Ni Mortz C. Ortigoza
Tumatawa ang mga taga malalayong bayan na mga botante nang malaman na ang mga kandidatong mga konsehales sa Dagupan City ay namili ng boto kada isa sa halagang P50 (sa mga taga administrasyon) at P20 (sa mga taga oposisyon. Anila, P100 at P200 ang bilihan sa bayan nila ilang linggo at ilang araw bago mag eleksyon noong Mayo 12.
"Small time naman ang mga taga Dagupan!"sabi ng isa.
Aniko, normal na ganoong halaga ang mga binibitawan nilang salapi kasi maliit lang ang registerd voters sa bayan nila. Iyong isang munisipyo 21, 000 voters, iyong isa 23, 000. Sa Dagupan meron kaming P145, 000 registered voters. Kung 80% ng botante sa Dagupan ang bibilhin ng kandidato sa halagang P20 iyan ay P2, 320, 000 o sa halagang P50 iyan ay maging P5, 800,000.
Ang 80% ng 21, 000 na botante kelangan lang ng
pulitiko magpakawala ng halos P1.7 milyon. Bakit binabawasan ko ng 20% ang mga
botante? Kasi hindi lahat ng registered voters ay bumuboto pagdating ng
halalan.
Magtataka kayo, noong sinabi ko sa blog ko sampung
araw bago ang eleksyon sa Dagupan City na ang oposisyon sa ilalim ng mga Lims na
di pumasok sa Top 10 na mananalo (base sa nakuha kong scientific survey)
kelangan mamili ng boto sa halagang P100 to P200 pero di nila ginawa kaya siyam
sa kanila pinulot sa basurahan matapos ang karera.
Una, ang P100 kada botante multiply sa 116,000 voters
ay P11.6 milyon;
Ikalawa, iyong mga reelectionist mortal na kaaway sila ni Mayor Belen T.
Fernandez kaya sa mga proyekto ng lungsod wala silang share sa S.O.P o cut -- kung meron man – galing sa alkalde. Bakit
ko nasabi iyan, e iyan ang kalakalan lalo na pagmerong loan na hundreds of millions
of pesos sa bangko na kelangan ang pag-apruba ng Sanggunian (lawmaking body);
Ikatlo, karamihan sa kanila walang malalaking mga
negosyo o other source of income (iyong sahod nilang P100, 000 kada buwan kulang pa ipamigay sa mga humihingi ng tulong araw-araw sa kanila) para pantustos sa malawakang bilihan ng mga boto. Noon ko pa sinasabi
na ang eleksyon sa Pinas ay para sa may mga maraming pera. Kahit ako na tapos
ng Master in Public Administration, political columnist, at dating Professor ng
Political Science, tatalunin ako ng low I.Q na kandidato ni Mayor Belen na funded pa daw niya ng P4 million (totoo ba ito?) dahil wala akong milyon na
pambili ng boto sa mga bobotante na halos mahigit isandaang libo ang dami.
Ani ng isang multi-milyonaryo sa lungsod: “Humbling experience iyang eleksyon. Diyan
mo makikita kong sino ang may mga pera. Karamihan diyan sa mga kandidato pa
porma-porma na feeling rich pero pagdating sa bilihan ng boto kulelat naman”.
Anong say niyo mga Dear Readers, datung ba talaga
ang nagpapanalo sa eleksyon?
No comments:
Post a Comment