Ni Mortz C. Ortigoza
Bakit ko nasabi na puro kahihiyan lang ang ibinibigay ni Urdaneta City Mayor Rammy Parayno sa 144,577 populated (2020 Census) na lungsod na nasasakupan niya kaya huwag niyo na siyang iluklok sa Mayo 12.
UNA, mapang-abuso
sa posisyon. Sinampahan siya ng mga kasong criminal at administratibo sa
Ombudsman noong Setyembre matapos niyang
sampalin at puersahang kunin ang SD card ng video camera ng isang empleyado ng
provincial government noong Agosto 12, 2024 matapos isilbi sa kanya ang notice
na three-month preventive suspension na iginawad ng Sangguniang Panlalawigan
(Provincial Board) dahil sa pang abuso at pagmamalabis sa aplikasyon ng may ari
ng REVM Tiposu Poultry Farm Inc. Ang mga kasong criminal na sinampa ni Jairus
Bien Fernandez Sibayan kay Parayno sa Ombudsman ay Slight Physical Injury,
Robbery with Violation Against or Intimidation of Person, at Slander by Deed. Ang
administratibo na habla naman ni Sibayan kay Parayno at mga kasamahan ay Grave
Misconduct, Grave Abuse of Authority, Conduct Unbecoming of Public Officer,
Gross Immoral Conduct, at Conduct Prejudicial to the Interest of Public
Services. Ang mga kasong ito ay may kaukulang preventive suspension, suspension,
at pagkatanggal sa puesto;
IKALAWA, nahatulan
siya ng provincial board noong Oktubre 2024
matapos ireklamo siya ng may ari ng REVM Tiposu Poultry Farm Inc. sa Anti-Red
Tape (ARTA) sa Metro Manila ng pangaabuso at pangmamalabis sa aplikasyon niya
para sa isang poultry house. Nang
makitaan ng substantial evidences ng tatlong counts ng pang-aabuso ng tungkulin
inirekomenda ng ARTA sa Blue Ribbon Committee ng Sangguniang Panlalawigan at
kay Pangasinan Gov. Monmon Guico ang pagpataw ng preventive suspension na
tatlong buwan laban sa kanya;
IKATATLO, ipinatupad
noong Enero 7 ng Office of the President (O.P) sa pamamagitan ng Department of
Interior and Local Government (DILG) ang 12 buwan na pagsuspinde kay Parayno at
kanyang pinsan na si Vice Mayor Jimmy D. Parayno. Ayon kay DILG Region-1
Director Jonathan Paul M. Leusen, Jr. na may ibinabang Memorandum si
Executive Secretary Lucas P. Bersamin at Atty. Romeo P. Benetiz ,
Undersecretary for External, Legal, and Legislative Affairs, ng O.P para kay
Parayno at Vice Mayor na pagsuspinde sa kanila ng anim (6) na buwan sa Grave
Misconduct at anim (6) na buwan para sa Grave Abuse of Authority o isang taon
sa salang nilabag nila.
Ang kasong administratibo ng dalawa ay hango
sa “OP-DC Case No. K-090 entitled Michael Brian M. Perez vs. Mayor
Julio F. Parayno III and Vice Mayor Jimmy D. Parayno” kung saan ni
indefinite suspended ni Mayor Parayno si Liga ng mga Barangay (LNB) President
at San Vicente Punong Barangay Perez dahil sa Hunyo 14, 2022 na Manifesto ng 33
sa 34 na Punong Barangay ng lungsod na ito para alisin siya na LNB President. Matapos
sulatan ni Perez ang Office of the National President of the LNB, Office of the
Provincial Board sa Lingayen, Pangasinan, at ang DILG, sinabi ni LNB National
President Eden C. Pineda sa liham niya noong June 20, 2022 na ang pagtanggal
kay Perez “is substantially and procedurally erroneous which renders
the same null and void”.
Noong Setyembre 2, 2022, sinulatan ni DILG
Provincial Director Paulino G. Lalata, Jr. si Parayno na ang pagsuspinde kay
Perez sa LNB ay walang basehan. Setyembre 5, 2022, sumulat si Parayno kay
Lalata na ang “indefinite suspension of Perez had been lifted as per
his September 8, 2022 Memorandum”. Kahit na tinanggal ang suspension ayaw
pa rin papasukin sa Oktubre 5, 2022 regular session si Perez ni Vice Mayor
Paranyno dahil hindi na kinikilala ang una na ex-officio miyembro ng
sanggunian;
IKAAPAT,bukod sa pang aabuso may pagkatuko’
pala itong si Mayor Parayno dahil ayaw niya at ng kanyang vice mayor na bumaba
kahit na may suspension order na nailabas noong Enero 7, 2025.
Sa Memorandum ni Atty. Romeo P. Benitez,
Undersecretary for External, Legal and Legislative Affair, isinautos nito kay
DILG Region 1 Director Jonathan M. Leusen Jr. na nag coordinate siya sa
pamunuan ng Philippines National Police (PNP) “in ensuring the peaceful
assumption of office of the Acting Mayor and Acting Vice Mayor of Urdaneta
City” para palitan pansamantala ng isang taon si suspendidong Mayor Parayno at
Vice Mayor Jimmy.
Ani dating Liga ng mga Barangay (LNB) President at
dating San Vicente Punong Barangay Mickey Perez, noong malaman nina Mayor at
Vice Mayor na parating na ang mga opisyales at kawani ng DILG at mga kapulisan
para pababain sila base sa Order ng Malacanang, pinagsasarado nila ang mga
opisina nila para maiwasan uli ang pag-silbi ng one - year suspension. Noong
ibinaba iyong suspension noong ika-7 ng Enero sa kay Mayor ayaw tanggapin ng
mga kawani ng opisina niya habang nakasarado ang opisina ni Vice Mayor Parayno
noong araw na iyon, ayon sa source ng diyaryong ito;
IKALIMA, mga kawani ng kapulisan at DILG tinungo noong madaling araw ng Marso
14, 2025 ang Urdaneta City Hall para harangan na makapasok sa bulwagan ng
munisipyo o puwersahang pababain ang nag-ala tukong alkalde at ang kanyang pinsang
bise mayor. Tinatayang nasa mahigit-kumulang na 100 kapulisan ang nagbabarikada
sa city hall at mga satellite offices sa Urdaneta para ipatupad ang kautusan na
huwag papasukin ang magpinsan. Ang kapulisan ay pinangungunahan ni Region 1
Police Brigadier General Lou Frias Evangelista at Pangasinan Police Office
Director Col. Rollyfer Capoquia. Pero nagyayabang pa rin si Parayno sa mga
rally niya na kahit nabarikadahan ang munisipyo, nilipat naman daw niya ang
kanyang tanggapan sa kanyang tahanan.
IKA ANIM, ang Women’s group Gabriela noong Mayo 6 ay
binatikos sa media sina Mayor, Vice Mayor, at kanilang mga konsehales dahil
nagpa “kissing auction” sila sa isang rally noong Abril 24 sa Barangay Nancamaliran
West, Urdaneta City kung saan ang isang mahirap na Lola ay hinihikayat nilang “makipaghalikan”
kay bise alkalde kapalit ang P5,000. Kitang kita sa video kung saan si Parayno
ay sumisigaw pa na dadagdagan niya pa ng isang libong piso makipaghalikan lang
si Lola sa pinsan niya.
Ani Gabriela, si Mayor Rammy Parayno at Vice Mayor Jimmy
Parayno “subjected an elderly woman to a humiliating ‘kissing auction’ in
exchange for a few thousand pesos.”
Sabi ni Gabriela Secretary-General Clarice Palce na “outraged”
ang grupo “by this reprehensible display” na ni auction o pataasan ng bayad ang
matanda para kagatin ang paghihikayat nila kapalit ang kasiyahan ng lahat
kasama na ang mga nanonood sa Urdaneta City;
IKAPITO, dahil sa
auction sa halikan NA UMISKANDALO SA BUONG PILIPINAS nagpalabas ng Show Cause
Order ang Commission on Election (Comelec) Task Force on Safeguarding Fear and
Exclusion in Elections (SAFE) noong Mayo 8 kay Parayno at sa kanying pinsan na
magpaliwanag sa loob ng tatlong araw o “FACE POSSBILE DISQUALIFICATION”. Ani
Comelec ang ipinagagawa ng grupo ni Parayno ay paglabag sa Resolution
No. 1116, “which outlines anti-discrimination and fair campaigning guidelines
for the May 12 polls. The resolution upholds protections for vulnerable sectors
against exploitation, harassment, and degrading acts”, at;
IKAWALO, di pa
natin napasadahan dito ang mga akusasyon sa kanyang pambabae ayon sa nakikita
at nababasa natin sa social media.
No comments:
Post a Comment