Ni Mortz C. Ortigoza
BINMALEY, Pangasinan – Dahil sa isang libong piso na ipinamudmod sa kada botante dito ng reelectionist na alklalde siya ay nasampahan kamakailan lang ng kaso ng kanyang katungali ng vote buying at diskwalipikasyon.
![]() |
HUSTINGS. Binmaley
Mayor Pete Merrera at the hustings in his coastal town despite the blistering
sun.
Itong pagsampa ng reklamo sa Central Office ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Manila ni Vice Mayor Sam Rosario para sa diskwalipikasyon ni Mayor Pete Merrera ay mariing pinabulaan ng huli.
“Usap-usapan na naman ngayon sa ating bayan ang isang malisyosong balita na diumano’y ako raw ay disqualified na. Gusto ko pong linawin sa inyo: WALANG KATOTOHANAN ITO. Isa lamang itong desperadong galawan ng aking mga katunggali na wala nang ibang alam kundi ang manira at magpakalat ng kasinungalingan,” sipi ng pahayag ni Mayor Merrera.
![]() |
Binmaley Vice Mayor
Sam Rosario – a religious person - hugging the life sized statue of the Lord
Jesus carrying a heavy cross at The Our lady of Purificacion Church in
Binmaley, Pangasinan.
Aniya may lehitimong paraan para maghain ng kaso at hindi ganoon kadali ang magpatanggal sa isang katungali at “hindi sa pamamagitan ng chismis, hindi sa social media, at lalong hindi sa mga pekeng dokumento”.
Sa Petition for
Disqualification na mayroong Case No. SPA 25-139 (DC) na isinampa ni Rosario
noong Mayo 6 sa Comelec sa Manila, "I
am hereby filing the instant Petition for violation of Section 261 (a) in
relation to Section 262 of the Omnibus Election Code against the Respondent,”
aniya.
Sinabi ni
Rosario na may nagpadala sa kanya ng video kung saan si Merrera, Campaign
Manager Leon Castro, dating Barangay Kagawad Arthur Agsalud, dating staff sa
Mayor's Office’s Roger Samson at ilang residente ng Barangay Tombor ay
namimigay umano ng tag isang libong piso - sa mga botante.
“WHEREFORE, premises considered, it is most
respectfully prayed and pleaded to this Honorable Office to (1) Declare
Respondent Pedro A. Merrera III guilty of Vote Buying and Vote Selling; and (2)
DISQUALIFY PERPETUALLY the Respondent for violation of the Omnibus Election
Code,” ani ng huling parte ng kanyang petisyon.
Ani sa salitang Pangasinan ng commenter sa isang Facebook account na si Tortoises Villa: “Kulang my inter nen Rosario ya 300 katon sinampahan toy kaso ta anta ton aga la manalo amo (Kulang ang binigay ni Rosario na P300 kaya sinampahan niya ng kaso kasi hindi na siya mananalo, ano?). Kinasuhan niya pero siya rin bumibili ng boto sa halagang 300 pesos .. plan A (i)yan kasi kulang ang ayuda hahahaha (!)”.
Binatikos ni Merrera ang ginawa ng kanyan kalaban at nanawagan sa mga taga suporta niya sa kanyang Facebook Account: “Kaya pakiusap ko sa inyo: Huwag tayong magpaloko. Huwag tayong maniwala sa mga ganitong taktika. Nilalason lamang nila ang ating isipan dahil alam nilang hindi nila tayo matatalo sa malinis at patas na paraan”.


No comments:
Post a Comment