Tuesday, September 2, 2025

Nagpasalamat si Mayor Bona sa Magnanimity ni Mayor Riza

 

MATAPOS MAG WITHDRAW ANG HULI SA LMP ELEC.

Ni Mortz C. Ortigozana 

CALASIAO, Pangasinan – Nagpasalamat si Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno sa “magnanimity” o kagandahang-loob ng kanyang katunggali sa pagiging Secretary General sa nakaraang League of Municipalities of the Philippines – Pangasinan Chapter (LMP-PC) na ginanap dito.


PANGASINAN Governor Ramon “Monmon” V. Guico III in a huddle with Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno before the start of the League of Municipalities of the Philippines – Pangasinan Chapter held at the convention hall of the Monarch Hotel in Calasiao, Pangasinan. The Governor and his father Pangasinan 5th District Cong. Ramon “Monching” Guico, Jr. have been an observer of the poll. The elder Guico used to be the national president of LMP. 


“I would like to shake her hands and I know that she’s very able to become a Secretary General. She had been there for many terms,” ani Mayor Parayno kay Balungao Mayor Maria Theresa “Riza” Peralta matapos makakuha sila ng 13 mga boto kada isa sa mga alkalde ng Pangasinan sa eleksyon ng LMP-PC na ginanap sa Monarch Hotel dito noong nakaraang eleksyon.

Nag “draw” ang dalawang magkatunggali sa 26 na mga alkalde na bumoto. Lima ang nag abstain o di nakaboto sa 31 na mga mayor na lumahok. Ang Pangasinan ay may 44 na mga alkalde sa kanyang municipalities. Hindi na natuloy ang second round na botohan kung saan ang isang mungkahi ay mag secret balloting para sa pinag-aagawang pusisyon  dahil umatras si Mayor Peralta.

“I was supposed to concede but then naunahan niya ako. Nahiya naman ako because of her experiences as the Secretary General,” ani Parayno sa beteranong Secretary General na si Mayor Riza.

Pinasalamatan rin ni Mayor Bona ang mga alkalde na bumoto sa kanya. Maraming mamahayag na andoon ang may pagdududa kung kayang talunin ni Parayno si Peralta dahil may apat lang na alkalde ang 4th District habang ang 6th District ni Peralta ay merong sampung mayors.

“I could learn a lot from her first of all I would like to thank everyone all the mayors,” sabi ni Parayno.

Dagdag ni Mayor Bona na hindi na mahihirapan ang LMP-PC sa ilalim ng pamumuno  ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico “Ming” Rosario dahil meron ng blueprint ang organisasyon kung paano itong patakbuhin.

“Kasi di na mahirap kasi may blueprint we will follow whatever that they have started and of course that I will continue with transparency lahat gagawin namin dito sa LMP”.

No comments:

Post a Comment