Aktibong lumahok ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan sa kauna-unahang Continuing Local Legislative Education Program (CLLEP) sa Grand Regal Hotel, Davao City simula nitong Miyerkules, Setyembre 17, at tatagal hanggang Biyernes, Setyembre 19.
Kasama sa programang ito ang mga bise alkalde at mga konsehal mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Pinangunahan ni Vice Mayor Atty. Fernando Juan A. Cabrera ang delegasyon ng bayan ng Mangaldan kasama sina Councilors Cheenee Rose F. Flores, Marlon A. Tibig, Atty. Leah V. Evangelista, Rolly G. Abalos, Michael Ervin C. Lomibao, Russel Dave M. Simorio, LIGA President Florida G. Abalos, at SK Federation President Mark Harold G. Bautista, kasama sina Secretary to the Sanggunian Juan C. Aquino, at Board Secretary IV Larah Socorro S. Soriano.
Inisyatibo ng Philippine Councilors League (PCL), katuwang ang
Department of the Interior and Local Government (DILG), ang naturang aktibidad
na layong palalimin at palawakin ang kaalaman ng mga lokal na mambabatas sa
larangan ng lehislasyon upang matiyak ang mahusay na pamamahala at mas
epektibong serbisyo-publiko.
Kabilang sa mga naging paksa sa isinagawang plenary discussions ang pagbabahagi ng best practices ng lokal na pamahalaan ng Davao City, order of business in the conduct of effective session, pagpapahusay sa isang sanggunian, at oversight functions nito.
Mainit ang naging pagtanggap nina San Juan City Mayor Francis Zamora,
National President ng League of Cities of the Philippines, at Davao City Acting
Vice Mayor Sebastian Duterte, sa mga kalahok kasabay ng pagkilala sa kanilang
dedikasyon sa pagpapatibay ng serbisyo ng lokal na pamahalaan.
Ipinahayag naman nina Vice Mayor Atty. Cabrera at ng buong Sangguniang
Bayan ng Mangaldan ang kanilang pasasalamat sa pagkakataong makibahagi sa isang
makabuluhang pagsasanay kasabay ng pagtitiyak na gagamitin ang mga natutunan
bilang gabay sa patuloy na pagpapabuti ng kanilang serbisyo sa mga kabaleyang
Mangaldanian. (๐๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐๐ฃ ๐๐๐)
No comments:
Post a Comment