Monday, September 7, 2026

KAP. MYLA IPINAGTANGGOL SI MAYOR BONA

 Ni Mortz C. Ortigoza

TAMA si Malabago Kapitana Myla Muyargas hindi naintindihan  ng vlogger na si Kuya Jay-R na ang annual appropriation budget ngayong taon sa Mangaldan na ₱539,035,706.00 ay sobrang laki at sapat para gamitin sa pagpapagawa ng drainage system na magpapagaan o lulutas sa pagbaha sa ilang mga mga barangay doon. Itong mahigit na isang buwan na mga pagbaha ay hindi limitado lamang sa central Pangasinan town kundi ito’y dala ng malakas na Habagat na bumayo sa buong Metro Manila, Southern, Central, at Northern Luzon, at Cordillera Region.


Tawag dito ay Force Majeure.

Merong mas mababa sa P100 million ang P540 million budget na tinatawag na twenty percent Development Fund (DF) ayon sa mandato ng Local Government Code.

Ang 20% DF ay galing sa taunang National Tax Allotment (NTA)—na dati ay tinatawag na Internal Revenue Allotment o IRA—ng bawat lokal na pamahalaan o LGU. Ito ay ginagamit para sa mga proyektong pampaunlad na nagtataguyod ng pangkalahatang kapakanan at epektibong pamamahala.

SAGOT NI KAPITANA

Sagot ni Kapitana Muyurgas sa Vlogger: “Bago kayo magsalita tignan ninyo muna na maraming on- going project and drainange canal si Mayor. Punta ka po sa Enginering Office para malaman ninyo kung ilan ang project na ginawan ng drainange canal at yang budget na iyan. Hindi po buo po iyan, nahati-hati iyan sa mga calamity fund, sahod ng mga empleyado palang 55% na, 20% po ang budget ng Development Fund at kasalukuyang nagbabayad pa ng utang (sa banko) ng last administration si Mayora worth P32 million kada taon. Kaya bago kayo magsalita paki-check muna, ha?”

Hindi kakayanin ng liderato ni Mayor Bona D. Parayno kung gagamitin ang DF kahit sa mga ilang taong nagdaan para lutasin ang drainage problem sa buong bayan.

MAYOR BONA LALAPIT SA DPWH

Kaya lalapit si Mayora sa Department of Public Works and Highway (DPWH) para magpa-ayuda sa massive na paggawa ng drainage system sa buong Mangaldan.

Ani ng Public Information Office ng Mangaldan na kailangan ng Comprehensive Drainage Master Plan na gagawin at pupunduhan ng DPWH sa susunod na taon (2027) para maumpisahan ang pagtatayo sa mga pangmatagalang hakbang na nais maisulong ng administrasyong Parayno.

“Kapag naaprubahan at nakakuha ng kinakailangang pondo, target na simulan sa 2027 ang pormal na technical study at feasibility planning para dito. Dito susuriin ang kasalukuyang drainage network, topograpiya, daloy at volume ng tubig, mga flood-prone area at iba pang teknikal na datos na magiging batayan sa pagdidisenyo ng mga kinakailangang drainage at flood-control infrastructure”.

Sa planong ito titingnan din ang drainage situation ng mga karatig na bayan at lungsod gaya ng San Jacinto, San Fabian, Dagupan at Mapandan.

Samantala, merong kahilingan na P5 million drainage canal project ang Bona Administration sa DPWH para lang sa Barangay Navaluan para maisakatuparan sa 2027 din.

Ang baha dito sa Navaluan ay naging dahilan sa mainit na palitan ng sagutan kamakailan ni Kapitana Muyargas at vlogger na si Kuya Jay-R na residente o fan ng Tanza, Cavite.

No comments:

Post a Comment