Thursday, September 18, 2025

Mambabatas ng Mangaldan Lumahok sa Legis. Educ. Prog. Sa Davao

 

Aktibong lumahok ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan sa kauna-unahang Continuing Local Legislative Education Program (CLLEP) sa Grand Regal Hotel, Davao City simula nitong Miyerkules, Setyembre 17, at tatagal hanggang Biyernes, Setyembre 19.


 Kasama sa programang ito ang mga bise alkalde at mga konsehal mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Pinangunahan ni Vice Mayor Atty. Fernando Juan A. Cabrera ang delegasyon ng bayan ng Mangaldan kasama sina Councilors Cheenee Rose F. Flores, Marlon A. Tibig, Atty. Leah V. Evangelista, Rolly G. Abalos, Michael Ervin C. Lomibao, Russel Dave M. Simorio, LIGA President Florida G. Abalos, at SK Federation President Mark Harold G. Bautista, kasama sina Secretary to the Sanggunian Juan C. Aquino, at Board Secretary IV Larah Socorro S. Soriano.


Inisyatibo ng Philippine Councilors League (PCL), katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG), ang naturang aktibidad na layong palalimin at palawakin ang kaalaman ng mga lokal na mambabatas sa larangan ng lehislasyon upang matiyak ang mahusay na pamamahala at mas epektibong serbisyo-publiko.

 

Kabilang sa mga naging paksa sa isinagawang plenary discussions ang pagbabahagi ng best practices ng lokal na pamahalaan ng Davao City, order of business in the conduct of effective session, pagpapahusay sa isang sanggunian, at oversight functions nito.


Mainit ang naging pagtanggap nina San Juan City Mayor Francis Zamora, National President ng League of Cities of the Philippines, at Davao City Acting Vice Mayor Sebastian Duterte, sa mga kalahok kasabay ng pagkilala sa kanilang dedikasyon sa pagpapatibay ng serbisyo ng lokal na pamahalaan.

 

Ipinahayag naman nina Vice Mayor Atty. Cabrera at ng buong Sangguniang Bayan ng Mangaldan ang kanilang pasasalamat sa pagkakataong makibahagi sa isang makabuluhang pagsasanay kasabay ng pagtitiyak na gagamitin ang mga natutunan bilang gabay sa patuloy na pagpapabuti ng kanilang serbisyo sa mga kabaleyang Mangaldanian. (𝙈𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙙𝙖𝙣 𝙋𝙄𝙊)

No comments:

Post a Comment