Nauunawaan ko ang mga tanong at pangamba kaugnay ng mga pagbabagong nagaganap sa Kapitolyo. Nais kong linawin na ang lahat ng hakbang na ating ginagawa ay nakatuon lamang sa mabuting pamamahala at sa kapakanan ng bawat Pangasinense.
Hindi sapat ang nakita kong serbisyo at pagsunod sa mga proseso ng ilang opisyal ng kapitolyo, dahilan para palitan natin sila ng mga bagong lingkod-bayan na mas makapagbibigay ng tapat na serbisyo at makakasabay sa mabilis at matuwid na direksyon ng ating probinsya.
Nakatuon po ang ating pansin sa pagbibigay ng katuparan sa mga pangako ng ating gobyerno. Ang sinumang hindi kayang sumunod at makipagkaisa sa misyon ng kapitolyo para sa pagbibigay ng tulong sa mga Pangasinense ay hindi karapat-dapat na manungkulan sa aking administrasyon.
Asahan po ninyo na ang ating pagkilos at mga desisyon ay para sa
paninindigan nawalang puwang ang hindi maayos at mabisang pamamahala.
Ang mga pagbabagong ito ay ginagawa hindi para sa iilan, kundi para sa
ikabubuti ng buong lalawigan. Sa ngalan ng mabuting pamamahala, ipagpapatuloy
natin ang galing ng paglilingkod na tapat, malinaw, at para sa lahat.
HON. RAMON V. GUICO III
Governor, Province of Pangasinan
No comments:
Post a Comment