Wednesday, May 28, 2025

President Fears this Man

 By Mortz C. Ortigoza

How a President threatened by the pronouncement of a major TV anchor on the boobtube's screen and thought he could lose his reelection.

Walter Cronkite ( photo grabs from the internet)

Richard S. Salant , President of the powerful U S TV's CBS News in the late 1960's had a policy that his reporters assigned during the Vietnam War should report "as is" to the American households how the war, the battles, the senseless killings of civilians by American bombs and the guns of the Commie's Vietcongs and the North Vietnamese Army (NVA) ensue.

Sunday, May 25, 2025

P’sinan PD Tinanggal ni Chief PNP Marbil

 Ni Mortz C. Ortigoza

Madami akong nabasa sa social media sa pagkatanggal ni Pangasinan Police Provincial Office (PPO) Director Col. Rollyfer Capoquian kung saan siya ay pinalitan pansamantala ni Police Col. Ricardo M. David ng Police Regional Office sa San Fernando City, La Union.

 

BRASS.National Police Chief Rommel F. Marbil (top photo and clockwise), acting Pangasinan Police Provincial Office (PPO) Director Col. Ricardo David, and former Pangasinan PPO Director Col. Rollyfer Capoquian.


Ang rason, ayon sa Spy ko sa Camp Crame, bakit tinanggal na PD si Capoquian pitong buwan at hindi pa umiinit ang kanyang puwitan, sanamagan, sa pusisyon sa dambuhalang lalawigan ito’y dahil sa sobrang galit sa kanya ni Philippines National Police Chief Gen. Rommel F. Marbil. Doon mismo sa command conference ng mga PD at hepe sa buong Pilipinas noong Mayo 19 inihayag niya ang pagrelieved kay Capoquian.

Saturday, May 24, 2025

Bumulagta si Heneral kay Mayor J.R

 

Ni Mortz C. Ortigoza

BASISTA, Pangasinan – Walang nagawa ang mga pinag-aralan, medalya sa mga giyera, at mga ibang parangal ni retiradong heneral Edgardo Palma (National Unity Party (NUP) sa two-term mayor dito nang iwanan siya ng 14, 222  margin na mga boto nang magkagirian sila noong Mayo 12 eleksyon sa pagiging alklade.

MAYORALTY RIVALS. Mayor-elect Jolly "J.R" Resuello (left) and retired Army General Ed Palma (PMA '91).


Ayon sa Commission on Election, si Palma ay nakakakuha lamang ng 4, 241 mga boto habang si reelectionist Mayor Jolly “JR” Resuello (Nationalist People’s Coalition (NPC)) ay merong 18, 463 na mga boto.

Tuesday, May 20, 2025

Dinurog ni Mayora Bona si VM Mejia

Ni Mortz C. Ortigoza

Noong manalo si Vice Mayor Mark Stephen Mejia kay Jojo Surdilla ng 680 na mga boto noong 2022 eleksyon para bise alkalde, ang tingin sa kanya ng mga taga Mangaldan siya ang Pulitikong Paldo – dahil sa kanyang mayaman na ama na si Region 1 Medical Center (R1MC) Director Roland Mejia. Nakininita ng karamihan na ang mag ama ang magbibigay ng sakit ng ulo sa reelectionist na si Mayor Bona Fe D. Parayno pagdating ng May 12, 2025 derby.

VICTORY. Mayor-elect Bona Fe D. Parayno during her victory motorcade in the landlocked town of Mangaldan, Pangasinan.


Mantakin ninyo ang mukhang Totoy na vice mayoralty candidate, kayang talunin ang beteranong pulitiko at abugado ng 680 botos sa 56, 344 voters. Loaded sa pera si Mark hindi loaded si Jojo kaya natalo ang huli.

Salapi ang Nagpapanalo sa Eleksyon

Ni Mortz C. Ortigoza

Tumatawa ang mga taga malalayong bayan na mga botante nang malaman na ang mga kandidatong mga konsehales sa Dagupan City ay namili ng boto kada isa sa halagang P50 (sa mga taga administrasyon) at P20 (sa mga taga oposisyon. Anila, P100 at P200 ang bilihan sa bayan nila ilang linggo at ilang araw bago mag eleksyon noong Mayo 12.

"Small time naman ang mga taga Dagupan!"sabi ng isa.


Aniko, normal na ganoong halaga ang mga binibitawan nilang salapi kasi maliit lang ang registerd voters sa bayan nila. Iyong isang munisipyo 21, 000 voters, iyong isa 23, 000. Sa Dagupan meron kaming P145, 000 registered voters. Kung 80% ng botante sa Dagupan ang bibilhin ng kandidato sa halagang P20 iyan ay P2, 320, 000 o sa halagang P50 iyan ay maging P5, 800,000.  

Monday, May 19, 2025

Wiped Out ang mga Espino!

 

Ni Mortz C. Ortigoza

Naging sunod sunod ang kamalasan at kasawian ng mga Espino sa pulitika sa Pangasinan matapos gapiin ni noon Binalonan exiting mayor Monmon Guico si Pangasinan 5th District Congressman Amado Espino, Jr. ng 3, 512 na mga boto noong Mayo 22, 2019 eleksyon. Nasundan pa ito ng talunin ni Guico ang kanyang kapangalan at anak na si Governor Pogi Espino sa pagka gobernador ng may 187, 807 na mga boto noong Mayo 13, 2022 eleksyon.

PATRIARCH. The patriarch of the Espino political family in the huge province's former Governor Amado T. Espino, Jr (left photo). Other in photos from top right to bottom: Espino's sons former Governor Amado "Pogi" Espino III and former congressman Jumel Anthony Espino and nephew Bautista town's mayoralty bet Jerome Vic Espino.

Naging mas malupit ang Mayo 12, 2025 na karera sa pulitika para sa mga miyembro ng pamilyang Espino sa dambuhalang lalawigan ng Pangasinan. Bukod sa pinaluhod ni Guico ng halos isandaang libong boto si Pogi sa rematch nila sa governorship, nawala rin sa kanila na parang bola ang API (Abante Pangasinan-Ilokano) Partylist at dalawang pinakaiingatan nilang baluarte.

Saturday, May 17, 2025

Mga Bagong Alkalde sa P’sinan

 Ni Mortz C. Ortigoza

 Matapos ang mainit at mapanghating local na eleksyon sa Pangasinan, nasilayan ng publiko ang mga mahigit kumulang 15 na bagong mukha na mga nanalong alkalde na uupo sa tanghali ng Hunyo 30 ngayong taon.

Ang mga bagong halal sa dambuhalang 44 bayan at 4 lungsod na lalawigan ay sina Iday Castaneda ng Lingayen, Patrick Caramat ng Calasiao, John Celeste ng Agno, William Dy ng Bugallon, Rosemarie Gacutan ng Bautista, Noli Uson ng Labrador, Alma C. Lomibao ng Sison, Farah Lee Lumahan ng San Quintin, Chris Evert Tadeo ng Umingan, Noel Uson ng Labrador, Doc Vir Vallarta ng Infanta, at Jensen Viray Ventenilla ng Mangatarem.

HIZZONERS.  (from top left to clockwise) Calasiao new Mayor Patrick Caramat, Agno Mayor-Elect John Celeste, Lingayen new mayor Iday Castaneda, and Bugallon Mayor – elect William Dy.  

Tinalo ni Celeste (NPC) si incumbent mayor Gualberto Sison (API) ng 10, 293 na mga boto ayon sa Commission on Election (Comelec). Nakakuha naman ng 8, 128 na mga boto si Sison.

Thursday, May 15, 2025

Edukasyon, Kalusugan, Impra, Turismo, Paiigtingin sa 2nd Guico Admin

 

PAGPAPAIGTING sa mga programa sa edukasyon, kalusugan, imprastraktura, at turismo ang magiging sentro ng ikalawang termino ni Gov. Ramon V. Guico III.

PROCLAMATION of Pangasinan Governor Ramon V. Guico III by the Commission on Election Provincial Canvasser at the Capitol in Lingayen. Guico defeated former governor Amado Espino III in the May 12, 2025 election. The former garnered 880, 906 while the latter got 784, 070 votes or a margin of 96, 836 votes based on the 99.96 election returns of the Comelec.

 Sa unang termino ni Governor Guico, matagumpay na naitatag ang Pangasinan Polytechnic College sa Lingayen. Kaugnay nito, sa kanyang ikalawang termino, plano niyang itayo ang karagdagang PPC campus sa Umingan at Bugallon. Ipagpapatuloy din ang pagpapabuti ng mga ospital at tuluy-tuloy na pagsulong sa Pangasinan Government Unified Incentives for Medical Consultation.

Fake ba ang mga Survey?

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

Ito ang excerpt ng editorial ng Pilipino Star Ngayon:

Pero nang matapos ang election at magsimula ang bilangan, ang trend na ibinanbando ng surveys ay na­bago. Halimbawa ay si Bam Aquino na nasa ika-12 pu­westo ayon sa survey, ay umakyat sa ikalawang puwesto. Si Kiko Pangilinan na nasa ika-16 na puwesto ay napunta sa ikaapat na puwesto at si Rodante Marcoleta na nasa ika-18 puwesto ay napunta sa ikaanim na puwesto”.

 

NEW SENATORS. Paolo Benigno "Bam" Aguirre Aquino IV and Francis “Kiko” Pangilinan.


Ito ang aking sagot at paliwanag:

Sunday, May 11, 2025

Puro Kahihiyan ang Ibinibigay ni Mayor Rammy sa Urdaneta!

 Ni Mortz C. Ortigoza

Bakit ko nasabi na puro kahihiyan lang ang ibinibigay ni Urdaneta City Mayor Rammy Parayno sa 144,577 populated (2020 Census) na lungsod na nasasakupan niya kaya huwag niyo na siyang iluklok sa Mayo 12.


UNA, mapang-abuso sa posisyon. Sinampahan siya ng mga kasong criminal at administratibo sa Ombudsman noong Setyembre  matapos niyang sampalin at puersahang kunin ang SD card ng video camera ng isang empleyado ng provincial government noong Agosto 12, 2024 matapos isilbi sa kanya ang notice na three-month preventive suspension na iginawad ng Sangguniang Panlalawigan (Provincial Board) dahil sa pang abuso at pagmamalabis sa aplikasyon ng may ari ng REVM Tiposu Poultry Farm Inc. Ang mga kasong criminal na sinampa ni Jairus Bien Fernandez Sibayan kay Parayno sa Ombudsman ay Slight Physical Injury, Robbery with Violation Against or Intimidation of Person, at Slander by Deed. Ang administratibo na habla naman ni Sibayan kay Parayno at mga kasamahan ay Grave Misconduct, Grave Abuse of Authority, Conduct Unbecoming of Public Officer, Gross Immoral Conduct, at Conduct Prejudicial to the Interest of Public Services. Ang mga kasong ito ay may kaukulang preventive suspension, suspension, at pagkatanggal sa puesto;

Saturday, May 10, 2025

Merrera Pinabulaanan ang Reklamong Vote Buying, Diskwalipikasyon

 

Ni Mortz C. Ortigoza

BINMALEY, Pangasinan – Dahil sa isang libong piso na ipinamudmod sa kada botante dito ng reelectionist na alklalde siya ay nasampahan kamakailan lang ng kaso ng kanyang katungali ng vote buying at diskwalipikasyon.

HUSTINGS. Binmaley Mayor Pete Merrera at the hustings in his coastal town despite the blistering sun.


Itong pagsampa ng reklamo sa Central Office ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Manila ni Vice Mayor Sam Rosario para sa diskwalipikasyon ni Mayor Pete Merrera ay mariing pinabulaan ng huli.

Friday, May 9, 2025

DILG SEC. REMULLA INUTUSAN SI ARCINUE NA ACTING SUAL MAYOR

 
MATAPOS SUSPENDIHIN NG OMBUDSMAN SI MAYOR CALUGAY 

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

 

SUAL, Pangasinan – Inutusan ng Kalihim ng Department of Interior & Local Government si Sual Vice Mayor John Christopher A. Arcinue na pansamantalang humalili kaagad sa sinuspendi ng Ombudsman na si Mayor Liseldo Calugay.

Sual Vice Mayor John Christopher “JC” Arcinue and the burgeoning town’s mayoralty candidate Arthur “Junjun” Celeste, Jr. show their Certificate of Candidacy (CoC) for the May 12, 2025 election (left photo). As seen from top photo and clockwise: Department of Interior and Local Government Secretary Juanito Victor C. Remulla; Sual, Pangasinan Mayor Liseldo “Dong” Calugay and beleaguered “Pogo Queen” then Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Wednesday, May 7, 2025

Hindi Nakaukit sa Bato Iyong 10-0 sa Dagupan

 By Mortz C. Ortigoza, MPA

May koypa ako dito ng May 2025 scientific survey ng mga tumatakbong 24 candidates para konsehales sa Dagupan City. Iyong ni post ko sa blog ko na 12-0 in favor of Mayor Belen Team noong Friday ay nag jibe dito sa listahan ko with matching ranks and percentages.
Ito iyong sinabi ko noong Biyernes:
"Matindi sa Dagupan City, bukod kay Belen Fernandez (reelective mayor) at Brian Kua (reelective vice mayor), lahat ng sampung konsehales at wala kahit isa sa mga kandidato sa ilalim ni Brian Lim ay na endorso ng Iglesia,”
ani ng source ko na ayaw magpakilala.




Napag alaman ko na bago maglabas ng i-endorso ang Iglesia ay nagpa survey sila.

How the De Venecias Engr. the Pres. Victory of Ramos

By Mortz C. Ortigoza

IT HAD been more than three years that I did not visit the abode of five-time Speaker Joe de Venecia at the coastal village of Bonuan Binloc in Dagupan City when his Missus’ woman Friday Gypsy Baldovino told me to be there at 2 P.m last Saturday.

Speaker Joe  "JDV" de Venecia receives U.S President and Mrs. George Bush at the House of Representatives where President Bush honored the invitation of JDV for Bush to address a joint session of the Philippines Congress. (Global Filipino) 



Upon stepping in at the wide veranda I saw the de Venecias’ matriarch exchanging pleasantries at a round table with several news hens. I went to her where we exchanged notes. Manay Gina - a former congresswoman -- is running for the seat to be vacated by her last term (nine years) son’s Pangasinan 4th District Rep. Christopher.

Tuesday, May 6, 2025

Mayor Bona: Fake News Iyong Vote Buying; Planong Magsampa ng Libel sa Blogger

 

Ni Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN, Pangasinan - Pinabulaanan ng lady alkalde dito ang akusasyon ng isang blogger na namimili na daw ng boto ang kampo niya sa kanyang bahay sa Barangay Nibaliw.

“Fake news iyong ginawa ng Country Mail. Iyong mga tao sa labas totoong andoon iyon pero iyong nagbibigayan ng sobre ay kuha iyong mga larawan ilang buwan na ang nakalipas as financial assistance ng munisipyo sa mga mahihirap,” ani Mayora Bona Fe D. Parayno sa tawag niya kanina sa telepono sa writer na ito.

Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno.

Aniya pati ang hepe ng Commission on Election (Comelec) dito ay galit na galit sa gawa gawang paratang ng blogger na wala siyang ginagawa sa talamak na vote buying dito.

“Mula May 2 hanggang May 7 ay may schedule ang mga botante mula sa iba't ibang barangay para pumunta sa itinuturong farm ng alkalde sa Barangay Nibaliw at "tanggapin" ang 500 bawat isa. Ang paniniwala ng mga residente ng Mangaldan ay "vote buying" na ang nangyayari lalo na't sa May 12, 2025 na ang araw ng eleksyon. Ang nasabing "vote buying center" ay mayroong mataas na bakod at gate na mahigpit na binabantayan ng maraming "security" sa entrada. Pagpasok sa gate ay pipila ang mga botante sa hilera ng mga tents na dala ang kanilang identification (ID) card na "BONA FE DE VERA-PARAYNO MOVEMENT." Sa ID card ay nakalagay ang larawan ni Mayor Bona Parayno at mga detalye ng botante gaya ng: "name, barangay, precinct number, ID number at QR code,” ani sa excerpts ng post ng Country Mail na pinapatakbo ni Celso Manuel noong Mayo 3.

Monday, May 5, 2025

Ombudsman Sinuspinde ng 3 Months si Sual Mayor Calugay

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

Ang administrative na kasong ito ay hango sa reklamo ni Michael G. Abata kontra kay Sual Mayor Liseldo D.Q Calugay at ng kanyang Executive Assistant –III Cheryl O. Medina.

Sual, Pangasinan Mayor Liseldo “Dong” Calugay finally surfaced in this photo to deny romantic or business ties with the controversial former Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, but lawmakers came prepared with receipts suggesting they were more than just friends—at least in business. (Newswatchplus.ph)


Ani Ombudsman Samuel R. Martires sa desisyon niya noong Abril 14, 2025 pero inilabas lang noong Mayo 5, 2025:

Friday, May 2, 2025

Monmon, Manay, Belen, Bona, Inendorso ng INC

 Ni Mortz C. Ortigoza


Bago ilabas ng bloc voting Iglesia ni Cristo (INC) ang sample ballot sa mga iboboto ng mga miyembro nila isang linggo bago ang Mayo 12 eleksyon, lahat ng incumbent elective officials ng isang lungsod at siyam na bayan ng Pangasinan 1st District ay pinatawag kahapon Biyernes ng pamunuaan ng INC para sabihin na sila ang anointed na iboto ng libo-libong miyembro ng simbahan.






Noong tinanong ng writer na ito ang source na isang tao ng mataas na opisyal kung sino ang mga inendorso ng INC na pinatawag na at hindi pa pinatawag, aniya sa gobernador ay si reelectionist Govenor Monmon Guico, reelectionist Pangasinan 5th District Rep. Monching Guico, at congressional bets sa Pangasinan 4th and 6th Districts Manay Gina de Venecia at Gilbert Estrella. Sila Mangaldan reelectionist Mayor Bona Parayno at reelectionist Manaoag Mayor Ming Rosario ay anointed rin ng simbahan.

Thursday, May 1, 2025

Reflecting Pool! Saan na ang Dugyot na Sinasabi ng mga Taga Espino?

Ni Mortz C. Ortigoza
Tingnan ninyo ngayon mga taga Pangasinan ang P100 million Reflecting Pool (susunod na ang Interactive Fountain diyan) sa harap ng Kapitolyo ng provincial government sa Lingayen, Pangasinan.
O ang ganda di ba? Noong isang taon pinutakte ng banat ng mga kritiko na kakampi nila ex gobernador Amado Ama at Pogi Anak na naging dugyot o madumi na daw ang Kapitolyo dahil may mga kahoy na pinutol at mga debris ng construction at binalahura ang Veterans Memorial Park (VMP) ni Gobernador Monmon Guico.

Nasaan na ang dugyot (o “damak” kung sa Ilonggo pa, hahaha!) diyan? Siguradong dadagsain ng mga turista ang reflecting pool gaya sa 24 million na turista na pumupunta kada taon sa reflecting pool at Washington Memorial sa Washington D.C, Estado Unidos.