By Mortz C. Ortigoza
Palala' ng palala' ang pagtuligsa ni dating President Rodrigo Duterte sa
kay President Bongbong Marcos. Pagkatapos niyang banatan si Marcos sa Anti
–Charter Change Rally na ginanap noong January 28 sa Davao City, isang
patutsada na naman ang binitawan niya sa ginanap na press briefing noong
January 30:
“Sinasabi ko lang sa kanya huwag kayong pumasok diyan (amendment of the Constitution) kung hindi niya ituloy happy days are here again. Huwag lang iyan kasi hindi talaga puwede sa Pilipino iyan para kasi pampahaba nila e…makuntento ka na lang enjoy the remaining years of your presidency huwag ka na maghanap ng gulo baka ma Marcos, Sr. ka”.
Photo credit: Philippines Star |
Kasama si former Speaker Pantaleon Alvarez, sinabi rin ng dating Pangulo
ang plano nila na mag secede o maghiwalay sa Luzon ang Mindanao dahil winawaldas nila
Speaker Martin Romualdez ang bilyung bilyong pera ng Mindanao sa Manila.
Sa January 28 rally, ito ang banat ng dating Pangulo kay Marcos, Jr.:
“Bongbong, bangag ‘yan. That’s why
sinasabi ko sa inyo. Si Bongbong Marcos bangag noon. Ngayong presidente na,
bangag ang ating presidente. Kayong mga military alam ninyo ‘yan, lalo na ‘yong
mga nasa Malacañang, alam ninyo. The Armed Forces of the Philippines, alam
ninyo. May drug addict tayo na presidente! Putang inang ‘yan!”
Sinagot naman siya ni Marcos bago ito lumipad patungong Vietnam na dapat
ay alagaang mabuti ng kanyang doctor si Duterte dahil may masamang epekto ang
matagal na niyang paggamit ng “Fentanyl” na isang highly addictive drug.
Ang peace rally noong January 28 ay tungkol sa di pag sang-ayon ng mga
Dutertes sa People’s Initiative (P.I) sa planong pagpalit ng presidential to
parlimentary form of government sa Constitution na sinusulong ni Romualdez –
pinsang buo ni Marcos.
Pag parliamentary na ang Pinas, maging isang panaginip na lang ang
pagiging President ni Inday Sara Duterte dahil si Romualdez na ang heir
apparent ni Marcos.
Tinawagan pa ng dating Presidente ang militar at kapulisan – mga armadong
organisasyon na lumubo ang mga sueldo sa panahon ni Duterte – na protektahan ang
pag tsubibo ni Speaker Romualdez at mga Kongressmen sa Constitution.
Ang masabi ko lang sa away nila Marcos at Duterte: Mag isip ang mga men in uniform, ano mang coup d’tat na gagawin nila ay may katumbas na kontrang pagsugpo sa mga Amerikano na hindi papayag na basta na lang ibalik ang mga Duterte sa kapangyarihan dahil sila ay kilala na maka China.
Ang South China Sea o ang West Philippines Sea ay napaka-halaga sa mga Kano dahil ito ay host ng $5.3 trillion worth na kalakal na binabiyahi kada taon. $1.2 trillion dito ay pera ng mga Amerkanong negosyante. Malaking dagok sa kanila ang alyansang Pinas at China pag bumalik ang mga Duterte.
Hindi lingid sa mga Amerkano ang nakakabinging katahimikan ni Vice
President Sara Duterte sa mga paghihimasok ng Tsina sa mga islands at shoals
natin gaya ng mga pagharas sa mga resupply missions sa ating mga Marines sa ghost
ship na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Bukod diyan, ang isang military takeover ay magpapabagsak lalo sa ating
kulelat na pambansang ekonomiya.
Tingnan niyo ang Vietnam kung saan magsusupply sa atin ng two million
metric tons na bigas kada taon sa limang taon dahil sa pagbisita ni Pres.
Marcos kamakailan doon. Dati rati isa siya sa napakahirap na bansa sa Southeast Asia. Pero ngayon siya na ang No. 2 na top exporter kung saan ang Singapore
ay No. 1.
Ito ang 2022 data ng SeaAsia para mas lalong maintindihan ninyo kung sino ang
pinakamayaman at dukha sa rehiyon na ito:
Singapore (No. 1 U.S$ 515, 077, 895, 000), Vietnam (No.2 U.S$ 469, 548,
577, 000), Malaysia (No.3 U.S$ 353, 149, 561, 000), Indonesia (No. 4 U.S$ 291,
979,103, 000), Thailand (No.5 U.S$ 284, 106, 705, 000), Philippines (No. 6 U.S$
78, 929, 719, 000), Cambodia (No. 7 U.S$ 20, 575, 773, 000), Myanmar (former
Burma) (No.8 U.S$ 17, 084, 513, 000) Brunei (No. 9 U.S$14, 238, 438, 000), Laos
(No.10 U.S$9, 158, 998, 000).
Gusto ba natin na lalong bumagsak ang ranggo natin sa Southeast Asia dahil sa isang coup at maging ka laos na natin
ang Burma at Laos?
Kung isa kayong matalinong Pilipino, alam naman ninyo na itong hidwaan nina
Duterte at Marcos ay nagsimula noong tinanggalan ng House of Representatives si
Vice President at DepEd Secretary Sara ng P650 million confidential and
intelligence fund (CIF) para sa year 2024. Pina iexplika at pinababalik din sa
kanya kung saan niya ginastos iyong illegal disbursement na P125 million CIF na
binigay sa kanya noong December 2022. May mga asunto na na isinampa laban sa kanya dahil dito.
Isa pang pinagaalburuto ng matandang Duterte ay ang pagpapasok kuno ni
Marcos sa International Criminal Courts (ICC) para imbestigahan siya at mga
galamay niya sa kasong Crimes against Humanity kung saan mga 12, 000 (Human
Righs Watch) Pilipino ang namatay sa kanyang Drug War noong siya’y Presidente
pa.
Ano sa tingin ninyo mga kapatid, dahil ba sa bangayan na ito hahantong ba ito sa isang coup?
(Send comments to totomortz@yahoo.com)