Friday, May 2, 2025

Monmon, Manay, Belen, Bona, Inendorso ng INC

 Ni Mortz C. Ortigoza


Bago ilabas ng bloc voting Iglesia ni Cristo (INC) ang sample ballot sa mga iboboto ng mga miyembro nila isang linggo bago ang Mayo 12 eleksyon, lahat ng incumbent elective officials ng isang lungsod at siyam na bayan ng Pangasinan 1st District ay pinatawag kahapon Biyernes ng pamunuaan ng INC para sabihin na sila ang anointed na iboto ng libo-libong miyembro ng simbahan.






Noong tinanong ng writer na ito ang source na isang tao ng mataas na opisyal kung sino ang mga inendorso ng INC na pinatawag na at hindi pa pinatawag, aniya sa gobernador ay si reelectionist Govenor Monmon Guico, reelectionist Pangasinan 5th District Rep. Monching Guico, at congressional bets sa Pangasinan 4th and 6th Districts Manay Gina de Venecia at Gilbert Estrella. Sila Mangaldan reelectionist Mayor Bona Parayno at reelectionist Manaoag Mayor Ming Rosario ay anointed rin ng simbahan.
“Matindi sa Dagupan City, bukod kay Belen Fernandez (reelective mayor) at Brian Kua (reelective vice mayor), lahat ng sampung konsehales at wala kahit isa sa mga kandidato sa ilalim ni Brian Lim ay na endorso ng Iglesia,” ani ng source ko na ayaw magpakilala.

Dahil itong balita ay galing sa isang source na pwedeng tama o mali siya, mas maasahan natin ang lahat ng mga kandidatong tutulungan ng INC sa sample ballot na ilalabas nila isang linggo – base sa nakaugalian na nila - sa Lunes o sa susunod na araw.

Sa bise gobernador naman naniniwala ang blog na ito na si Vice Governor Mark Lambino ang makakakuha ng pagpala ng INC dahil mas malakas naman siyang malayo kay ex Mayor Noel Nacar.


Napag alaman ng Northern Watch Newspaper na bago maglabas ng i-endorso ang Iglesia ay nagpa survey sila.
"Halos magkaparehas ang survey result namin sa kanilang survey," ani ng tao ng mataas na opisyal sa nasabing distrito.

No comments:

Post a Comment