Thursday, May 15, 2025

Edukasyon, Kalusugan, Impra, Turismo, Paiigtingin sa 2nd Guico Admin

 

PAGPAPAIGTING sa mga programa sa edukasyon, kalusugan, imprastraktura, at turismo ang magiging sentro ng ikalawang termino ni Gov. Ramon V. Guico III.

PROCLAMATION of Pangasinan Governor Ramon V. Guico III by the Commission on Election Provincial Canvasser at the Capitol in Lingayen. Guico defeated former governor Amado Espino III in the May 12, 2025 election. The former garnered 880, 906 while the latter got 784, 070 votes or a margin of 96, 836 votes based on the 99.96 election returns of the Comelec.

 Sa unang termino ni Governor Guico, matagumpay na naitatag ang Pangasinan Polytechnic College sa Lingayen. Kaugnay nito, sa kanyang ikalawang termino, plano niyang itayo ang karagdagang PPC campus sa Umingan at Bugallon. Ipagpapatuloy din ang pagpapabuti ng mga ospital at tuluy-tuloy na pagsulong sa Pangasinan Government Unified Incentives for Medical Consultation.

Pokus din ang mga proyekto sa imprastraktura. Kabilang ang patuloy na Capitol Complex Redevelopment project.

“Magtiwala lang po tayo sating mga mithiin at mga programa pa para sa ating minamahal na probinsya ng Pangasinan,” pahayag ni Gov. Guico matapos opisyal na ipinroklama ng Provincial Board of canvassers ang kanyang pagkapanalo bilang gobernador sa 2025 elections noong May 13,2025.

Sinaksihan ito ng kanyang maybahay na si First Lady Maan Guico, kanyang ina na si Dr. Arlyn Grace Guico, ama na si 5th District Congressman Ramon ‘Monching’ Guico Jr., kapatid na si Binalonan Mayor Ramon Ronald Guico IV at mga supporters. (Eira Gorospe, Patricia Sevilla, JP De Vera | PIMRO)

No comments:

Post a Comment