Thursday, September 26, 2024

Killer -BF ng GF sa Baywalk, Tiklo!

GOV GUICO PINURI ANG PNP SA AGAD NA SOLUSYON

Ni Mortz C. Ortigoza

LINGAYEN, Pangasinan – Nasakote na ng kapulisan sa loob lang ng 24 oras ang boyfriend ni Evalend Cervera Salting, 20, matapos niyang patayin at ibaon sa buhangin sa Baywalk dito ang huli noong gabi ng Setyembre 24.




KILLER BF. Suspected killer Reynald Clave Caracas, 21 (left photo) and his murdered girl friend Evalend Cervera Salting, 20.

“In less than 24 hours nahuli na ang suspect,” sambit sa writer na ito ni Pangasinan Police Office Director Col. Jeff Fanged matapos sabihin ng una na binabatikos ang kapulisan at mga kawani ng provincial government ng Pangasinan dahil blanko nilang makilala ang salarin.

Kinilala ni Fanged ang suspect na si Reynald Clave Caracas, 21, single at fourth year college student ng Pangasinan State University dito. Siya ay resident ng Barangay Toritori sa Anda, Pangasinan.

Ang nobya nitong si Salting ay third year college sa PSU rin. Siya ay nakatira sa Barangay Sabling, Anda, Pangasinan.

Ikinasa na ng kapulisan ang pagsampa ng kasong rape with homicide kay Caracas. Ang kaso ay walang piyansa habang nililitis ito sa Regional Trial Court dito.

Natuklasan ang bangkay ni Salting noong makita ang bahagi ng katawan nito sa mga buhangin ng Baywalk ni John Karlo Salvador Ramos,35, self-employed at residente ng Brgy. Poblacion dito noong 6:16 pm noong Setyembre 24, 2024.

Ayon sa Philippines National Police (PNP), may lumantad na witness kung saan itinuro nito si Caracas kung paano niya paslangin si Eveland.

Ani ng witness nakita niyang nag-away ang mag siyota at nang makalipas ang ilang sandali tinatabunan na niya ng buhangin ang dalaga.

Pinuri ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III ang PNP sa pamumuno ni Col. Fanged sa kanilang mabilisang solusyon sa karumaldumal na krimen.

Dahil sa mahigpit na pakikipag-ugnayan ni Guico III sa PNP Lingayen at PPO nalutas ang kaso ng pamamaslang sa bente-anyos at third year Pangasinan State University- Lingayen campus student na si Evalend Salting sa loob lamang ng 26 oras.

Ayon kay Police Lt. Col. Amor Mio Somine, hepe ng Lingayen PNP, ang suspek ay kasintahan mismo ng biktima. Sinampahan na ito ng kasong rape with homicide.

Pinuri ni Gov. Guico ang PNP sa mabilis na paghuli sa suspek.

“This is an isolated case. All evidence points out that it’s a crime of passion. The case is now solved,” saad ni Gov. Guico sa press conference sa mga media.

Nagtamo ang katawan ni Salting g traumatic injury sa ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Iginiit din ni Col. Fanged na sapat ang bilang ng mga nagbabantay na tourist police unit sa baywalk at Capitol Complex. Ito ay bukod pa sa provincial guards at Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office - With reports from the PIO


No comments:

Post a Comment