Thursday, October 31, 2024

Calasiao Panalo sa Green Banner Seal of Compliance

 

CALASIAO, Pangasinan - Ginawaran ang Lokal na Pamahalaan dito ng Green Banner Seal of Compliance Award sa ginanap na Gawad Parangal ng Nutrisyon sa Rehiyon Uno noong ika-30 ng Oktubre sa taong kasalukuyan.


 Ito ay dinaluhan ni Municipal Administrator Romalyne Q. Macanlalay bilang representative ni Punong Bayan at LNC Chairman Kevin Roy Q. Macanlalay, Municipal Health Officer Dra. Gemma Rodrigo, MNAO Vilma Gaspar, at ibang myembro ng LNC.

Ang Green Banner Seal of Compliance Award ay ginagawad sa mga municipalidad na nakakamit ng natatanging Nutrition Standard Requirements sa pamamagitan ng pagsusuri ng MELLPI PRO Provincial Evaluation Team.

Ito ay patunay na nagagampanan ng maayos ng LGU Nutrition Office ang kanilang tungkulin sa pag implementa ng mabuting nutrisyon sa bayan.

Fake News, Litrato ni Mayor Bona sa Casino

 

PATI P280-M LOAN GAWA - GAWA NG KALABAN

Ni Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN, Pangasinan – Mariing pinabulaanan ng alkalde ng bayan na ito ang mga naglilitawan sa social media na mga negatibong isyu gaya ng babaeng nakatalikod habang nagsusugal sa loob ng casino.

“Nakasalamin pa! Hindi ako nagsasalamin. Ayan, ay di ako iyan! Dadalhin ko iyan magkakasino ako nakasalamin ako?! Saka wala akong jacket na ganyan. Saka medyo mataba ako pero hindi ganyan kalapad ang dito ko! Fake kamo ibagam tampol (sabihin mo kaagad)!” patawang nasambit ni Mayor Bona Fe D. Parayno sa litrato na pinakita sa kanya ng writer na ito na may pamagat “Mayora nasa casino???”. Nakapangalan ang Facebook Page sa kay Rose A. Abalos – isang troll na bumabanat rin kay dating Mayor Marilyn Lambino.

 

Ang kontrobersyal na pekeng larawan ni Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno.


“Hindi naman sila nakasalamin,” ani ng isang staff niya.

Pinabulaan ng beteranong alkalde na siya ang nasa likod ng mga paninira sa mga katungali niya sa mataas na elektibong pusisyon dito sa mayamang bayan sa Pangasinan.

“Basta sabihin mo kahit ano ang mangyayari hindi ako nag uutos manira ng tao,” aniya.

Marubdob na binasura rin ni Mayor Bona ang paratang ng kalaban niya na may loan sa bangko na P280 million ang local government unit (LGU) dito.

"Hindi totoo iyan!" tugon niya noong kapanayamin siya ng writer na ito sa kumakalat na mga black propaganda sa social media.

Ani ng isang department head na ayaw magpabanggit ng pangalan na kung susumahin ay P250 million lang ang loan na ni kontrata ng tatlong dumaang Alkalde dito.

Umutang sa banko si dating Mayor Herminio Romero ng P60 million, Mayor Bona ng P40 million noong term niya noong middle of 2010's, at Mayor Lambino ng P150 million.

Ani Mayor Parayno bayad na iyong utang ni Romero at noong unang term niya (Bona) na ginastos sa pampaganda at konstruksyon ng palengke sa bayan. Kasalukuyan niyang binabayaran ang P150 million na loan ni Mayor Lambino.

"Actually noong pag dating ko dito ako ang unang nagbayad doon sa loan nila (Lambino) kasi meron silang nakuha sa bangko na in two years’ time babayaran kaya ako ang unang nagbayad sa kanila," sambit ni Parayno na pumalit kay Lambino noong June 30, 2022 noong talunin ng una sa rematch nila ang huli noong May 9, 2022 election.

Magkakabangaan si Parayno, Lambino at si Vice Mayor Mark Stephen Mejia sa pagka alkalde sa Mayo 12, 2025 eleksyon.

𝗚𝘂𝗶𝗰𝗼, 𝗟𝗮𝗺𝗯𝗶𝗻𝗼, I𝗯𝗮 𝗽a N𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 A𝗯𝗮𝗹𝗮 K𝗮𝗵𝗶𝘁 𝗻𝗮𝘀𝗮 Typhoon No. 𝟯 𝗮𝗻𝗴 B𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗣’𝘀𝗶𝗻𝗮𝗻

 

Matapos humarap sa Sangguniang Panlalawigan para sa pagdinig ng 2025 budget, pinulong ni Pangasinan Gov. Ramon "Mon-Mon" V. Guico III ang mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction Management (PDRRM) Council.

 

Si Pangasinan Gov. Ramon V. Guico III habang namimigay ng relief goods katulad ng hygiene kit na nakikita sa larawan sa 170 katao na nasalanta sa Typhoon Kristine kamakailan lang.


Dito pinag-usapan ang sitwasyon ng probinsiya habang patuloy itong binabayo ng Bagyong Kristine. Sa pagpupulong, tinalakay ang mga dapat gawin para matiyak ang kaligtasan at mabilis na matugunan ang pangangailangan ng bawat Pangasinense.

Kasunod nito ay pinasyalan ni Governor Guico – tumatayong chairman ng PDRRM Council ang mga evacuation centers para kumustahin ang mga apektado ng pananalasa ng Bagyong Kristine. Aabot sa isangdaan at pitumpong (170) pamilya ang personal niyang binigyan ng relief packs na may lamang hygiene kits at pagkain. May ipinamahagi ring banig ang gobernador. Inaasahang madaragdagan pa ito habang patuloy ang relief operation. Kasabay sa operasyon na tio ay ang feeding program ng Guicosina – isang sasakyan de motor na may dalang mga pagkaing mainit.

Tuwang-tuwa ang mga residente nang personal na tanggapin ang tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan mula mismo kay Governor Guico.

“Konting tiis lang. Ang importante ligtas tayong lahat. Talagang ito ay kalamidad. May hightide at nagkaroon po ng storm surge, kaya unusual po ito. Pero ginagawa po natin lahat ng paraan upang maging ligtas, maging malusog ang lahat,” pahayag ni Governor Guico.

Kasama ni Governor Guico sa paghahatid ng tulong ay sina Vice Governor Mark Ronald Lambino, Ret. Col. Rhodyn Luchinvar O. Oro, Board Members Philip Theodore Cruz at Haidee Pacheco, at PSWDO head Annabel Terrado-Roque. (PIO)

Monday, October 28, 2024

Join the Spookiest Halloween Costume Contest for Kids at SM

 Get your little ones ready for a fun-filled Halloween celebration as SM City Rosales, SM City Urdaneta Central, and SM Center Dagupan host the Super Kids Monsterrific Halloween Costume Contest. Kids below 12 years old are invited to showcase their best costumes on October 31 and win special prizes.


SM City Rosales – 1:00 PM, Level 2 SM City Urdaneta Central – 2:00 PM, The Event Center, Level 3 SM Center Dagupan – 1:00 PM, Ground Level Registration is open until October 31. For more details, visit SM Supermalls official Facebook page.

Takot mga Senador na Ipakulong si Duterte

 

Ni Mortz C. Ortigoza

Noong nag komento ako mga alas kwatro ng hapon kahapon habang pinapanood ko si dating Presidente Rodrigo Duterte na nagsasalita na may kasamang walang puknat na pagmumura ng “pu_ _ _ in* sa harap ng mga miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa anim na libong patayan sa drug war niya, aniko: “Di kayang pahintuin ng mga Senador si Duterte kahit nababastos na sila”.

ACTORS. (L-R) Senator Risa Hontiveros, former President Rodrigo Duterte, and former Senator and former Justice Secretary Leila de Lima. De Lima was jailed for countless of years during the presidency of Duterte because of fabricated charges of narcotics peddlings.

Isa lang sa kanila kalaunan ang may bayag na umalma na ihinto niya ang pagmumura  sa prestihiyusong bahay nila. Iyong may bayag ay hindi si Senators Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, Bato dela Rosa, Robin Padilla, at Koko Pimentel kundi isang babaeng solon na si Senator Risa Hontiveros.

“May angas pa rin si Duterte,” ani Al Penamante noong mabasa niya ang post ko sa Inglis.

So what’s the argument, Sir?” tanong ng isang fan ni Duterte sa bayan ko sa Cotabato na karamihan ay maka Rodrigo at Sara Duterte -- siyempre mga taga Mindanao sila.

Nasa statement ko just understand it,” sagot ko sa kanya sa post ko sa Inglis.

Gawin niyong Ilonggo para maintindihan niya. Mahirap pa naman paintindihin iyang mga DDS,” kantiyaw ng kababayan ko sa Ilonggo na si Joew Kuirpz, hahaha!

Ang DDS pala ay hindi iyong Davao Death Squad kundi ay Diehard Duterte Supporters.

Aniko malayo ang mga Senators sa Quad Committee ng House of Representatives. Ito ay kinabibilangan ng mga Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts na pinamumunuan nina Robert Ace Barbers, Dan Fernandez, Bienvenido Abante, at Joseph “Caraps” Paduano.

Baka nagkabanggaan na at ni cite with contempt na ni Paduano  (isang siga ng Quad na dating miyembro ng Alex Boncayao Brigade sa Negros  ng armadong kasapi ng komunista) at ni Cong. Romeo Acop (isang abugado at retiradong heneral ng pulis) si Duterte.

***

Ano kaya ang mangyayari pag pinakulong ng miyembro ng QuadCom o Senado kagabi si dating Pangulong Duterte dahil di nila nagustuhan ang tono ng mga salita niya gaya ng pagmumura at mala Palace briefing  na pagkahaba-haba?


They would be “playing with fire” at hindi magugustuhan ni President Ferdinand Marcos ang kahihinatnan niya.

Ano iyon?

Babaha ang EDSA ng mga pro Duterte supporters na magwawala at magsisigaw na palayain ang idolo nila na utak sa madugong drug war sa Pinas. Lalo na bumalik na naman at naging talamak ang bentahan ng shabu at marijuana sa Pilipinas.

Iyang gusot na iyan ay pwedeng maging daan sa pag-aklas sa hanay ng kapulisan at kasundaluhan na kung saan halos lahat sila ay nabiyayaan ng paglobo ng mga sahod nila noong panahon ni Duterte.

Pag mangyari iyan sasali ako sa pag-aklas,” ani ng isang non-commissioned na pulis na ayaw magpasulat ng kanyang pangalan. Ganoon din ang sinabi ng isang sarhento sa akin kahapon habang pinapanood namin ang circus, este, hearing sa patayan noong mga drug suspek sa Senado kahapon.

Marami sa hanay namin ang maka Duterte,” dagdag pa niya.

Ito ay isang “litmus test” kay Pangulong Marcos oras na makitaan ng “probable cause” si Duterte gaya ng pagsasalaysay ng dating “kabit” niyang si retired police colonel at dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chief Royina Garma sa QuadCom at ma isyuhan siya ng warrant of arrest at ikukulong sa walang piyansang kasong murder.


 

 

Thursday, October 24, 2024

SUBSTANDARD

 

 Countless meters length of a flood protection project cracked upon the scourges of the waves during the height of Typhoon Kristine when it passed by the Baywalk in Bonuan Binloc, Dagupan City. The hollow construction of this project awarded by the Department of Public Works & Highway to a contractor in Pangasinan raised a howl among social media readers. Photo credit: Khrix Tinah


Baha sa Capitol Sanhi ng Storm Surge

LINGAYEN, Pangasinan - Iginiit ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na ang nararanasang pagbaha sa Capitol Compound at ilan pang bahagi ng mga barangay ng bayan na ito at mga bayan sa Pangasinan ay dulot ng storm surge.

STORM SURGE floods the sorroundings of the Capitol Complex in Lingayen, Pangasinan. Storm surge is the rising of the sea as a result of the athmospheric pressure changes and wind associated with a storm. The scourge of the surge brought by Typhoon Kristine in October this year was felt in Camarines Norte when 528.5 millimeters of rain water fell in the huge part of the province that showed houses there submerge. The last time the country suffered this volume that fell in 24 hours was in 1920 or 100 years to the present year, according to the weather bureau.


“Nakaranas po tayo ng storm surge at sumabay pa po diyan ang high tide kaya po bumaha dito sa may Capitol area at sa may Baywalk area. Base po sa monitoring natin kagabi, nasa two to three feet iyan. So, kaagad po naming inilikas ang ating mga barangay na nasa coastal areas ng municipality ng Binmaley at Lingayen,” saad ni PDRRMO Operation Chief Vincent Jun Chiu.

Paglilinaw pa niya, bukod sa bayan ng Lingayen, nakaranas din ng Storm Surge ang Infanta, Labrador, Binmaley, San Fabian, Dagupan City, at Alaminos City.

Ang storm surge ay ang abnormal na pagtaas ng seawater level tuwing may bagyo.

Ang storm surge ay dala ng bagyong Kristine kung saan ang lupit niya ay naranasan sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan nagbuhos ng record-high na tubig-ulan ang bagyo sa loob ng 24 oras.

Batay sa record ng state weather bureau, ibinagsak ni Kristine ang 528.5 millimeters ng tubig-ulan sa malaking bahagi ng naturang probinsya sa loob lamang ng 24 oras o isang araw. Ayon sa weather bureau, huling nasilayan ang ganitong volume ng ulan noon pang 1920s o 100 years base sa taon ngayon.

Sa lakas ng hangin na dala ni Kristine ang tanker na MV Xavier na biyahing Sual ay sumadsad sa baybayin ng Baywalk sa Binmaley Huwebes ng umaga.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office OIC Head Armenia Delos Angeles, papunta umano sa Sual ang tanker ngunit sa lakas ng hangin at alon ay sumadsad ito sa Binmaley Beach.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 531 na pamilya o 1,808 indibidwal sa Pangasinan ang inisyal na bilang na nailikas sa ibat-ibang evacuation centers sa tulong ng Search and Rescue Teams, local government units (LGUs), at Municipal/City Disaster Risk Reduction and Management Office, at mga opisyales ng barangay.

Tiniyak ni PDRRM Council Chairman at Governor Ramon V. Guico III na mabilis na natutugunan ang pangangailangan ng mga apektado ng bagyong Kristine.

Pinapayuhan din niya ang bawat residente na maging maging maingat at alerto para manatiling ligtas. (Reports from Mortz Ortigoza and PIMRO)


Tuesday, October 22, 2024

Lowest Billing Hospital Opens

 JKQ MEDICAL AND WELLNESS CENTER BAYAMBANG

By Mortz C. Ortigoza

BAYAMBANG, Pangasinan – The new imposing six-floor JKQ Medical and Wellness Center (JKQ Medical for brevity) is dubbed by its owner as the “lowest charging hospital in Pangasinan”.

JKQ Medical and Wellness Center in Bayambang, Pangasinan.

Don’t be frightened by the presentation of this hospital. This is a hospital with a heart. Hindi po mahal ang aming sisingilin. Huwag ho kayong matakot sa ganda ng ospital! We have surveyed all the charges of all hospitals in the entire province of Pangasinan. I assure you, we will be at the level as the lowest charging hospital in Pangasinan,” declared by billionaire-businessman Cezar T. Quiambao in his speech that was met by thunderous applause from the more or less a thousand of crowd inside the fully airconditioned white marquee assembled near the medical center.

Philippines First Lady Marie Louise "Liza" Araneta Marcos (far left) poses with billionaire-businessman Cezar T. Quiambao, wife Mary Claire Nina Jose - Quiambao and their son during the inaugaration of the JKQ Medical.


Quiambao said that he did not expect to build a hospital in his hometown’s Bayambang where he became a mayor for six years.

The present mayor Mary Claire Nina Jose - Quiambao is the spouse of the businessman - philantrophist.

I have built hospital in Guam, USA. I myself never thought it will be possible to do this right in my hometown. Maybe somewhere else in the big city but not in Bayambang but the stage happened here we are today,” he added.


The mammoth state-of-the-art JKQ Medical was constructed within three years after Quiambao’s son Julius met his untimely demise.

“My son’s dream is now a reality. Julius spirit lives all in this hospital. May this hospital be an instrument of life for many people as instrument of saving many lives”.

Another thrust of JKQ Medical is to lure foreign clients through medical wellness tourism as what other countries have been doing.


JKQ Medical stands on a two-hectare area that will be Northern Luzon’s newest and most comprehensive health care facility when it opened last Friday. It has a 100-bed capacity and enjoys a Level 2 general hospital status. Thus, it will rank among the modern and comprehensive hospitals in the nation’s capital that offer top-quality healthcare services using state-of-the art technology.


We have relatively affordable health care services, highly skilled medical professionals and a reputation for specialized treatment I believed this hospital is positioned to hover for this positive trend. May the opening of JKQ Medical and Wellness Center bring a new dawn for the health care in the province of Pangasinan,” Quimbao concluded his speech.

 JKQ Medical is manned by a solid array of 600 personnel where there are 250 highly trained doctors who are general practitioners and specialists and 350 support medical staff who are nurses, healthcare specialists, hospital assistants, and others who are all ready to serve the people of the town, the province, and the region.


Guest of honor during the inauguration was Philippines First Lady Marie Louise "Liza" Araneta Marcos. Other guests are some provincial and national officials like Pangasinan Governor Ramon V. Guico, Vice Governor Mark Ronald Lambino, Department of Agrarian Reform Secretary Conrad Estrella, Philippines Health Insurance Corporation President and CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr, Congressmen Mark O. Cojuangco and Ma. Rachell Arenas and high officials of the Department of Health.

Major Involved in Tanuan Mayor Murder Detains


S

After being chided for lying by Cong. Joseph Stephen Paduano, Major Kenneth Paul Albotra (the one fingered by Col. Royina Garma to be part of the assassination of Tanuan City Mayor Tony Halili) , the beleguered Major was cited for contempt. It means, he goes to the slammer, er, detention cell of the House of Representatives.
TOP PHOTO AND CLOCKWISE:
Cong. Joseph Paduano, Police Col. Edilberto Leonardo, and Major Kenneth Paul Alborta.

After the assassination through a sharpshooter of the coat clad Mayor who was attending a flag ceremony at the ground of the municipal hall, Major Albotra and some cops returned to Cebu City -- their mother unit where they were under the supervision of President Duterte's alleged mistress and now whistle blower retired Col. Garma.
The fire breathing Cong. Paduano -- a fellow Ilonggo from Negros -- was the national commander of the Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB), an armed communist revolutionary group.
The solon who has the propensity to disgrace police officers had a nom de guerre as Carapali Lualhati in the Commies' New People's Army.
Meanwhile, the members of the Quad Committee are being chummy as of press time with Police Col. Edilberto Leonardo as he cooperated with the wishes of the solons based on Garma's affidavit pinning Duterte and others on their narco war -- where 7,000 Filipinos were murdered -- where Leonardo oversaw it nationally by emulating the Davao Model.
He still denies however that he was behind the reward system to cops who received monies after they kill a drug suspect.
When Cong. Benny Abante emphatically questioned him -- it was already almost midnight, sannamagan! -- if there was indeed a reward system, Leonardo answered in the affirmative.

Would Leonardo and Garma become the silver bullet to implicate President Duterte as the Godfather of the gory Drug War in the forsaken country?
.

Sunday, October 20, 2024

DILG, Police ang Magpapababa kay Parayno pag Mag-ala Tuko' Siya

 Ni Mortz C. Ortigoza

Sa mga nabasa kong nag-ala tukong mga alkalde o gobernador na nasuspinde o tinanggal ng Sangguniang Panlalawigan (mambabatas o SP), Ombudsman, o Office of the President, ang nagpatupad ay ang Department of Interior & Local Government (DILG) sa pamamagitan ng kanyang Kalihim.

 

ANG NAKANGITING si Urdaneta City Mayor Julio Rammy Parayno III .

Dalawang halimbawa ang naalaala ko:

Noong ayaw bumaba sa puesto niya si Valencia City Mayor Jose M. Galario, Jr. dahil sa temporary restraining order (TRO) na hinain niya sa korte matapos siya suspendihin ng tatlong buwan ng Ombudsman noong Abril 15, 2005, sinulatan ni Ombudsman Simeon Marcelo si noo’y DILG Secretary Ricardo Puno na tulungan silang pababain si Meyor.  Sinulatan ni Marcelo si DILG Region-10 Director Quirino M. Libunao para ipatupad ang suspension matapos mawalan ng bisa ang TRO na inihain ng alkalde.

Noong Enero 2007, nag ala tuko' si noo’y Iloilo Governor Neil Tupas sa utos ni President Gloria Macapagal-Arroyo na tanggalin siya sa puesto kaya gumamit ang DILG ng 300 armadong police at mga commando para sugurin, basagin ang salamin na pinto, at sirain ang bakal na bakod ng Kapitolyo sa Iloilo City at e-manhandle at tutukan ng mga baril ang mga kasama ni Tupas (kasi may balitang may mga nagtatago sa loob na mga armadong jail guard). Kinaladkad ng mga pulis ang pumipiglas at sumisigaw na si gobernador palabas ng kapitolyo habang ito ay pinapanood ng madlang pipol sa buong bansa sa pamamagitan ng telebisyon. Kasama sa tinanggal ni Pangulong Arroyo ay sina Board Members Domingo Oso at Cecilia Capadosa dahil sa pag abuso kuno nila ni Guv ng kapangyarihan na kinakasangkutan ng pondo ng gobyerno.

 MAYOR PARAYNO VS CAPITOL

Hinatulan ng buong miyembro ng SP si Urdaneta City Mayor Julio "Rammy" Parayno III ng one year suspension noong Oktubre 14 matapos siyang husgahan sa kasalanang isinampa sa kanya ni Bryan Gomez, kinatawan ng REVM Tipuso Poultry Farm sa Brgy. Tipuso, Urdaneta City at Anti Red Tape Authority (ARTA). Dalawa sa batas ang nilabag niya.

 Ito ay ang “Imposition of additional requirements other than those listed in the Citizen’s Charter” ng Section21 (b) ng Republic Act 11031 o Act Promoting Ease of Doing Business and Efficient Delivery of Government Services at “Failure to render government services within the prescribed processing time on any application or request without due cause” Section (e) ng RA 11032.

GUSOT

Nagsimula ang gusot sa buhay ni Parayno noong ayaw niyang bigyan ng business permit noong June 11, 2020 nang inisyuhan nya ng Cease and Desist Order ang REVM at inantala niya ang pagsagot sa liham nito na “for him to formally write the reasons for disapproval of its business permit application” noong Marso 8, 2021. Sinagot lang ito ni Parayno noong Marso 25, 2021.

Noong Oktuber 14, inangkop ng buong SP ang report ng Committee on Good Government and Accountability of Public Officers, Justice, and Human Rights na pinamumunuan ni Board Member Haidee S. Pacheco – isang abugada.

Ayon sa SP na pinamumunuan naman ni Vice Governor Mark Ronald Lambino: “…adopted the Committee finding that Mayor Julio Parayno III was GUILTY of violating Section 21 (b) of RA 11032 and Section 21 (e) of RA 11032… Accordingly respondent Parayno is meted a penalty of six (6) months suspension for violation of Section 21 9b) and another six months for violations of Section 21 9e) of RA 11032 pursuant to Section 2 Rule 11 of Administrative Order No. 23, Series of 1992”.

RTC JUDGE VS SP

Dahil kinatigan ni Judge Crisma Vismano-Nabua ng Regional Trial Court sa pamamagitan ng TRO ang three months’ preventive suspension ni Parayno na ipinatupad ng SP at pinirmahan ni Pangasinan Gobernador Ramon V. Guico III noong Agosto 8, 2024, siya ay nakabalik sa city hall noong Oktubre 16 matapos niyang bunuin ang 65 araw ng 90 araw na suspensyon.

Ani Parayno noong Oktubre 17 sa kanyang Facebook sa sinulat niyang sipi: “Mabuhay ang mga taga –Urdaneta…nakabalik na po ako bilang City Mayor”.

LEGAL OPINION

Noong magkita kami ni Attorney Baby Ruth Fermin-Torre, ang provincial legal officer, noong Huwebes sa ManilaFAME sa World Trade Center sa Pasay City, sinabi niya sa akin na Moot and Academic o WALA NG BISA ang desisyon ng RTC sa three months’ preventive suspension na iginawad ng Committee sa Alkalde dahil nauna ang final suspension na ibinigay ng buong Sangguniang Panlalawigan noong Oktubre 14 kaysa sa Oktubre 16 na desisyon ng Korte.

DILG ANG KATAPAT NIYA

Kung ayaw kilalanin ni Parayno ang utos ng SP na umalis siya ng isang taon sa puesto niya, makakatapat  niya ang DILG gaya ng nangyari sa Valencia City at huwag naman sanang mag ala tuko' siya sa city hall dahil magiging Neil Tupas ang kahihinatnan niya.

 


Thursday, October 17, 2024

Si Cera Lang ang Manok ni Bona sa VM

 Ni Mortz C.Ortigoza

 MANGALDAN, Pangasinan – Pinasisinungalingan ng batikang alkalde dito ang kumakalat na blog na siya ay namamangka sa dalawang ilog.

 

ITINAAS ni Mangaldan Mayor Bonafe D. Parayno (kanan) and kamay ni vice mayoralty candidate at lawyer-councilor Joseph Cera pagkatapos nila maghain ng kanilang certificate of candidacy (CoC) noong ika-8 ng Oktubre sa Commission on Election sa nasabing bayan.


Inalmahan ni Mayor Bona Fe D. Parayno na kandidato niyang opisyal sa Mayo 12, 2025 eleksyon si Councilor Johnny Cabrera matapos itaas ng mga ka-tiket niya ang dalawang kamay niya noong surpresahin nilang bisitahin si Parayno sa kanyang opisina matapos silang maghain ng certificate of candidacy (CoC) nila kamakailan lang. 

Ang vice mayoralty tandem ni Parayno na kasama niyang naghain ng certificate of candidacy (CoC) sa Commission on Eleksyon noong ika-8 ng Oktubre ay si lawyer-councilor Joseph Cera.

“Syempre nag file sila Cabrera dumaan dito (Mayor's Office), nag courtesy call, nagkatawanan: “O taas ng kamay!” o syempre tinaas ang kamay ko alangan naman na birahin ko,” paliwanag ng alkalde ng isa sa pinakamayaman na bayan sa 44 munisipyo sa Pangasinan. 

Noong itanong ng diyaryong ito kung sino ang opisyal na manok ng beteranong lady politician sa pagka vice mayor, mariing sinabi niya:

“Si Cera!” 

Sinabi ni Mayor Bona na siya ang opisyal na kandidato dito ni Pangasinan Governor Ramon “Monmon” V. Guico III sa nalalapit na eleksyon. Hindi lingid sa kaalaman ng mga botante ng 30 barangay na ito  na may litrato si Mayora na tinaas ang kamay niya ng gobernador para ipakita sa lahat.

Three - cornered mayoralty race sa Mangaldan kung saan si Parayno ay makakalaban niya sina Vice Mayor Mark Stephen Mejia at dating alkalde Marilyn Lambino.

Samantala, inihayag ni Mayor Parayno na ipagpapatuloy niya ang mga mahahalagang proyekto sa edukasyon, kalusugan, at agrikultura.

“Looking forward on more of our kabataan special education and the rest will be the same. We will serve our people with dignity, respect, and transparency,” aniya sa wikang Inglis.