Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
Nasampahan na ng kasong Kidnapping ang babaeng dumukot sa sanggol na bagong-silang sa Lingayen District Hospital na pag aari ng provincial government.
![]() |
|
KIDNAPPER. A woman kidnap suspect
faces Pangasinan Gov. Ramon V. Guico III (2nd from left), Police
Provincial Director Col. Arbel Mercullo (4th from left), and Lingayen Chief of
Police Lt. Col Junmar Gonzales at the Urduja House in the Capitol in Lingayen.
The woman from Binmaley faces a non bailable Kidnapping case of a newly born
baby she took at the Lingayen District Hospital. |
Ninakaw ng walang konsensiyang babaeng taga Binmaley ang baby noong Setyembre 14. Nabawi siya noong Setyembre 16 o dalawang araw noong palihim siyang hinablot.
Alam ninyo
ba na ang parusa sa Kidnapping ay Reclusion Perpetua (20 years and one
day to 40 years na pagkakulong)? Ito ay Capital Punishment na walang piyansa
habang nililitis ng korte (Regional Trial Court (RTC)) ang kaso kung merong
pagkasala o wala ang akusado.
Ito ang
sabi sa Article 267 ng Revised Penal Code of the Philippines: “Kidnapping
and serious illegal detention. – Any private individual who shall kidnap or
detain another, or in any other manner deprive him of his liberty, shall suffer
the penalty of reclusion perpetua to death”.
Noong
nabasa ko ang negosasyon ng isang LGBTQ member at isang plainclothes na policewoman sa
kidnapper sa pamamagitan ng mobile phone sa bahay ng kidnapper sa Binmaley,
sinabi ng huli na bayaran ng dalawa ang gastos niya sa gatas at iba pang pang
gamit noong sanggol. Ani ng dalawa handa silang magbayad pero dalawang libong
piso lang ang dala nilang pera. Pumayag ang kinakabahang kriminal. Linggid sa
kidnapper (na natakot na mabisto siya dahil sa panawagan sa buong lalawigan ni
Pangasinan Governor Ramon V. Guico III na kailangan mahanap ang kriminal), may
limang pulis na sekretong sumusunod sa dalawang kausap niya para siya’y
maaresto.
Ani ng suspek inutusan lamang daw siya ng isang hindi pa nakikilalang babae
kapalit ng limang libong piso.
AYON SA BATAS
Sa circumstances
ng Article 267 (Kidnapping and Serious Illegal Detention), ang akusado ay may
pananagutan sa dalawa sa limang pangyayari
para siya ay makasuhan ng walang piyansang krimen. Ito ay:
3.
4. 4. If the person
kidnapped or detained shall be minor, except when the accused is any of the
parents, female or a public officer.
"The penalty shall be death
(Reclusion Pertpetua now – emphasis by the author) where the kidnapping or
detention was committed for the purpose of extorting ransom from the victim or
any other person, even if none of the circumstances above mentioned were
present in the commission of the offense."
Dahil sa
pangyayaring ito, ipinaguutos ni Governor Monmon ang mas mahigpit na seguridad
sa lahat ng ospital sa lalawigan—kabilang ang pagdagdag ng security personnel,
paglalagay ng Closed-Circuit Television o CCTV cameras, at pagpapatupad ng mas
istriktong standard of procedures—upang matiyak ang kaligtasan ng bawat pasyente.
Sa may mga
balak diyan na mangidnap, magisip kayo ng sampung beses dahil ang parusa sa
krimen na ito ay walang piyansa. Kung pito hanggang sampung taon bago matapos
sa RTC ang kaso ninyo, iyan din ang itatagal ninyo sa paghimashimas ng malamig
na mga rehas ng provincial jail o sa karsel ng Bureau of Jail Management and
Penology.

No comments:
Post a Comment