Sunday, May 25, 2025

P’sinan PD Tinanggal ni Chief PNP Marbil

 Ni Mortz C. Ortigoza

Madami akong nabasa sa social media sa pagkatanggal ni Pangasinan Police Provincial Office (PPO) Director Col. Rollyfer Capoquian kung saan siya ay pinalitan pansamantala ni Police Col. Ricardo M. David ng Police Regional Office sa San Fernando City, La Union.

 

BRASS.National Police Chief Rommel F. Marbil (top photo and clockwise), acting Pangasinan Police Provincial Office (PPO) Director Col. Ricardo David, and former Pangasinan PPO Director Col. Rollyfer Capoquian.


Ang rason, ayon sa Spy ko sa Camp Crame, bakit tinanggal na PD si Capoquian pitong buwan at hindi pa umiinit ang kanyang puwitan, sanamagan, sa pusisyon sa dambuhalang lalawigan ito’y dahil sa sobrang galit sa kanya ni Philippines National Police Chief Gen. Rommel F. Marbil. Doon mismo sa command conference ng mga PD at hepe sa buong Pilipinas noong Mayo 19 inihayag niya ang pagrelieved kay Capoquian.

“Si Chief PNP General Marbil mismo nagpapa relieve kay Colonel Capoquian noong malaman niya iyong dishonesty sa report ng napatay na pulis sa Sta Maria, Pangasinan. Galit na galit si CPNP Marbil at mismong sa command conference last Monday kung saan naka on board lahat ng Hepe at mga Provincial Directors sa buong Pilipiinas sinabi ni Chief PNP iyong ginawa ni Capoquian. Kaya pinapakasuhan nya at pinapa relieve,” ani ng Spy ko na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Ang madugong pangyayari sa Sta. Maria noong Mayo 11 ay ang barilan ng dalawang grupo sa Sitio Imus, Barangay Samon sa Sta. Maria kung saan dalawa ang nasawi. Ayon sa police report mga 2:30 ng umaga kung saan ang dalawang grupo na lulan ng kanilang mga sasakyan ay nagbarilan. Isa doon sa nasawi ay si SSg. Dennis Jali Oria, 33, ng Tayug Police Station.  Umawat lang daw si Oria sa mga nagbabarilan ng siya’y tamaan din ng bala, ayon sa Report na ayaw paniwalaan ngayon ni Marbil.

Iyong dalawang grupo ba na nagbarilan ay mga goons ng dalawang naguumpugang pulitiko sa distrito at si Sergeant Oria ay kasama sa mga hired gun ng isa?

Lalo pang nagpagalit kay General Marbil ang White Paper na adverse kay Capoquian na nakarating sa tanggapan nito. Ito umano’y galing sa sumbong ng isang police sa Pangasinan.

Nakasaad sa White Paper ang mga alleged katiwalian, imoralidad sa isang babaeng Sarhento, at kapabayaan ni Capoquian paano ipahinto ang mga sugal gaya ng mga sa peryahan.

No comments:

Post a Comment