Sunday, May 11, 2025

Puro Kahihiyan ang Ibinibigay ni Mayor Rammy sa Urdaneta!

 Ni Mortz C. Ortigoza

Bakit ko nasabi na puro kahihiyan lang ang ibinibigay ni Urdaneta City Mayor Rammy Parayno sa 144,577 populated (2020 Census) na lungsod na nasasakupan niya kaya huwag niyo na siyang iluklok sa Mayo 12.


UNA, mapang-abuso sa posisyon. Sinampahan siya ng mga kasong criminal at administratibo sa Ombudsman noong Setyembre  matapos niyang sampalin at puersahang kunin ang SD card ng video camera ng isang empleyado ng provincial government noong Agosto 12, 2024 matapos isilbi sa kanya ang notice na three-month preventive suspension na iginawad ng Sangguniang Panlalawigan (Provincial Board) dahil sa pang abuso at pagmamalabis sa aplikasyon ng may ari ng REVM Tiposu Poultry Farm Inc. Ang mga kasong criminal na sinampa ni Jairus Bien Fernandez Sibayan kay Parayno sa Ombudsman ay Slight Physical Injury, Robbery with Violation Against or Intimidation of Person, at Slander by Deed. Ang administratibo na habla naman ni Sibayan kay Parayno at mga kasamahan ay Grave Misconduct, Grave Abuse of Authority, Conduct Unbecoming of Public Officer, Gross Immoral Conduct, at Conduct Prejudicial to the Interest of Public Services. Ang mga kasong ito ay may kaukulang preventive suspension, suspension, at pagkatanggal sa puesto;


IKALAWA, nahatulan siya ng provincial board noong Oktubre  2024 matapos ireklamo siya ng may ari ng REVM Tiposu Poultry Farm Inc. sa Anti-Red Tape (ARTA) sa Metro Manila ng pangaabuso at pangmamalabis sa aplikasyon niya para sa isang poultry house.  Nang makitaan ng substantial evidences ng tatlong counts ng pang-aabuso ng tungkulin inirekomenda ng ARTA sa Blue Ribbon Committee ng Sangguniang Panlalawigan at kay Pangasinan Gov. Monmon Guico ang pagpataw ng preventive suspension na tatlong buwan laban sa kanya;

IKATATLO, ipinatupad noong Enero 7 ng Office of the President (O.P) sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 12 buwan na pagsuspinde kay Parayno at kanyang pinsan na si Vice Mayor Jimmy D. Parayno. Ayon kay DILG Region-1 Director Jonathan Paul M. Leusen, Jr. na may ibinabang Memorandum si Executive Secretary Lucas P. Bersamin at Atty. Romeo P. Benetiz , Undersecretary for External, Legal, and Legislative Affairs, ng O.P para kay Parayno at Vice Mayor na pagsuspinde sa kanila ng anim (6) na buwan sa Grave Misconduct at anim (6) na buwan para sa Grave Abuse of Authority o isang taon sa salang nilabag nila.

Ang kasong administratibo ng dalawa ay hango sa “OP-DC Case No. K-090 entitled Michael Brian M. Perez vs. Mayor Julio F. Parayno III and Vice Mayor Jimmy D. Parayno” kung saan ni indefinite suspended ni Mayor Parayno si Liga ng mga Barangay (LNB) President at San Vicente Punong Barangay Perez dahil sa Hunyo 14, 2022 na Manifesto ng 33 sa 34 na Punong Barangay ng lungsod na ito para alisin siya na LNB President. Matapos sulatan ni Perez ang Office of the National President of the LNB, Office of the Provincial Board sa Lingayen, Pangasinan, at ang DILG, sinabi ni LNB National President Eden C. Pineda sa liham niya noong June 20, 2022 na ang pagtanggal kay Perez “is substantially and procedurally erroneous which renders the same null and void”.

Noong Setyembre 2, 2022, sinulatan ni DILG Provincial Director Paulino G. Lalata, Jr. si Parayno na ang pagsuspinde kay Perez sa LNB ay walang basehan. Setyembre 5, 2022, sumulat si Parayno kay Lalata na ang “indefinite suspension of Perez had been lifted as per his September 8, 2022 Memorandum”. Kahit na tinanggal ang suspension ayaw pa rin papasukin sa Oktubre 5, 2022 regular session si Perez ni Vice Mayor Paranyno dahil hindi na kinikilala ang una na ex-officio miyembro ng sanggunian;

IKAAPAT,bukod sa pang aabuso may pagkatuko’ pala itong si Mayor Parayno dahil ayaw niya at ng kanyang vice mayor na bumaba kahit na may suspension order na nailabas noong Enero 7, 2025.

Sa Memorandum ni Atty. Romeo P. Benitez, Undersecretary for External, Legal and Legislative Affair, isinautos nito kay DILG Region 1 Director Jonathan M. Leusen Jr. na nag coordinate siya sa pamunuan ng Philippines National Police (PNP) “in ensuring the peaceful assumption of office of the Acting Mayor and Acting Vice Mayor of Urdaneta City” para palitan pansamantala ng isang taon si suspendidong Mayor Parayno at Vice Mayor Jimmy.

Ani dating Liga ng mga Barangay (LNB) President at dating San Vicente Punong Barangay Mickey Perez, noong malaman nina Mayor at Vice Mayor na parating na ang mga opisyales at kawani ng DILG at mga kapulisan para pababain sila base sa Order ng Malacanang, pinagsasarado nila ang mga opisina nila para maiwasan uli ang pag-silbi ng one - year suspension. Noong ibinaba iyong suspension noong ika-7 ng Enero sa kay Mayor ayaw tanggapin ng mga kawani ng opisina niya habang nakasarado ang opisina ni Vice Mayor Parayno noong araw na iyon, ayon sa source ng diyaryong ito;

IKALIMA, mga kawani ng kapulisan at DILG tinungo noong madaling araw ng Marso 14, 2025 ang Urdaneta City Hall para harangan na makapasok sa bulwagan ng munisipyo o puwersahang pababain ang nag-ala tukong alkalde at ang kanyang pinsang bise mayor. Tinatayang nasa mahigit-kumulang na 100 kapulisan ang nagbabarikada sa city hall at mga satellite offices sa Urdaneta para ipatupad ang kautusan na huwag papasukin ang magpinsan. Ang kapulisan ay pinangungunahan ni Region 1 Police Brigadier General Lou Frias Evangelista at Pangasinan Police Office Director Col. Rollyfer Capoquia. Pero nagyayabang pa rin si Parayno sa mga rally niya na kahit nabarikadahan ang munisipyo, nilipat naman daw niya ang kanyang tanggapan sa kanyang tahanan.

IKA ANIM, ang Women’s group Gabriela noong Mayo 6 ay binatikos sa media sina Mayor, Vice Mayor, at kanilang mga konsehales dahil nagpa “kissing auction” sila sa isang rally noong Abril 24 sa Barangay Nancamaliran West, Urdaneta City kung saan ang isang mahirap na Lola ay hinihikayat nilang “makipaghalikan” kay bise alkalde kapalit ang P5,000. Kitang kita sa video kung saan si Parayno ay sumisigaw pa na dadagdagan niya pa ng isang libong piso makipaghalikan lang si Lola sa pinsan niya. 

Ani Gabriela, si Mayor Rammy Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno “subjected an elderly woman to a humiliating ‘kissing auction’ in exchange for a few thousand pesos.” 

Sabi ni Gabriela Secretary-General Clarice Palce na “outraged” ang grupo “by this reprehensible display” na ni auction o pataasan ng bayad ang matanda para kagatin ang paghihikayat nila kapalit ang kasiyahan ng lahat kasama na ang mga nanonood sa Urdaneta City;

IKAPITO, dahil sa auction sa halikan NA UMISKANDALO SA BUONG PILIPINAS nagpalabas ng Show Cause Order ang Commission on Election (Comelec) Task Force on Safeguarding Fear and Exclusion in Elections (SAFE) noong Mayo 8 kay Parayno at sa kanying pinsan na magpaliwanag sa loob ng tatlong araw o “FACE POSSBILE DISQUALIFICATION”. Ani Comelec ang ipinagagawa ng grupo ni Parayno ay paglabag sa Resolution No. 1116, “which outlines anti-discrimination and fair campaigning guidelines for the May 12 polls. The resolution upholds protections for vulnerable sectors against exploitation, harassment, and degrading acts”, at;

IKAWALO, di pa natin napasadahan dito ang mga akusasyon sa kanyang pambabae ayon sa nakikita at nababasa natin sa social media.

No comments:

Post a Comment