SI BINAY, AYAW SUMIPOT, AYAW SUMAGOT, AYAW MANAGOT…
ASC: Si Binay, ayaw sumipot, ayaw sumagot, ayaw managot. So yun ang simpleng issue dito. Bakit tumatagal ang hearing? Hindi dahil sa mga witnesses na willing mag-testify, hindi sa mga dokumento na hawak na ni Vice Mayor Mercado, kung hindi dahil ayaw sumagot ni VP Binay, ayaw niya sumipot sa hearing. Pati sa debate, umatras siya.
And then, ang pinaka-importante, pinipigilan niya na ang ebidensya ay makarating sa Senado. Halimbawa, may alegasyon na overpriced ang building, pwede ba namang ang alegasyon ay paniwalaan namin? Titingnan muna namin ang dokumento. Pero ang siyudad naman ng Makati, pinipigilan ni VP Binay na i-deliver ang mga dokumento. Pwede ba namang basta’t sabihin lang ni VP Binay na dumaan na sa COA yan – eh COA mismo ang nagsabi na may problema - pwede bang maniwala na lang kami sa kanya? Tapos sinabi ni Vice Mayor Mercado na bagmen niya si Mr. Gerry Limlingan at si Ms. Ebeng Baloloy, pwede ba namang tanggapin na lang natin na sinabi ni Vice President Binay na kaibigan niya lang si Mr. Limlingan? Samantalang sa ilang korporasyon, nandoon palagi ang pangalan ni Mr. Limlingan? So, dapat dumating din siya diyan. Ang problema, pinipigilan ni VP Binay na mag-appear siya doon.
SI VICE PRESIDENT, SIGAW NANG SIGAW NG SUGOD, ATRAS NAMAN NG ATRAS. NANGHAHAMON SA DEBATE, HINDI NAMAN DADATING.
Ang problema kasi, iba ang sinasabi ni VP Binay sa ating Pangulo, iba ang sinasabi niya sa mga probinsya, iba ang sinasabi niya sa mga militar kapag sila ay nagbu-boodle fight, pero iba ang katotohanan. Katulad noon, sabi nila sa mga tao ngayon, walang ebidensya at pinipigilan namin silang magbigay ng ebidensya. Nakita niyo naman, trak-trak na ng ebidensya ang napresenta sa Senado. Sinasabi naman nila, pinipigilan namin silang magpresenta ng ebidensya, eh ang pinapadala naman nila sa spokesman na ebidensya, pekeng certification ng UE. So, kung sila, gusto nilang matapos ang hearing, kami din, dahil trabaho pa para sa amin ito. Hindi madali ang mag-prepare, hindi madali na pag-aralan lahat ng dokumento na ito. In fact, kung ginagawa ng lahat ng ahensya ng gobyerno ang trabaho nila - noong araw ah; remember, hindi ko pinagbibintangan ang Ombudsman o COA ngayon dahil nire-reform nila - , but noong nangyari ito, ten years ago, fifteen years ago, three years ago, ang iba dito nangyari noong panahon ni Presidente Arroyo. Kung ang COA noon ay nasita kaagad sa malaking overprice, sana wala nang trabaho ang Senado ngayon.
So unfair na sabihin sa Senado na pinapatagal ito at unfair na sinasabing pinag-iinitan si Vice President. Siya naman ang nagsabi na gusto niyang tumakbong presidente. Diba, kapag gusto mong tumakbong presidente, dapat handa ka na nasa ilalim ka ng microscope. Pero si Vice President, sigaw nang sigaw ng sugod, atras naman ng atras. Nanghahamon sa debate, hindi naman dadating.
Kasi, ang estimate namin, one or two hearings per building, kaya na ito. Ang problema, humaba dahil, katulad niyan, sinabi ni Mr. Tiu na siya daw ang may-ari, so imbes na isang hearing, naging tatlo. So hindi ko talaga mae-estimate. Kung aaraw-arawin namin ito katulad ng impeachment, baka dalawang linggo tapos ito. Pero mismong ang kampo naman ni Vice President Binay ang nagsasabing madami kaming ibang trabaho, asikasuhin namin ang trabaho. Katulad noon, simula Martes meron kaming budget hearing. Kalakaran na sa Senado, aming unwritten rule, na basta’t may budget hearing, walang ibang hearing. So for the next two weeks from Tuesday, wala kaming ibang hearing. So gusto man namin tapusin, anong gagawin namin? Ititigil namin ang budget hearing para matapos muna ito?
So kung gusto ng Vice President na matapos ito kaagad, kung siya ay nakikiusap sa Pangulo, simple lang ito. Siya ay sumipot, siya ay sumagot.
MALAKI DIN ANG MAGAGAWA NG PANGULO AT NG EXECUTIVE DEPT. PARA MAPABILIS ITO... MORE IMPORTANTLY, PARA MAPAKITA SA MGA TAO NA BAWAL ANG KORAPSYON SA ATING BANSA.
The President is a very emotional and passionate person. He really wants to make a change at gusto niya talaga ng tuwid na daan. Having said that, tao din siya. So nag-apela sa harap niya, nagmukhang kawawa ang Vice President, so siguro ginive niya ang opinion niya, what he thinks is fair. Pero kung malalaman ng Pangulo ang lahat ng ginagawa ng Vice President to delay, to sabotage, para guluhin ang hearing, as a former senator and as the architect ng tuwid na daan, I am sure na ang kalooban ng Pangulo ay walang kaibi-kaibigan, walang kama-kamag-anak. Basta’t kung ano ang tama, yun ang sundin. Kung corrupt, kasuhan, kung hindi, hindi.