Rep. Gina de Venecia |
Dagupan City Mayor Benjie S. Lim |
Ginagawa ang lahat ng mga katunggali ni Mayor Benjie Lim sa pulitika para hindi matuloy ang pagpapatayo ng Maternal and Children’s Lying-in Hospital na magbibigay ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga kapuspalad sa lungsod. Ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan para kumbinsihin ang Kalihim ng Edukasyon na huwag payagan ang paglipat ng mga mag-aral mula sa Don TeofiloGuadiz Elementary Shool sa bagong paaralan na pinagawa ng city government sa barangay Poblacion Oeste.
Nakatakdang umpisahan ang construction ng naturang hospital sa lugar na kinatatayuan ng Guadiz Elementary School. Ang lugar ay bahain at lumang-luma na ang gusali.
Ang bagong paaralan na pinatayo ng city government ay mataas kung kaya’t hindi maabot ng tubig-baha, at isa ito sa mga pinakamagandang school building sa buong rehiyon, ayun mismo kay Dr. Gloria Torres, ang city schools division superintendent.
Bakit ganyan na lamang ang pagtutol ng mga kalaban ni Mayor Lim na magkakaroon ng sariling hospital ang siudad para sa mga mahihirap? OO nga’t maraming ospital sa lungsod, isama na ang Region 1 Medical Center.
Sabi nila, sapat na ang Region I Medical Center para tugonan ang pangangailangan natin ng serbisyong pangkalusugan. Sapat at maasahan nga ba ang serbisyong binibigay ng naturang ospital?
Hindi ba’t mismong si Dr. Roland Mejia, ang director ng Region I Medical Center, ang umamin sa isang press conference na “lahat ng serbisyodito sa Region I Medical Center ay may bayad.” Pati pagpaparada ng sasakyan, maybayad!
Paano na ngayon ang mga mahihirap?
Kilala ba ninyo si Efren Balauza Santineller?
Siya ay nanirahan sa 061 PNR Site, Mayombo, Dagupan City.
Dinala siya sa Region I Medical Center noong March 5, 2013 dahil sa sakit na viral hepatitis.
Na-confine ng limang araw, ngunit binawian ng buhay.
Halos tatlong araw ng nasa morgi ng Region I Medical Center ang bangkay dahil hindi hinayaang ilabas ng mga kamag-anak.
Ang dahilan: hindi makabayad ang mga kaanak ng kawawang biktima ang hospital bill na nagkakahalaga ng P32,562.00.
At nagbayad pa ang mga kamag-anak nito ng P2,000 or P50 pesos bawat oras habang nasa morgi ang bangkay!
Si Charlyn Joy Tumo, taga sitio Longos, Bonuan Boquig, ay na-confine din sa Region I Medical Center ng 19 na araw at umabot ang kanyang hospital bill sa P93,457.60!
Hanggang ngayon hindi pinapayagan na makalabas sa |Region I Medical Center dahil hindi mabayaran ang hospital bill, KAHIT NA MAY CERTIFICATION NA ITO AY ISANG INDIGENT PATIENT!
Sina Congresswoman Gina de Venecia, Vice Mayor Belen Fernandez at sampo ng kasamahan nila sa partido, bakit ayaw nilang matuloy ang ospital na balak ipatayo ni Mayor Benjie Lim para sa mga kapuspalad na kababayan natin?
Talaga bang sila’y para sa mahihirap? Sino ngayon ang tunay na nag mamahal sa mga Dagupeños?
Sila ba o si Mayor Benjie Lim na gustong magkaroon ng sariling ospital para sa mgaDagupeños na kung saan libre ang serbisyo para sa mga kapuspalad?
****
Sadyang di kapani-paniwala ang sinasabi ng mga kontrabida sa ating lungsod na lugi daw ang city government nang ibenta nito ang MC Adore hotel.
Noong 2002, binili ng city government ang MC Adore hotel mula sa Asset Privatization Trust sa halagang P50 milyon lamang.
Ito ay nabenta sa halagang P119 milyon, kaya’t may tubo ang lungsod na P69 milyon, bukod pa ang humigit-kumulang na P30 milyon na nakolekta ng lungsod sa pagbebenta ng cash tickets sa mga tindera sa naturang lugar. Kung ganon, umabot sa P99 milyon higit-kumulang ang kinita ng city government mula sa MC Adore hotel!
Kahit na batang musmos ay madali nitong naintindihan.
Nguni’t iginigiit ng mga kontrabida sa lungsod na dapat hindi bumaba sa P200 milyon ang pagbenta sa MC Adore. Ano ang kanilang batayan?
WALA!
At isa pa, sana’y nag sumite na lang sila ng bid nang isubasta ang naturang ari-arian kesa dakdak na sila ng dakdak! Mismong ang Commission on Audit ang nagtakda ng presyo kung magkano at papaano ibenta ang MC Adore na naayon sa COA Circular Bilang 89-296. Bumuo ang COA ng Inspection and Appraisal Team na nagsiyasat at nagtakda ng presyo ng MC Adore.
Kabilang sa mga COA Team ay sina Engr. Francis C. Estrada, Engr. Josie Cornel Ico, at Engr. Orlando G. Soco, ang hepeng Technical Information Technology Services ng COA Region I Office.
Ayun sa report ng COA, hindi dapat bababa sa P106,283,000.00 ang presyo ng MC Adore.
Ngayon, bakit hindi sumali sa public bidding ang mga KONTRABIDA SA LUNGSOD kung talagang matibay ang kanilang paniniwala na hindi bababasa P200 milyon ang presyong MC Adore?
Mas marunong ba sila kaysa COA?
Wala ba silang tiwala sa COA? O kaya’y sadyang nililinlang at nililito lamang nila ang taong bayan?
Sinunod lahat ng city government ang mga patakaran upang maging bukas sa publiko o kaya’y transparent ang ginawang pagbenta ng MC Adore hotel.
Bumuo itong Appraisal Committee at Awards Committee nakabilang sa mga miyembro ay mula sa Sangguniang Panlungsod at pribadong sektor.
Ang Invitation to Bid ay nalathala sa dalawang national daily newspapers at mahigit sampung local newspapers sa Pangasinan.
Ayun kay Ginoong Benjamin Ramos, chief finance officer ng AMB. ALC Holdings and Management Corporation na siyang nakabili ng MC Adore, ang balak nila ay gawing five-star hotel ang MC Adore. Magkakaroon ito ng 120 hotel rooms, function rooms for banquet and conventions, Savings Bank, at commercial spaces para sa restaurant at retail stores.
Mangangailangan ito ng mahigit 180 na empleyado.
Ayun kay Mayor Benjie Lim, mula dalawa hanggang tatlong milyong peso ang kikitain ng lungsod kada taon mula sa business taxes at license fees nama kokolekta mula sa MC Adore!
Ngayon, sino ang talo?
Siyempre, ang mga KONTRABIDA SA LUNGSOD.
PANALO ANG MGA DAGUPEÑO!