Muling nakapagtala ng kahanga-hangang pagtaas sa revenue collections ang Pamahalaang Panalalawigan ng Pangasinan.
Sumasalamin ito sa de kalidad at
maayos na liderato ni Gov. Ramon V. Guico III kasama ang Sangguniang
Panlalawigan na pinamumunuan ni Vice Gov. Mark Ronald DG Lambino.
Base sa pinakahuling datos na inilabas ng Provincial Treasury Office, mula Enero hanggang May 17 ng kasalukuyang taon, nasa P109, 277,784.40 million (actual collections/province share) o 463.01 % na pagtaas kumpara sa naitalang P19,409,728.85 million na Tax on sand, gravel and other quarry products na nakolekta mula January to May 17 noong 2023. At kung ibabase sa estimated income na 120,000,000.00 para sa taong 2024, 91.06% na ang percentage of collection.
Ayon kay Acting Provincial
Treasurer Cristy C. Ubando, sa kabuuan ay umabot sa P299,072,077.10 ang
koleksiyon sa Total Local Taxes. Sa madaling sabi, 94% ng estimated income na
P317,350,000.00 ay nakolekta na.
Kabilang sa local taxes ang
Professional Tax, Amusement Tax, Franchise Tax, Real Property Transfer Tax,
Real Property Tax-Basic, Tax on Sand Gravel & other Quarry Products, Tax on
Delivery Trucks and Vans, Fines and Penalties-Property Tax, Fines and,
Penalties-Taxes on Goods and Services.
Sa total Service and Business
Income, P282,121,930.16 na ang actual collection. Nangangahulugan ito na 68% ng
estimated income para sa taong 2024 na papalo sa P417,270,000.00 ay nakolekta
na.
Mga sakop ng Service Income ay Permit Fees, Clearances & Certification Fees at Inspection Fees habang ang Hospital Fees, waterworks System Fees, Rent Income, Income from Hotels/Dormitories at Interest Income ay ilalim naman ng Business Income.
Bukod sa mga naunang nabanggit,
kasama din sa report ang Total National Taxes na P2,313,326,699.32 (Actual
Collection); Total Non-Tax Revenue na P300,272,484.15 (Actual Collection)mula
sa Grants and Donations in Cash at Miscellaneous Income.
Suma total, ang Total Revenue (General Fund ) ay pumalo na sa P2,912,671,260.57. Ang percentage collection ay nasa 50.83% base sa estimated income na 5,729,765,891.00.
Dahil sa patuloy na istriktong
implementasyon ng mga polisiya sa tax collection at maayos na pamamahala,
inaasahang mananatili ang magandang revenue collection sa mga susunod pang mga
taon.
Katumbas nito ay mas maraming
proyekto at programa na magpapabuti sa buhay ng bawat Pangasinense. (Chona C.
Bugayong,Mark Sydney Soriano| PIMRO)