Monday, May 19, 2025

Wiped Out ang mga Espino!

 

Ni Mortz C. Ortigoza

Naging sunod sunod ang kamalasan at kasawian ng mga Espino sa pulitika sa Pangasinan matapos gapiin ni noon Binalonan exiting mayor Monmon Guico si Pangasinan 5th District Congressman Amado Espino, Jr. ng 3, 512 na mga boto noong Mayo 22, 2019 eleksyon. Nasundan pa ito ng talunin ni Guico ang kanyang kapangalan at anak na si Governor Pogi Espino sa pagka gobernador ng may 187, 807 na mga boto noong Mayo 13, 2022 eleksyon.

PATRIARCH. The patriarch of the Espino political family in the huge province's former Governor Amado T. Espino, Jr (left photo). Other in photos from top right to bottom: Espino's sons former Governor Amado "Pogi" Espino III and former congressman Jumel Anthony Espino and nephew Bautista town's mayoralty bet Jerome Vic Espino.

Naging mas malupit ang Mayo 12, 2025 na karera sa pulitika para sa mga miyembro ng pamilyang Espino sa dambuhalang lalawigan ng Pangasinan. Bukod sa pinaluhod ni Guico ng halos isandaang libong boto si Pogi sa rematch nila sa governorship, nawala rin sa kanila na parang bola ang API (Abante Pangasinan-Ilokano) Partylist at dalawang pinakaiingatan nilang baluarte.

Sa bilangan ng Mayo 12 na halalan, nakitang ginapi nina Mayor-elect William Dy si dating congressman Jumel Espino (anak at kapatid ng dating gobernador na humawak ng lalawigan ng 15 taon) sa kuta ng mga Espino sa Bugallon, Pangasinan. Ang nanunungkulan na alkalde sa first class na bayan ay si Priscilla Espino – maybahay ni dating gobernador Amado, Jr. at ina ni Pogi. Nasa Bugallon din ang mga malalaking ari-arian ng pamilyang pulitikal na ito.

Nakakuha ng boto si Dy – isang kontraktor at dating kaalyado nila na lumipat kay Guico at 2nd District Mark Cojuangco – ng 24, 188 laban kay Jumel na meron lamang  22, 903 na mga boto.

Ang bayang Bautista na lugar ng kapanangakan at kinalakihan ng mga matatandang Espino kung saan ang pamangkin ni Amado ang kasalukuyang punong tagapagpaganap ay napunta sa incumbent Vice Mayor Rosemarie Gacutan. Tinalo ni Gacutan (kaalyado ni 5th District Cong. Monching Guico at ni Gobernador Guico) si Jerome Vic Espino ng  10, 005 na mga boto habang si Espino ay nakakuha lang ng  9, 368 na mga boto.

Ang pangarap ni Amado Jr. na maging congressman ng API Partylist bilang first nominee ay nagunaw kasama ang lahat na Pangasinense’ lead partylist tulad nila Abono, Tulungan Tayo, Aksyon Dapat, at Kabayan matapos sila lunurin sa kailalimlaliman ng Philippines Deep ng paldong paldo sa perang Solid North Party na taga Abra na binoto ng mga bobotante sa Pangasinan dahil sa talamak na bilihan ng tig P500 kada isa ilang araw bago mag-eleksyon. Ang bilihan na iyon ay nakikita sa mga video at larawan sa social media.

Tinalo ng halos isandaang libong boto ang kulang sa pondong si Pogi Espino ni Monmon Guico sa pagka gobernador kung saan nakakuha lang ang una ng 784,070 na mga botos sa mga botante sa forty – four bayan at three lungsod sa Pangasinan laban kay Guico na merong ng 880,906.

Sa sakunang nangyari sa mga Espino, makakabalik pa ba kaya sila sa Mayo 2028 eleksyon? Anong say niyo mga mambabasa nitong blog na ito?


No comments:

Post a Comment