Tuesday, May 20, 2025

Salapi ang Nagpapanalo sa Eleksyon

Ni Mortz C. Ortigoza

Tumatawa ang mga taga malalayong bayan na mga botante nang malaman na ang mga kandidatong mga konsehales sa Dagupan City ay namili ng boto kada isa sa halagang P50 (sa mga taga administrasyon) at P20 (sa mga taga oposisyon. Anila, P100 at P200 ang bilihan sa bayan nila ilang linggo at ilang araw bago mag eleksyon noong Mayo 12.

"Small time naman ang mga taga Dagupan!"sabi ng isa.


Aniko, normal na ganoong halaga ang mga binibitawan nilang salapi kasi maliit lang ang registerd voters sa bayan nila. Iyong isang munisipyo 21, 000 voters, iyong isa 23, 000. Sa Dagupan meron kaming P145, 000 registered voters. Kung 80% ng botante sa Dagupan ang bibilhin ng kandidato sa halagang P20 iyan ay P2, 320, 000 o sa halagang P50 iyan ay maging P5, 800,000.  

Ang 80% ng 21, 000 na botante kelangan lang ng pulitiko magpakawala ng halos P1.7 milyon. Bakit binabawasan ko ng 20% ang mga botante? Kasi hindi lahat ng registered voters ay bumuboto pagdating ng halalan.

Magtataka kayo, noong sinabi ko sa blog ko sampung araw bago ang eleksyon sa Dagupan City na ang oposisyon sa ilalim ng mga Lims na di pumasok sa Top 10 na mananalo (base sa nakuha kong scientific survey) kelangan mamili ng boto sa halagang P100 to P200 pero di nila ginawa kaya siyam sa kanila pinulot sa basurahan matapos ang karera.

Una, ang P100 kada botante multiply sa 116,000 voters ay P11.6 milyon;

Ikalawa, iyong mga reelectionist mortal na kaaway sila ni Mayor Belen T. Fernandez kaya sa mga proyekto ng lungsod wala silang share sa S.O.P o cut  -- kung meron man – galing sa alkalde. Bakit ko nasabi iyan, e iyan ang kalakalan lalo na pagmerong loan na hundreds of millions of pesos sa bangko na kelangan ang pag-apruba ng Sanggunian (lawmaking body);

Ikatlo, karamihan sa kanila walang malalaking mga negosyo o other source of income (iyong sahod nilang P100, 000 kada buwan kulang pa ipamigay sa mga humihingi ng tulong araw-araw sa kanila) para pantustos sa malawakang bilihan ng mga boto. Noon ko pa sinasabi na ang eleksyon sa Pinas ay para sa may mga maraming pera. Kahit ako na tapos ng Master in Public Administration, political columnist, at dating Professor ng Political Science, tatalunin ako ng low I.Q na kandidato ni Mayor Belen na funded pa daw niya ng P4 million (totoo ba ito?) dahil wala akong milyon na pambili ng boto sa mga bobotante na halos mahigit isandaang libo ang dami.

Ani ng isang multi-milyonaryo sa lungsod: “Humbling experience iyang eleksyon. Diyan mo makikita kong sino ang may mga pera. Karamihan diyan sa mga kandidato pa porma-porma na feeling rich pero pagdating sa bilihan ng boto kulelat naman”.

Anong say niyo mga Dear Readers, datung ba talaga ang nagpapanalo sa eleksyon?

No comments:

Post a Comment