Sunday, September 21, 2025

Walang Piyansa ang Kidnapping

 

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

Nasampahan na ng kasong Kidnapping ang babaeng dumukot sa sanggol na bagong-silang sa Lingayen District Hospital na pag aari ng provincial government.

KIDNAPPER. A woman kidnap suspect faces Pangasinan Gov. Ramon V. Guico III (2nd from left), Police Provincial Director Col. Arbel Mercullo (4th from left), and Lingayen Chief of Police Lt. Col Junmar Gonzales at the Urduja House in the Capitol in Lingayen. The woman from Binmaley faces a non bailable Kidnapping case of a newly born baby she took at the Lingayen District Hospital.


Ninakaw ng walang konsensiyang babaeng taga Binmaley ang baby noong Setyembre 14. Nabawi siya noong Setyembre 16 o dalawang araw noong  palihim siyang hinablot.  

Alam ninyo ba na ang parusa sa Kidnapping ay Reclusion Perpetua (20 years and one day to 40 years na pagkakulong)? Ito ay Capital Punishment na walang piyansa habang nililitis ng korte (Regional Trial Court (RTC)) ang kaso kung merong pagkasala o wala ang akusado.

Ito ang sabi sa Article 267 ng Revised Penal Code of the Philippines: “Kidnapping and serious illegal detention. – Any private individual who shall kidnap or detain another, or in any other manner deprive him of his liberty, shall suffer the penalty of reclusion perpetua to death”.

Noong nabasa ko ang negosasyon ng isang LGBTQ member at isang plainclothes na policewoman sa kidnapper sa pamamagitan ng mobile phone sa bahay ng kidnapper sa Binmaley, sinabi ng huli na bayaran ng dalawa ang gastos niya sa gatas at iba pang pang gamit noong sanggol. Ani ng dalawa handa silang magbayad pero dalawang libong piso lang ang dala nilang pera. Pumayag ang kinakabahang kriminal. Linggid sa kidnapper (na natakot na mabisto siya dahil sa panawagan sa buong lalawigan ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III na kailangan mahanap ang kriminal), may limang pulis na sekretong sumusunod sa dalawang kausap niya para siya’y maaresto.
Ani ng suspek inutusan lamang daw siya ng isang hindi pa nakikilalang babae kapalit ng limang libong piso.

AYON SA BATAS

Sa circumstances ng Article 267 (Kidnapping and Serious Illegal Detention), ang akusado ay may pananagutan sa dalawa sa limang  pangyayari para siya ay makasuhan ng walang piyansang krimen. Ito ay:

  1.  
  2.  

3.

4.     4. If the person kidnapped or detained shall be minor, except when the accused is any of the parents, female or a public officer.

"The penalty shall be death (Reclusion Pertpetua now –  emphasis by the author) where the kidnapping or detention was committed for the purpose of extorting ransom from the victim or any other person, even if none of the circumstances above mentioned were present in the commission of the offense."

Dahil sa pangyayaring ito, ipinaguutos ni Governor Monmon ang mas mahigpit na seguridad sa lahat ng ospital sa lalawigan—kabilang ang pagdagdag ng security personnel, paglalagay ng Closed-Circuit Television o CCTV cameras, at pagpapatupad ng mas istriktong standard of procedures—upang matiyak ang kaligtasan ng bawat pasyente.

Sa may mga balak diyan na mangidnap, magisip kayo ng sampung beses dahil ang parusa sa krimen na ito ay walang piyansa. Kung pito hanggang sampung taon bago matapos sa RTC ang kaso ninyo, iyan din ang itatagal ninyo sa paghimashimas ng malamig na mga rehas ng provincial jail o sa karsel ng Bureau of Jail Management and Penology.

No comments:

Post a Comment