasira ng mga sasakyan nila dahil tatama
sila sa mga konkretong proyekto, at ito ay maging dahilan ng pagkawala ng mga
hanapbuhay nila.
Ang
vaunted proyekto ni Cong. Cojuangco ay magbibigay ng proteksyon kontra sa
palaging pagbaha sa mga kabahayan ng mga residente na malapit sa dagat sa bayan
na ito at sa Binmaley.
No comments:
Post a Comment