Ni Sec. Antonio "Bebot' Villar, Jr. | Sec.., Dangerous Drugs Board |
UNA sa lahat, nakikiisa tayo sa pag-sariwa sa ala-ala ng ating mga yumaong mahal sa buhay. Tandaan natin na ang All Saints’ Day ay paggunita sa kanilang naging buhay at hindi sa kanilang pagpanaw. Hindi tayo dapat maging malungkot dahil hindi na natin sila kapiling, sa halip dapat tayong matuwa at minsan sila’y ating nakasama at naging bahagi ng ating buhay.
Sabi nga ng matatanda, una-una lang ’yan. Ito’y nangangahulugan na sa pagdating ng takdang panahon, lahat tayo ay magkakasama muli sa buhay na walang hanggan. Subalit habang nandidito tayo sa mundo, sikapin nating mamuhay nang wasto at tumahak sa tuwid na daan.
* * * *
May reklamo tayong natanggap na may nagaganap umanong bagsakan ng konte-container na imported na sibuyas sa Urdaneta City? At ito ay sa mismong likod ng simbahan ng Urdaneta City na katabi ng cattle market!
Kawawa naman ang mga local producers lalo na sa Nueva Ecija dahil tiyak na malulugi sila kunghindi nila kayang sabayan ang presyo nito dahil sa balitang kalat na kalat na ito sa merkado.
Sa totoo lang, itong imported na sibuyas ang isa sa madalas naming bantayan at hulihin noong panahon ng PASG dahil alam ko ang epekto nito sa ating mga local producers.
Ang pagbabantay kasi ng PASG noon ang isang pinasasalamatan ng ating mga local producerskung kaya’t sila rin ang unang nalungkot nang ito ay inabolished.
Tinatawagan natin ng pansin ang Bureau of Customs tungkol dito. May lisensya na ba ang importer nito para magpakalat ng kanilang imported na sibuyas sa merkado? Lumalaki na rin ba ang tara rito??
Ganun din ang Mayor ng Urdaneta City, baka hindi pa nakakarating sa pandinig ninyo ang pagdami ng imported na sibuyas sa inyong lugar. Pakitulungan na po ang Bureau of Customs na matigil ang iligal na pagbabagsak ng imported na sibuyas sa lugar ninyo para na rin sa kapakanan ng ating mga kababayang magsi-sibuyas.
Hingan na rin natin ng tulong si Col. Fidel Drapis! Paki-bantayan na rin ang mga sibuyas na ito kung may permit na talaga para kumalat. Lantaran na raw kasi ang bagsakan at kawawa naman ang mga local producers!
Hindi ito ang paraan ng pagtahak sa tuwid na landas ni P-Noy, sa halip ito ay diretsong pagkitil sa ating mga kababayang namumuhunan para sa ating sariling pangkabuhayan.
* * * *
Apat na tanod naman mula sa Barangay Pasil, Cebu City ang nahaharap sa pagkakasibak sa tungkulin at posibleng pagkakakulong matapos mag-positibo sa shabu!
Nahuli ang apat na itlog sa isang surprise drug test na isinagawa ng City Office for Substance Abuse Prevention (COSAP). Ang nasabing drug testing ay hiniling mismo ni Pasil Bgy. Chairwoman Jocelyn Almacen.
Hindi pa kinilala ang apat na tanod dahil muling isinumite sa PNP Crime Laboratory ang kanilang urine samples para sa kumpirmasyon. Ayon kay Chairwoman Almacen, hindi siya nagulat at mayroon mga nag-positibo sa droga sa kanyang mga tauhan dahil aminado siya na talamak ang iligal na droga sa kanyang nasasakupan.
Hanga tayo sa kapitana dahil sa halip na itago niya ang problema sa kanilang lugar, siya pa ang gumawa ng paraan upang ito’y mailantad. Sadyang hindi natin kasi maso-solusyunan ang isang problema kung hindi natin aaminin na mayroon tayong problema!
Ganito na po kalala ang problema ng droga sa ating lipunan! Kaya’t natutuwa ako sa tapang ni Kapitana Almacen. Sana ay pamarisan siya ng kanyang kapwa barangay chairmen upang maging makatotohanan ang kanilang sinumpaang pagtulong sa bayan at patuloy na magtiwala ang ating mga kababayan!
Keep up the good work, Chairwoman Almacen!
* * * *
Kung ating babalikan ang mga balita at kasong droga, mapapansin na karaniwang nasasangkot ay galing sa mahihirap na pamilya. Bakit kaya?
Sa mahirap na pamilya kasi makikita ang maraming kakulangan sa buhay na maaaring ma-solusyonan ng pera kahit galing sa masamang paraan!
Lantaran na ang paggamit sa mga kababayan nating walang trabaho upang magtulak ng bawal na droga kapalit ng malaking halaga. Mas malaking halaga naman ang kapalit kung maging drug courier sa ibang bansa.
Tumataas na rin ang bilang ng mga kababaihang sangkot sa pagtutulak ng droga sa halip na mag-alaga ng mga anak at tumulong sa pamilya!
Hindi natin masisisi ang “kumakapit sa patalim” nating kababayan ngunit uulitin natin na hindi maaaring maging katumbas ng buhay ang pera lalo na kung ito ay galing sa bawal na droga!
Ginagamit ng sindikato ang pagiging inosente, kakulangan sa kaalaman o kawalan ng edukasyon at kahirapan ng tao upang lokohin at ilubog sa mas malalim na problema ang kanilang biktima.
Hindi sagabal ang pagiging mahirap para mabuhay ng marangal at tahimik. Maraming puwedeng pagkakitaan na makatutulong sa pamilya. Bakit ba ang nagtitinda ng sigarilyo at basahan sa kalsada, nakikipag-patintero sa mga sasakyan at kay kamatayan?
Dahil gusto nilang mabuhay ng patas at tahimik kahit naghihirap! Aanhin mo naman ang maraming pera kung nakakulong ka naman ng habang-buhay o ’di kaya ay may hatol na kamatayan sa ibang bansa?
* * * *
Sayang at wala ng parusang kamatayan sa ating bansa kung kaya’t patuloy tayong ginagawang transit point ng iligal na droga ng mga international syndicates.
Gustong-gusto nila dito sa atin dahil kahit paulit-ulit silang mahuli at bilyong halaga ng droga ang mahuli sa kanila ay bale-wala lamang kasi nga habang-buhay na pagkakulong lamang ang pinakamabigat na parusa!
Minsan nga, kung sinusuwerte pa ang mga damuho, humihina pa ang kaso na nagiging dahilan para ma-dismiss at mapalaya sila! At ang nakakagulat, ibabalita na lamang na ang suspek ay nawawala o nakalabas na ng bansa!
Bukod pa rito, alam nila na ang ating alagad ng batas ay nababayaran kapalit ng kaunting pabor lalo na sa iligal na droga na madaling pagkakitaan.
Sana lang dumating ang panahon kung kailan ang ating otoridad ay gagawa ng kanilang tungkulin ng buong katapatan nang sa ganoon ay mabawasan na ang nasasayang na buhay at panahon.
(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag-email sa wagkukurap_101@yahoo.com.ph)