Tuesday, May 6, 2025

Mayor Bona: Fake News Iyong Vote Buying; Planong Magsampa ng Libel sa Blogger

 

Ni Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN, Pangasinan - Pinabulaanan ng lady alkalde dito ang akusasyon ng isang blogger na namimili na daw ng boto ang kampo niya sa kanyang bahay sa Barangay Nibaliw.

“Fake news iyong ginawa ng Country Mail. Iyong mga tao sa labas totoong andoon iyon pero iyong nagbibigayan ng sobre ay kuha iyong mga larawan ilang buwan na ang nakalipas as financial assistance ng munisipyo sa mga mahihirap,” ani Mayora Bona Fe D. Parayno sa tawag niya kanina sa telepono sa writer na ito.

Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno.

Aniya pati ang hepe ng Commission on Election (Comelec) dito ay galit na galit sa gawa gawang paratang ng blogger na wala siyang ginagawa sa talamak na vote buying dito.

“Mula May 2 hanggang May 7 ay may schedule ang mga botante mula sa iba't ibang barangay para pumunta sa itinuturong farm ng alkalde sa Barangay Nibaliw at "tanggapin" ang 500 bawat isa. Ang paniniwala ng mga residente ng Mangaldan ay "vote buying" na ang nangyayari lalo na't sa May 12, 2025 na ang araw ng eleksyon. Ang nasabing "vote buying center" ay mayroong mataas na bakod at gate na mahigpit na binabantayan ng maraming "security" sa entrada. Pagpasok sa gate ay pipila ang mga botante sa hilera ng mga tents na dala ang kanilang identification (ID) card na "BONA FE DE VERA-PARAYNO MOVEMENT." Sa ID card ay nakalagay ang larawan ni Mayor Bona Parayno at mga detalye ng botante gaya ng: "name, barangay, precinct number, ID number at QR code,” ani sa excerpts ng post ng Country Mail na pinapatakbo ni Celso Manuel noong Mayo 3.

Sabi ng Mayora na kaya ng opisina niyang ipakita iyong mga larawan na nilagay ni Country Mail kung saan may namimigay ng sobre at may tumatangap ng salapi ay hango sa mga larawan ng Public Information Office niya dito.

“Matagal na iyong mga larawan ginamit niya lang para  manlinlang sa malisyoso na sulat niya sa akin,” paliwanag nito.

Ani Mayor Parayno na kausap na niya si Attorney Teodora S. Cerdan – Legal Officer ng local government dito -- para pag aralan ang isasampang Cybel Libel sa manunulat.

 

No comments:

Post a Comment