Sa Lunes Kahit na may TRO galing kay Judge Samadan
By Mortz C. Ortigoza
MANGALDAN – Tuloy na
tuloy sa Lunes September 29 ang Oath Taking ni Brgy. Poblacion Kagawad Naomi
Fabia bilang kahalili ni Kapitan Joselito “Jojo” Quinto dahil sa kasong administratibo na gross misconduct at iba pa.
Mayor Bona Fe de Vera-Parayno |
Ani Mayor Bona Fe de Vera-Parayno ang Temporary Restraining
Order na nilagdaan ni Judge Marvin Jovito S. Samadan ng Regional Trial Court –
Branch 40 sa Dagupan City ay para lang sa Administrative Case No.1-2014 na
dinidinig ng Sangguniang Bayan (SB) dito
Poblacion Brgy. Kap. Jojo Quinto |
“Hindi ako kasali sa TRO ng Judge. Ang Local Government
Code (LGC) of 1991 ay nagbibigay sa akin
kapangayarihan ng preventive suspension,” tahasang sinabi ni Mayor Parayno.
Sinabi ni Parayno na ito kaagad ang nakita ng abugado niya
sa Manila na si Lawyer Mondragon na nagsabi sa kanya na walang sabit siya at
si Fabia sa Lunes kay Samadan sa kanyang Contempt Power dahil klaro naman sa
Resolution ng judge na ang SB ang na-TRO at hindi siya.
Ang kapangyarihan ng mayor sa Preventive Suspension (PS) ay
makikita sa Paragraph (3), Section 63 ng LGC kung saan ay nakasaad:
“Section 63.
Preventive Suspension. (a) Preventive Suspension may be imposed:
(1)XXXX ; (2) XXXX;
(3) By the mayor, if the respondent is an elective official of the barangay”.
Ang TRO ni Judge Samadan noong nakaraang Miyerkules ay
nagsasaad :
“However, in the
interest of justice to the end that undue prejudice and/or injury maybe avoided
to all parties affected by this proceedings as well as not to render nugatory
and ineffectual the Resolution of this Court of the issues herein presented,
let a Temporary Restraining Order be issued to be effective upon service and
for a period of twenty (20) days upon receipts. Accordingly, the Respondents,
the Sangguniang Bayan of Mangaldan are hereby ordered to cease and desist from
conduction further proceedings in
Administrative Case No. 1-2014”.
Ani Samadan na sila Petitioners Quinto at Melinda P. Morillo at
Respondents Mayor Parayno, SB, at iba pa ay kailangan mag file
simultaneously 10 days magmula September
24 ng kanilang memoranda .