Monday, September 30, 2024

Lomibao vs. Uy sa Mayoralty

Ni Mortz C. Ortigoza

Nakakasa na rin si Sison Vice Mayor Alma Lomibao para labanan ang maybahay ng patapos na alkalde dito matapos manumpa si Lomibao sa National People's Coalition (NPC) na pinamumunuan ni Pangasinan NPC President Mark O. Cojuangco.

"As members, we swore to abide by the principles of the party…. To uphold the highest interest of the nation …. To fight for honesty and integrity… to bring about a new moral order for our country with the help of God above," ani Lomibao.
Makakalaban ni Lomibao s Myrna Uy ang maybahay ng outgoing nine years serving Mayor Danny Uy dito.

Espino, Nacar Vs. Guico, Lambino sa 2025 Eleksyon

 Ni Mortz C. Ortigoza

 TINULDUKAN na ng dating gobernador ng Pangasinan ang matagal ng haka-haka na siya ay tatakbo o hindi sa pagka gobernador laban kay nanunungkulang Governor Ramon Guico III sa Mayo 12, 2025 election pagkatapos niya e anunsyo sa Bugallon kanina na sasabak siya muli sa pulitika.

DUKE OUT. Former Pangasinan Governor Amado “Pogi” Espino III (center of left photo) and former Dasol Mayor Noel Nacar (far left of left photo) declare to the public their intention to challenge Pangasinan Governor Ramon “Monmon” Guico III (right of right photo) and Vice Governor Mark Ronald Lambino for the May 12, 2025 election. Filing of the certificate of candidacy (CoC) of all elective candidates in the Philippines for the 2025 election will be on October 1 to 8 this year.   

Ani Amado “Pogi” Espino III at ng kanyang ama na si dating Pangasinan Governor at Congressman Amado Jr. na noong makita nilang walang lalaban kay Guico nitong mga nakalipas na linggo ng Setyembre ay napagdesisyunan ng pamilya na sasalang ang batang Espino sa pagka gobernador at ang matandang Espino sa pagiging number one nominee ng partylist na Abanse Pangasinan Ilokano (API).

Nangyari ang press conference sa Riverside Resort and Restaurant na pag-aari ng pamilya hapon ng Lunes.

Kasama ni dating gobernador Pogi Espino si dating Dasol Mayor Noel Nacar na tatakbong bise gobernador laban kay Vice Governor Mark Ronald Lambino.

Walang dalang kandidatong pagka alkalde ang mga Espino. Halos lahat ng mga aktibong mga mayor sa 44 towns at 3 cities ng dambuhalang probinsiya ay nanumpa na kay Guico sa pagiging miyembro ng Nationalista Party na pinamumunuan niya sa lalawigan. Marami dito sa mga alkalde ay kaalyado ng mga Espino noong namamayagpag pa sila ng 21 taon sa Kapitolyo sa Lingayen.

Ang mga kandidatong board members ni Espino ay sina Richard Camba (First District), dating Board Member Nikiboy Reyes (Second District), dating Calasiao Mayor Joseph Arman Bauzon (Third District), dating Mangaldan Councilor Aldrin Soriano (Fourth District), at Hero Sumera (Fifth District).  

Ang mga kandidatong board members naman ni Guico ay sina Board Members Apolonia DG Bacay at Napoleon Fontelera, Jr. (First District), Board Members Haidee Pacheco at Philip Theodore Cruz (Second District), Board Members Shiela Baniqued at Vici Ventanilla (Third District), Board Members Marinor de Guzman at Jerry Agerico Rosario (Fourth District), Board Member Louie Sison at dating Urdaneta City Councilor Isong Basco, at dating Board Member Shiela Perez-Galicia, dating San Nicolas Mayor Vicky Saldivar, Noel Bince, at dating Rosales Mayor Ric Revita (Sixth District).

Ani Espino na hindi na siya magpapatakbo sa Pangasinan 6th District ng miyembro ng Sangguniang Panlalawigan dahil apat na ang maguumpugang kandidato para sa Board doon.

Tinalo ni Guico si Espino noong May 9, 2022 eleksyon ng may margin na 187, 807 votes sa 1, 582, 737 na mga botante o 1,592, 189 botos pag isinali ang ikatlo at ikaapat na katungali nila.

Tinalo ni Lambino si Reyes ng may lead botos na 327, 727 sa 1, 428, 189 na mga botante.

Hindi pa rin matanggap ng matandang Espino sa pagtitipon sa Bugallon ang pagkatalo ng anak niya sa pagka gobernador na sinisisi niya sa “mahiwagang pangyari sa eleksyon” noong  2022.

Sa desisyon ng Supreme Court noong Agosto 17, 2023 ibinasura nito ang Petition for Certitorari at Mandamus na nisampa ni Claryln A. Legaspi at mga kasamahan sa Commission on Election (Comelec) tungkol sa 2022 eleksyon sa Pangasinan. Sa pagbasura ng petisyon nila, ani ng Mataas na Hukuman na “…that an actual case or controversy must exist for the Court to exercise its power of judicial review”.

In short, walang dayaan, hukos pukos, mahika, katarantaduhan o ano pa na nakita ang Korte.

Si Espino at Nacar ay maghahain ng certificate of candidacy (CoC) sa Comelec sa Oktubre 5 habang si Guico at Lambino ay maghahain ng CoC nila sa Oktobre 2. Ang CoC filing ay mangyari lamang sa Oktubre 1 hanggang 8 ngayong 2024.

Sunday, September 29, 2024

Team Sam Ikinasa ni Rosario vs. Merrera, Doble' Otso Puntirya Niya

 BINMALEY’S POLITICS

Ni Mortz C. Ortigoza

BINMALEY, Pangasinan – Dalawang otso ang napagkasunduan ng isang kandidato sa pagka alkalde at ng kanyang kapartido para sa paghain ng Certiciate of Candidacy (CoC) sa Oktubre 1 -8 ngayong taon.

Ani Vice Mayor Simplicio “Sam” Rosario na ang Team Sam niya ay maghain ng CoC eksakto alas otso ng umaga ng Oktubre 8 -- ang huling araw ng walong araw na kinakailangan ng Commission on Election (Comelec) sa filing ng kandidatura sa buong Pilipinas.

TEAM SAM. Binmaley Vice Mayor Simplicio “Sam” Rosario (4th from left) and former Vice Mayor Edgar Mamenta (5th from left) proudly introduced to the public their ticket that includes seven wannabe councilors for the May 12, 2025 election. Rosario and Mamenta, respectively, are running for the mayorship and vice mayorship of the first class coastal town in central Pangasinan. The endorsement ensues during the Inter-Barangay Basketball League’s Awarding Night held recently at Rufina’s Square Restaurant & Events Place in the town.

“Sa pag hain namin sa Oktubre 8 kung may oras punta kayo. Merong mass ng 6:30 ng umaga at pagkatapos nito before 8 o’clock eksakto nasa Comelec na kami. Para di kami maunahan magpapautos na ako bukas para mareserba ang misa sa simbahan sa 6:30 AM. Punta kayo doon!”, ani Rosario, na dating alkalde dito ng labing limang taon, sa salitang Pangasinan sa mga liders at mga taga suporta niya noong namigay siya ng parangal sa Inter-Barangay Basketball League’s Awarding Night at ang pag endorso niya sa mga ka-ticket niya noong Sabado ng gabi dito sa Rufina’s Square Restaurant & Events Place. Kasama ng dating alkalde sa kaganapan sina dating bise alkalde Edgar Mamenta at Councilors Ariel dela Concha at Buday Cagaonan.

 Noong tinanong siya ng writer na ito kung may impluwensya ang Fengshui, pamahain, ritwal, o ano pa gaya sa mga ginagawa ng mga ibang kandidato kung kailan maghahain sila ng CoC nila, sagot ng Bise Alkalde na wala kundi bunga ito sa pinagusapan ng mga ka-tiket niya.

Babanggain ni Rosario ang mahigpit na kaaway at karibal niya sa pulitika na si reelective Mayor Pedro “Pete” Merrera. Ang dalawa ay nagbabatuhan ng demandahang administratibo at kriminal at mga maaanghang na mga salita mula nang sila ay maupo sa mga posisyon nila noong hapon ng Hunyo 30, 2022.

“Wala pang kandidato (sa kasalakuyan) sa pagka bise alkalde si (Mayor) Pete,” ayon kay Rosario sa mga reporters na inimbita niya.

Biniro pa ni Rosario si dating Bise Alkalde Edgar Mamenta na kandidato niya sa ikalawang mataas na elective na pusisyon dito na masuerte siya dahil mukhang wala siyang kalaban sa pwestong tatakbuhan niya.

Isa sa mga rasones dito ay matapos pagsabihan ni Pangasinan 2nd District Cong. Mark O. Cojuangco si Councilor Aning Alipio na huwag nang tumakbo sa pagka bise alkalde at magpapapili na lang sa kasalukuyang pusisyon niya. Si Alipio at ang ama nito ay malapit na tagasuporta at tao ng congressman.

Noong Setyembre 13 sinabi ni Mayor Merrera sa writer na ito na ini-endorso siya ni Cojuangco at ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III sa Mayo 12 na eleksyon.

“The Governor is now endorsing Mayor Merrera for the mayoral election next year,” buong pagmamamalaking sinabi ni Merrera sa writer na ito.

Ipinaliwanag ng Punong Tagapagpaganap na “nasa process of observation” pa sila ng mga tagasuporta niya kung sino ang karapatdapat na magiging bise alkalde niya para sa Mayo 12, 2025 Election matapos tanggihan ni dating Vice Mayor Edgar Mamenta na magkasama sila sa halalan.

Isang may balak din na tumakbo para bise alkalde dito ay si dating Mayor Rolando Domalanta.

Ang buong ticket bukod sa isa na surprise candidate sa pagka konsehales ni Rosario ay ang mga sumusunod:

Mayor: Rosario; Vice Mayor: Mamenta; Councilors: Dela Concha at Cagaonan, Coach Rey Baustista, former Councilor Luis Austria, Ricky Samson, Brgy. Lope Ex-Kapitana Binalon, at Cedrik Francisco.

Buong pagmamalaking sinabi sa diyaryong ito ni Rosario na si Francisco ay "law graduate" noong tinanong siya kung mga propesyonal ang mga kandidato niya sa pagiging mambabatas.

“Kulang kami ng isa. Sino iyong isa” Secreto! Baka masulot pa ng kabila,” mariing sinabi ni Rosario sa daan daang mga tao na pumapalakpak at humihiyaw sa pagtitipon dito.

Bago tinapos niya ang talumpati sa entablado, bumanat pa si Rosario sa mga dating kasamahan niyang mga miyembro ng mayoryang konsehales na lumipat na kay Merrera. Aniya wala siyang kasalanan sa pag-iwan nila sa kanya. Iyong tatlo sa kanila ay mga inaanak pa mandin niya.

No aya so Team Sam sikato ya so grupo ya angapo la lamang balimbing agda kela kelangan (Itong Team Sam ito iyong grupo na walang balimbing pag hindi ka na nila kailangan),” banat nito sa salitang Pangasinan na tinanggap ng isa pang ikot ng sigawan at masigabong palakpakan ng mga taga suporta niya dito.

Thursday, September 26, 2024

Mangnanakaw na Miyembro ng Kongreso

 Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

Umabot na daw ng hanggang 45-50 percent ang s.o.p o cut o kupit ng Congressman sa contractor ngayon, ayon kay Atty. Harry Roque. Kaya nagsisipsip si Atty. Melvin Matibag kay Speaker Romualdez para e disbar si Harry R. dahil congresswoman ang maybahay ni Matibag.




Ang dalawa ay dating Cabinet Secretary ni President Rodrigo Duterte

Makapangyarihan daw sa House ang Speaker dahil kaya niyang dagdagan ang project na maibigay ng mga departamento ng gobyerno national sa isang distrito.

Kaya madaming Congressmen ang kumakapit na parang linta kay Romualdez na pinsang buo ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sanamagan! Kung gayon sa P100 million na kalsada sa isang bayan, merong P45 million na kaagad sa bulsa si Congressman o Congresswoman!

Ilang bayan at siyudad ang meron ang isang Congressional district?

Paano ang share na 3 percent ng mga matataas na opisyales sa DPWH o Department of Public Works and HIGHWAY ROBBERY sa total project?

Paano ang share ng in-house na Commission of Audit (COA) na ayaw din magpatalo sa pangungumisyon ni congressman at DPWH?

Paano ang tubo ng contractor sa kalsada? Paano na ang kalsada, magkano na ang naiwan dahil inubos na ng mga buwitre at hyena sa Pilipinas?

Kaya pala kada tag ulan nabubutas ang mga kalsadang espalto at semento dahil puro substandard ang mga templada ng mga materyales.

Naalaala ko tuloy si dating Vice President Emmanuel Pelaez noong ma-ambush siya sa kanyang sasakyan ng mga killers lulan ng dalawang kotse noong July 1982 sa Quezon City.

Noong binisita si Pelaez sa ospital ni Police Brig. Gen. Tomas Karingal napabulatlat ang Bise Presidente: "WHAT IS HAPPENING TO OUR COUNTRY, GENERAL?!"

Ang tanong ni Pelaez ay hindi lang sa muntik niyang kamatayan kundi sa lumalalang peace and order, mga unsolved na patayan sa bansa, cronyism sa ekonomiya, at paglubo ng kahirapan sa Pilipinas noon.

Itong kasalukuyang mga walang puknat na nakawan partikularmente sa gobyerno na gawa ng mga opisyales tulad nila Tongressmen ay paulit ulit na umaalingawngaw hanggang ngayon sa mga pobre at walang magawang mga Pilipinong pinagsakluban ng langit at lupa.

Matanong ko nga kung totoo itong birada ni Roque Kay Atty. Matibog doon sa Congresswoman na tig tatatlong milyones na peso ang isa sa mga pinagyayabang niyang mga mamahaling imported na bag , relo, at mga alahas sa social media.

Tawag ko dito noong nagsusulat pa ako ng Inglis column ko ay : "ostentatious display of wealth in the public by government workers".

Bukod sa suspetsadong pinanggalingan ng yaman ni lady lawmaker, iyong pag display niya ng mga ill gotten wealth ay pinagbabawal na rin ng batas.

Congresswoman na magnanakaw at hambug pa?

My God! What happens to the Philippines?

Killer -BF ng GF sa Baywalk, Tiklo!

GOV GUICO PINURI ANG PNP SA AGAD NA SOLUSYON

Ni Mortz C. Ortigoza

LINGAYEN, Pangasinan – Nasakote na ng kapulisan sa loob lang ng 24 oras ang boyfriend ni Evalend Cervera Salting, 20, matapos niyang patayin at ibaon sa buhangin sa Baywalk dito ang huli noong gabi ng Setyembre 24.




KILLER BF. Suspected killer Reynald Clave Caracas, 21 (left photo) and his murdered girl friend Evalend Cervera Salting, 20.

“In less than 24 hours nahuli na ang suspect,” sambit sa writer na ito ni Pangasinan Police Office Director Col. Jeff Fanged matapos sabihin ng una na binabatikos ang kapulisan at mga kawani ng provincial government ng Pangasinan dahil blanko nilang makilala ang salarin.

Kinilala ni Fanged ang suspect na si Reynald Clave Caracas, 21, single at fourth year college student ng Pangasinan State University dito. Siya ay resident ng Barangay Toritori sa Anda, Pangasinan.

Ang nobya nitong si Salting ay third year college sa PSU rin. Siya ay nakatira sa Barangay Sabling, Anda, Pangasinan.

Ikinasa na ng kapulisan ang pagsampa ng kasong rape with homicide kay Caracas. Ang kaso ay walang piyansa habang nililitis ito sa Regional Trial Court dito.

Natuklasan ang bangkay ni Salting noong makita ang bahagi ng katawan nito sa mga buhangin ng Baywalk ni John Karlo Salvador Ramos,35, self-employed at residente ng Brgy. Poblacion dito noong 6:16 pm noong Setyembre 24, 2024.

Ayon sa Philippines National Police (PNP), may lumantad na witness kung saan itinuro nito si Caracas kung paano niya paslangin si Eveland.

Ani ng witness nakita niyang nag-away ang mag siyota at nang makalipas ang ilang sandali tinatabunan na niya ng buhangin ang dalaga.

Pinuri ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III ang PNP sa pamumuno ni Col. Fanged sa kanilang mabilisang solusyon sa karumaldumal na krimen.

Dahil sa mahigpit na pakikipag-ugnayan ni Guico III sa PNP Lingayen at PPO nalutas ang kaso ng pamamaslang sa bente-anyos at third year Pangasinan State University- Lingayen campus student na si Evalend Salting sa loob lamang ng 26 oras.

Ayon kay Police Lt. Col. Amor Mio Somine, hepe ng Lingayen PNP, ang suspek ay kasintahan mismo ng biktima. Sinampahan na ito ng kasong rape with homicide.

Pinuri ni Gov. Guico ang PNP sa mabilis na paghuli sa suspek.

“This is an isolated case. All evidence points out that it’s a crime of passion. The case is now solved,” saad ni Gov. Guico sa press conference sa mga media.

Nagtamo ang katawan ni Salting g traumatic injury sa ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Iginiit din ni Col. Fanged na sapat ang bilang ng mga nagbabantay na tourist police unit sa baywalk at Capitol Complex. Ito ay bukod pa sa provincial guards at Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office - With reports from the PIO


Tuesday, September 24, 2024

Resuello Iniwanan si Arenas, Sumanib na kay Guico

 

        Ni Mortz C. Ortigoza


SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Matapos ang matagal at mahirap na pagmumuni-imuni, tuluyan nang iniwanan ng alkalde dito si incumbent 3rd District Cong. Ma. Rachel Arenas noong sumanib siya sa partido ng gobernador ng Pangasinan.

DEFECT. San Carlos City Mayor Julier "Ayoy" Resuello (left photo) deserted his 3rd District Cong. Maria Rachel Arenas when he took his oath of office to the party of Pangasinan Governor Ramon Guico III.


Sa mga larawan na nakapost sa Facebook Page ni Mayor Julier “Ayoy” Resuello noong Martes ng hapon makikitang siya ay nanumpa kasama ang kapatid niyang si Vice Mayor  Joseres Resuello sa gobernador ng Pangasinan sa Conference Hall ng Urduja House sa Capitol Complex sa Lingayen bilang miyembro ng Nationalista Party.

       Ang “oath taking” ng alkalde ng isa sa pinakamalaking siyudad (86 barangays at merong 205,424 population (2020 Census) ) sa Region -1 ay lalong nagpalakas sa puwersang pulitika ni Guico at ng kanyang magiging congressman sa dambuhalang limang bayan at isang siyudad na Tersero Distrito matapos manumpa ang limang alkalde sa kanya.

        Ayon sa mga haka-haka si Police Major Gen. Romeo “Bong” Caramat, Jr. ang napupusuan ng gobernador na sumabak kay Arenas sa Mayo 12, 2025 eleksyon. Si Caramat ay mag reretiro na sa Octubre 2 ngayong taon matapos maabot niya ang mandatory retirement age sa police na 56 years old.

     Noong Agosto, nanumpa sa kay Guico sina Calasiao Mayor Kevin Roy Macanlalay, Calasiao Liga ng mga Barangay President Patrick Caramat – ang halos unopposed mayoralty bet sa Mayo 2025, Sta. Barbara Mayor Lito Zaplan, Vice Mayor Roger Navarro at karamihan ng mga Konsehales nila, Malasiqui Mayor Noel Geslani at Vice Mayor Alfie Soriano, at Mapandan Mayor Karl Christian Vega.

VICTORY SIGN. San Carlos Mayor Julier Resuello and Vice Mayor and Vice Mayor Joseres Resuello (extreme left and right) flash the victory sign with Pangasinan Governor Ramon V. Guico III when the duo take their oath with Guico as new members of the Nationalista Party at the Conference Hall of Urduja House at the Capitol Complex in Lingayen.

 “Sila (Bayambang) Mayor Nina Jose-Quiambao at dating Mayor Cezar Quiambao ay original na na Nationalista,” ayon sa source na malapit sa   gobernador sa writer na ito.

    Dating magkasangga at magkapartido sa Lakas-Christian Muslim Democrats  CMD) si Mayor Resuello at Rep. Arenas. Ang huli ay lider ng partido sa distrito.
   

    Si Sta. Barbara Mayor Zaplan naman ay beteranong “Praetorian Guard” o   “Gate  Keeper” ng mga Espino sa 29-barangay na first class landlocked  first   class town noong namamayagpag pa sila dating Gobernador Amado T. Espino,  Jr. at anak at kapangalan niyang si Pogi sa provincial government. Kasama si   Zaplan sa partidong API nila Espino kung saan naipanalo ng matandang Espino  ang partylist na API rin noong nakaraang eleksyon. Nawala sa sirkulasyon ng  provincial and national politics ang mga Espino matapos lupigin ni Guico si Pogi  at talunin ni Cojuangco sa pagka kongresman si dating 2nd District Rep. Jumel  Espino noong May 9, 2022 election.

   Si Guico, Cojuangco, 1st District Rep. Art Celeste, at si billionaire businessman Cezar T. Quiambao ang naging quartet sa pagkalusaw ng di matibagtibag na   pamilyang Espino na 1.5 dekada na hinawakan nila ang Pangasinan.

 Napapabalita, gayunpaman, na gustong makipagsalpukan uli ni dating  gobernador Pogi Espino kay Guico sa susunod na taong  eleksyon. Malalaman natin itong umiikot na mga haka-haka pagdating ng filing ng certificate of candidacy (CoC) sa Oktubre 1 to 8.
 

San Carlos Mayor Julier Resuello and his wannabe candidates for the May 12, 2025 election pose for posterity at the facade of the Urduja House at the Capitol Complex in Lingayen.

 Sila Mayors Zaplan, Geslani, at Vega ay mga kapartido sa API O Abante  Pangasinan ni dating Governor Espino III at ng ama nito noong May 9, 2022  election.


   Si Resuello at  Councilor Lester Soriano – na makakatungali ni Resuelo sa  pagka-alkalde dito ay nasa API rin noong nasabing eleksyon.

   Isang matalinong desisyon ang ginawa ni Resuello dahil pag hindi siya sumali sa Nationalista malamang na si Soriano ang maging benepisyaryo ng suporta ng bilyunaryong si Quiambao at ni Guico na merong well-oiled political machine sa electoral derby sa Mayo 12. Ang lupit, lula, at hagupit ng makinang iyan ay napatunayan na noong 2022.

    Subukan niyong itanong sa mga Espino.

Gen. Caramat Namahagi ng Patrol Cars sa Tersero Distrito

 Ni Mortz C. Ortigoza

DAGUPAN CITY – Malaking bagay kontra sa mga masasamang loob ang anim na bagong patrol cars na ibinigay ng gobyerno kamakailan lang na pinangunahan ni Police Major Gen. Romeo “Bong” Caramat, Jr..

Ang anim na sasakyan ay pinamahagi ng pinuno ng Area Police Command (APC) - Northern Luzon Major Gen. Caramat, 55, sa siyudad ng San Carlos City at mga bayan ng Calasiao, Sta. Barbara, Mapandan, Malasiqui, at Bayambang.

NEW POLICE CARS. (Top left photo and clockwise) An all-smile Police Major Gen. Romeo "Bong" Caramat, Jr. watches as the distribution of the new police cars ensue at the one city and five towns' Pangasinan 3rd Congressional District ensue. Photos are internet grabbed.

“Ito ay magpapalakas pa sa kapayapaan at kaayusan sa ating bayan. Maraming salamat, General Bong Caramat, from the bottom of our hearts," saad ni Mapandan Mayor Karl Christian F. Vega sa kanyang Facebook Page.

“Ingatan at alagaan po natin ang ating mga bagong sasakyan para matagal nating magamit ang mga ito para sa ating mga kababayan,” ani Sta. Barbara Mayor Lito Zaplan sa miyembro ng kapulisan sa kanyang bayan.

"Ako'y naging instrumento lamang ng Camp Crame (headquarter ng Philippine National Police) upang magkaroon kayo ng bagong patrol car, bilang tulong at pasasalamat sa ating mga kapulisan," ani ng Heneral noong ibinigay ang bagong sasakyan sa Mapandan.

Ang Heneral ay ipinanganak sa Barangay Golden, Mapandan pero nagkabahay na sa Calasiao noong naging kabiyak niya si Maya Agustin-Caramat na naging alkade ng Calasiao. Si Caramat ay nag-aral ng high school sa isang private school sa Mangaldan, nagtapos sa Philippine Military Academy noong 1992 at naitinalaga sa iba’t ibang bayan at siyudad sa Pilipinas kung saan siya nakipaglaban sa mga rebelde at mga masasamang loob ng lipunan.

Ang mga naging major na designasyon ng dugong Pangasinense ay pagiging intelligence officer ng Police Provincial Office sa Pangasinan, hepe ng Dagupan City Police, director ng Bulacan Provincial Police Office,  Hepe ng Police Drug Enforcement Group (PDEG) na nakabase sa Camp Crame,  Director ng  Police Regional Office sa Caraga Region (PRO-13)  na may hurisdiksyon sa mga lalawigan ng  Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur, Deputy Chief ng Director for Intelligence ng buong pambansang kapulisan na nakabatay sa Camp Crame, hepe ng Criminal Investigation Detection Group, at ang kanyang kasalukuyang posisyon na hepe ng APC-Northern Luzon.

 Siya ay magreretiro ngayong Oktobre Dos.

Ama siya ni Calasiao Liga President at ex officio member ng Sangguniang Bayan Patrick Caramat, 26, - isang visionary na renaissance man - na inendorso ng lahat ng mga political heavy weights sa mayamang bayan sa pagiging alkalde sa Mayo 12, 2025 eleksyon.

Wednesday, September 18, 2024

Formidable Political Team


In a tête-à-tête (private conversation) with burgeoning town's Calasiao favorite mayoralty bet Patrick Caramat, 26, ( right, top photo) this evening at Bo's Coffee in Dagupan City after he presented to the media this afternoon in his town his unity team from the mayorship to the eight lawmakers or councilors.



Political heavyweights in Calasiao like incumbent Mayor Kevin Macanlalay, former Mayor Joseph Bauzon, former Mayor Roy Macanlalay, former Mayor Celso de Vera, Former Vice Mayor Mahadeva Das Mesina, Administrator Viv Vallo, Brgy. Chair Art Gaspar, former Provincial Accountant Art Soriano, and others gathered around him to buttress his formidable candidacy.

The young charismatic Caramat was responsible for this chutzpah as the filing of the certificate of candidacy (CoC) nears the October 1 to 8, 2024 deadline
Patrick is the scion of bemedalled Police Major Gen. Romeo Caramat (PMA '92) - my classmate at the College of Law.

Last year, Pangasinan Governor Monmon Guico told this political columnist that he anointed already Patrick Caramat- Kevin Macanlalay tandem as his candidates in Calasiao.

Tuesday, September 17, 2024

Mga Proyekto ni Marcos Pinasalamatan ng P’nan Mayors

 

Ni Mortz C. Ortigoza

LAOAG CITY – Halos dalawang dosenang mga alkalde sa Pangasinan ang nabiyayaan ng ambulansya o patient transport vehicles (PTVs) na galing kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kamakailan dito sa Malacanang of the North.

PANGASINAN MAYORS are all smiles after they received recently in Ilocos Norte their ambulances and other projects from President Ferdinand R. Marcos, Jr. 

Kasama ito sa 69 full-equipped ambulances na nagkakahalaga ng P146.28 million.

“These vehicles are vital resources to support our heroes in the medical field – our first responders – kasama diyan siyempre ‘yung ating mga healthcare workers, ngunit nangunguna diyan talaga ang mga LGU,” ani Marcos.

Ang PTVs ay galing sa Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP) ng Philippines Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kabilang sa mga na nabiyayaan dito ay ang mga bayan ng Calasiao, Basista, Mangaldan, at Sta. Barbara.

CALASIAO

Ipinahayag ni Mayor Kevin Roy Q. Macanlalay ang lubos niyang pasasalamat kay President Marcos at sa PCSO sa bagong PTV.

BASISTA

 Lubos din na nagpasalamat si Basista Mayor Jolly "JR" Resuello sa kay Marcos at Pangasinan 2nd District Congressman Mark O. Cojuangco sa pagpursige ng huli na makabilang ang Basista na makatanggap ng ambulansya.

 “Walang sawang pasasalamat sa ating mahal na Presidente lalong lalo na sa ating napakasipag na 2nd District Cong. Mark O. Cojuangco sa pagiging tulay upang magpatuloy ang magandang serbisyo sa ating mga kababayan,” ani Mayor sa kanyang Facebook Account.

MANGALDAN

Ani Mayor Bona Fe D. Parayno ng Mangaldan na lubos na nagpasasalamat ang kanyang mga nasasakupan sa tuloy-tuloy na suportang ibinibigay ng tanggapan ng Pangulong Marcos sa progresibong bayan niya.

“(G)aya ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families (PAFF) program ng kanyang administrasyon na naggawad ng Php 10,000 na tulong-pinansyal sa higit 200 indigent na magsasaka sa bayan,” aniya.

Dagdag pa ni Mayora na nakatanggap siya ng mga libreng abono at mga pananim sa ilalim ng Handog ng Pangulo, Serbisyong Tapat para sa Lahat ni PBBM.

“Nawa’y patuloy na pagpalain si Pangulong Bongbong Marcos ng magandang kalusugan at pangangatawan, kaligayahan, at tagumpay sa kanyang pamumuno,” sambit ng alkalde.


STA. BARBARA

Pinablessing kamakailan ni Mayor Carlito S. Zaplan ng Sta. Barbara ang ambulansya na bigay ni Marcos at isang bagong police patrol car na donasyon ni Police Major General Romeo “Bong” Caramat para sa kapulisan sa landlocked na bayan na ito.

Personal na ibinigay ni Zaplan ang mga susi ng sasakyan sa mga kinauukulan na kung saan siya mismo ang humiling sa PCSO at kay Caramat.

“Ingatan at alagaan po natin ang ating mga bagong sasakyan para matagal nating magamit ang mga ito para sa ating mga kababayan,” ani ng Punong Tagapagpaganap”.

Sunday, September 15, 2024

Twin –Tower sa Kapitolyo “Linchpin” ng Mini High Street ng BGC?

 Ni Mortz C. Ortigoza

 Makikita ba natin ang smaller version ng High Street ng Bonifacio Global City (BGC) sa Capitol Complex sa Lingayen, Pangasinan? Nakikinita ko na oras matapos tumayo ang twin-tower sa susunod na taon, magsusunuran na ring papandayin ang mga street malls, convention centers, 300-room hotel, capitol plaza at iba pa ayon sa plano ni Governor Ramon V. Guico III noong matanong siya ng Northern Watch Newspaper sa sidelines ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos noong Biyernes.

LARAWAN ng twin-tower sa Taipei, Taiwan.


Ang twin-tower ay mag-papaunlak ng mga manggagawa ng provincial at national government.

“Ipapa-bid muna natin next month October iyon. Maganda ang magiging itsura nito,” sabi ng gobernador.

Ayon sa gobernador makikita na ang skycrappers sa susunod na taon.

Ayon Kay Vice Governor Mark Ronald Lambino ang dalawang tower ay may labing isa at walong storey kada isa.

Bonifacio High Street.



“I think 11 kung hindi ako nagkakamali. Eleven saka eight,” saad niya.

Ayon kay Guico napakasayang ang (tanawin ng) karagatan at ang upuan ng kapangyarihan ng lalawigan ng Pangasinan kung hindi mapapatayuan ng recreational facilities, malls, at iba pa.

“So might as well maximize the landholding of the province ganoon din may tenurial instrument tayo dito ang DENR para sa portion unclassified mga (inaudible). Binayaran po natin iyan para meron tayong in kind na hinahawakan diyan maximize natin part ng plan,” paliwanag ng Punong Tagapagpaganap ng isa sa dambuhalang probinsiya sa Pilipinas.

Ayon kay Lambino na makakatulong sa dagdag trabaho ang mga mamumuhunan na maglalatag ng negosyo sa Capitol Complex.

“…That’s the reason we are always enticing business people and making the business climate here in the province suitable para po sa mga negosyante”.

Paliwanag naman ni Guico na pag nagawa na ang towers mapapadali na ang trabaho dahil vertical o pataas na lang ang kilos ng mga empleyado sa pamamagitan sa pagsakay sa elevator hindi gaya sa kasulukuyan na sitwasyon na kalat sila sa mga gusali sa halos 30 ektaryang ari-ari-an.

Walang sisirain na mga historical na mga gusali, ayon kay Lambino.

“They would be retained they could be used. The Capitol building, of course heritage building, together with Malong and Palaris”.

Aniya ang mga manggagawa na hindi humaharap sa mga tao ay ililipat sa bagong capitol plaza.

Those making front office transactions meaning assistances, hiring, etcetera ere-retain pa rin sila sa easily accessible building”.

Ang mga mababakanteng gusali ay iaalok sa mga ibat-ibang national at regional na mga ahensya at departamento.

“They can be leased at or usufruct depende kung ano ang mapagusapan,” dagdag ng Bise Gobernador.

Ang upgrading at mga construction ng mga gusali sa Capitol Complex ay may pag-apruba na budget na P2.7 billion galing sa provincial government.

Bonifacio High Street.

Tama ba ako na oras na matapos ang twin-tower, as chain reaction dahil sa market forces, magsisidagsaan ang mga investors at magpapatayo na rin sila ng mga malls at iba pa  gaya sa Bonifacio High Street (BHS) ng Bonifacio Global City (BGC)? Hinahangaan ng writer na ito ang BHS pag siya’y napadpad sa Taguig City.

Ang Bonifacio High Street pala ay pag-aari ng Ayala Malls – isang real estate subsidiary ng Ayala Land.

Ang third block ng Ayala Malls ay tinatawag na Bonifacio High Street Central kung saan makikita ang mga pinaghalong open-air at indoor commercial buildings. May mga kahoy at konkretong lamesa at upuan din doon sa gilid at gitna ng mga well-manicured na mga damo kaya masarap mag kape at magkuentuhan sa barkada o magmuni-muni gaya ng ginawa ko noong nakaraang linggo habang humihigop ng mainit na Americano na brewed coffee galing Starbucks.  May mga state-of-the-art cinemas din doon.

Mini BHS sa Capitol Complex? Abangan!

Saturday, September 14, 2024

Multi-Bil Dollar KAI, Others Grace PEFTOKVAI Event

By Mortz C. Ortigoza

TAGUIG CITY – The U.S $5.3 billion aviation leader Korean Aerospace Industries (KAI) graced as major sponsor of this year’s “Presentation Ceremony of Appreciation for Korean War Bereaved Families and Veterans” held recently at the Philippines - Korea Friendship Center (PKFC) in Taguig City.

LUMINARIES from the five South Korean donors, South Korea Ambassador to the Philippines Sang Hwa Lee (1st row, 10th from left) retired military and non-military officials of the veteran organizations in the Philippines and South Korea, the surviving Filipino veterans of the 1950’s Korean War pose for posterity at an event held recently at the Philippines - Korea Friendship Center (PKFC) in Taguig City.

According to Philippines Expeditionary Force to Korea - Veterans Association Inc. (PEFTOK-VAI) President Jovena A. Damasen that aside from KAI, the other donors that joined this year’s 74th Anniversary of the Korean War and PEFTOK-VAI were Korea War Bereaved Families Association, Ministry of Patriots and Veterans Affairs, Happy Bean Donor, and Good Day International.

Our guest of honor will be Undersecretary for Civil Veterans and Reservist Affairs USEC Pablo Lorenzo,” President Damasen cited to this newspaper in the September 7 interview before the start of the Wreath Laying Ceremony at the Korean War Memorial Pylon at Fort Andress Bonifacio, Libingan ng Bayani in Taguig City.


SMILING Filipino Veterans of the Korean War show the financial gift given by the five South Korean donor organizations. Some officials of these organizations hold a poster at the background of the recipients.


The welcoming remarks held at the PKFC was given by South Korea Ambassador to the Philippines His Excellency Sang Hwa Lee. It was followed by congratulatory messages by Director Sun Nam Kung of the Veterans Organization Cooperation, Ministry of Patriots and Veterans Affairs of the Republic of Korea; Director and Head of KAI In Su Choi; Chairman Kwang Il Kim of Good Day International and Event Organizer; USec Lorenzo, DND; Philippines Veterans Affairs Office Administrator Reynaldo B. Mapagu of the Philippines, and; President of the Veteran Federation of the Philippines (VFP) retired Major Gen. Romeo Alamillo.

 

DESCENDANTS of the Filipino soldiers who served in the 1950 to 1953 Korean War received their financial assistance for their scholarship funded by the organizations from South Korea.


Then ensued the presentation by the South Korean luminaries of the donations to the selected veterans who served in the June 25, 1950 to July 27,1953 war in Korea and their widows and descendants like financial assistance, house repair, and scholarship by the five donors.

The recipients of these repair were six to twenty - five families, one living veteran and one widow.


There were other donations and gifts given on this event.

Today, we came to your country, the Philippines, with a small gift from the Mnistry of Patriots and Veterans Affairs, the KAI, the sponsorship of a Good Day International, and the voluntary fund raising activities of Naver Happy Bean donors and members of the bereaved family. We will never forget the blood and sacrifice of your families,” remarked to the Filipinos by Young Su Kim, the Chairman of Korea War Bereaved Families Association.

Meanwhile, in a prepared message of VFP Administrator Alamillo who was in the Visayas for an earlier commitment, Commodore Salvador Esguerra -- PVAO Deputy Administrator  --  told the guests, various military and non –military officials, the veterans, the widows, descendants, and other attendees at the Korean War Memorial Pylon that the Filipinos paid tribute to the brave Filipino soldiers who served and sacrificed during the conflict – the Korean War – often referred to as the Forgotten War.

It was the conflict that tested the resolved of the Philippines as a nation and the strength of the Filipino spirits,” excerpt of the speech.

GUESTS AND VISITORS from the five donors from South Korea, military and non-military officials of the veteran organizations in the Philippines and South Korea, the surviving Filipino veterans of the 1950’s Korean War, widows, and descandants of the veterans pose for posterity after the wreath laying ceremony held last September 7 this year at the Korean War Memorial Pylon at Fort Andress Bonifacio, Libingan ng Bayani in Taguig City to celebrate the 74th Korean War Anniversary. Guest speaker is Undersecretary for Civil Veterans and Reservist Affairs Pablo Lorenzo.


The war, Alamillo wrote, saw the extra ordinary bravery and heroism, resilience and sacrifice of Filipino soldiers as they stood shoulder to shoulder fighting not only for the distant land but for the principle of democracy, justice, and liberty.

“Their sacrifice, their unwaring spirit in the face of the adversity and their dedication to a just cause will be forever be etched on the annals of history,” the speech continued.

Because of the gallantry and intrepidity of the 7,420 Filipino soldiers who served in that three years’ war against the failed invasion and hegemony of communist North Korea and Mainland China, South Korea today is the top 14 economy in the world in 2023 based on USD 33,121 per capita, or USD 1.713 trillion's gross domestic product according to World Data Info.

In a June 2023 interview, PEFTOKVAI President Damasen told this writer that there are less than 100 surviving members of the PEFTOK.

(The writer - a political columnist - is a son of a Korean war veteran)