Tuesday, September 16, 2025

Mga Mithiin ng mga Bagong Opisylaes ng LMP-PC

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

LINGAYEN, Pangasinan – Pormal ng nunumpa ang mga opisyales ng League of Municipalities of the Philippines – Pangasinan Chapter (LMP-PC) dito kay Pangasinan Gov. Ramon V. Guico III sa isang pagtitipon kasama ang mga matataas na pambansang opisyal.


 Naglahad din ang mga LMP-PC opisyal ng mga plano at mithiin nila para sa organisasyon.

Ang okasyon ay pinangunahan ng muling nahalal na pangulo ng LMP-PC na si Manaoag Mayor Jeremy Agerico “Ming” Rosario.

ROSARIO

“The other plan other than I’ll be serving as the conduit of our national LMP at the same time wala pong successful na leader kung wala naman po ang support ng mga miyembro. That’s why I’m calling to all of them for support para magkaroon po ng matatag at matibay na samahan ng mga mayors,” tugon ni Rosario noong tanungin siya ng kasapi ng media sa mga plano niya sa LMP.


RESUELLO

“Pormal na po tayong naupo bilang Board of Directors (BOD) ng Mayor’s League of the Philippines (Pangasinan Chapter) for the 2nd District ngayong Sabado sa pangunguna ng ating Gobernador Honorable Ramon “Monmon” Guico III sa Urduja House in Lingayen. Nagpapasalamat po ako sa walang sawang suporta at pagtitiwala ng ating mga kasama Punong Bayan sa ating kakayahan bilang opisyal sa Mayors’ League sa Lalawigan ng Pangasinan,” ani Basista Mayor Jolly "J.R" Resuello sa kanyang Facebook Page.

PARAYNO

Nanawagan si Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno sa kanyang mga kasamahan na mahalin nila ang LMP sa pamamagitan ng sinseridad at integridad. “Being an LMP officer na nakasama nitong bagong grupo it is a privileged and also a responsibility kaya first; we need to embrace our job with sincerity and integrity”.


                                                                VEGA

Ani Mapandan Mayor Karl Christian F. Vega na papairalin ng mga bagong halal na mga opisyales ng LMP-PC ang “due diligence (angkop na pagsisikap)” para sa ikakaganda ng organisasyon.

“As an officer and an auditor and now the newly elected treasurer we will do our due diligence of course with other officers, we will strengthen the bond to the different Board of Directors in each district so that we could identify magkaroon kami ng meeting in order to support our President”.

Mga proyektong nakikita  ng batang alkalde ay ang fund raising at ang pagpapalakas ng samahan.

Napagusapan din nila Rosario, Parayno at Agbayani ang scholarship sa mga kabataan na “poor but deserving” sa Pangasinan.

AGBAYANI

Ani San Fabian Mayor Marlyn Espino-Agbayani na kausapin niya ang grupo tungkol sa pagbigay ng LMP ng scholarship sa mga estudyante sa Pangasinan. “Yes po marami po and if ever na magkaroon po siguro puede naman po kung nagawa naman po sa San Fabian sa LMP pa kaya. Sana lahat ng mga mayors actually iyon po ang isang programa ng ating mahal na Vice Mayor (Danny Agbayani na kabiyak ni Mayora) the former mayor scholarship bawat pamilya kahit isa lang sa isang pamilya makatapos at siya iyong tutulong . Alam po natin very important ang education for us. Nagawa ng San Fabian ano pa kaya sa LMP,” paliwanag niya.

Nagpasalamat din si Mayor Rosario sa presensya nila Governor Guico at ang kanyang ama Pangasinan 5th District Cong. Monching Guico noong Agosto 15 eleksyon ng LMP sa Monarch Hotel sa  Calasiao.

Bago ang opisyales ng LMP-PC manumpa sa gobernador sa Urduja House noong September 13 sila ay nakipagpulong muna kena Department of Agrarian Reform Secretary Conrad Estrella, Pangasinan 1st District Cong. Arthur Celeste, 5th District Cong. Ramon “Monching” Guico, Jr., Governor Guico, at Vice Gov. Mark Ronald Lambino, DAR Regional Director Maria Ana Francisco, 2nd District Board Member Phillip Theodore E. Cruz, at 5th District Board Member Nicholi Jan Louie Sison.

Sinabi ni Mayor Rosario na lahat ng anim na kongresmen sa lalawigan ay nagpaaabot ng suporta sa kanyang pamumuno.

Ang mga opisyales ng LMP-PC  na maglilingkod para sa taong 2025 -2028 ay ang mga sumusunod:


President: Mayor Jeremy B. Rosario (Manaoag); Vice President (VP) Internal Affairs: Mayor William S. Cezar (Rosales); VP for External Affairs: Mayor Dickerson D. Villar (Sto. Tomas); VP for Operations: Mayor Rizaldy J. Bernal (Dasol); VP for Special Concerns: Mayor William K. Dy (Bugallon); Secretary-General: Mayor Bona Fe DV. Parayno (Mangaldan); Treasurer: Mayor Karl Christian F. Vega (Mapandan); Auditor: Mayor Alfe M. Soriano (Malasiqui); PRO: Mayor Modesto M. Operan̈a (Urbiztondo)

BOARD OF DIRECTORS

1st District: Mayor Colin Reyes (Mabini); 2nd District: Mayor Jolly R. Resuello (Basista); 3rd District: Mayor Carlito S. Zaplan (Sta. Barbara); 4th District: Mayor Marlyn E. Agbayani (San Fabian); 5th District: Mayor Ricardo D. Balderas (Laoac); 6th District: Mayor Carlos Lopez Jr. (Asingan).

 Walang kalaban si Mayor Rosario noong tumakbo siyang pangulo ng LMP noong Agosto 15.

 

No comments:

Post a Comment