Thursday, July 3, 2025

Siste ni Mayor Alfie sa Pamamalakad Niya

 Ni Erning Cayabyab

MALASIQUI, Pangasinan—Bibigyan ng bagong anyo ang malaking bayan na ito ng bagong halal na alkalde dito.


 Sa kanyang inauguration at oathaking ceremony, sinabi ni dating Presidenti ng Liga ng mga Barangay at dating Bise Alkalde Alfie Soriano na pag-tutuunan pansin niya ang pamilihang bayan upang maisaayos ang mga vendors dito.

Ayon sa kanya, papagandahin niya ang pamilihan para maging maaliwalas sa paningin ng publiko ang mga nalalapit na kalsada at mga kapaligiran nito.

Alalahanin na matagal nang prublema ang mga vendors na sumasakop sa gilid ng mga kalsada dito na naging dahilan ng mabagal na pag-usad ng trapiko at pagiging dugyot tingnan ng bayan na di kayang solusyunan ng mga dating mga mayor dito.

Sinabi rin ng alkalde na ipapahinto niya ang mga nag illegal quarry, at lugmukin ang pagbebenta ng ipinag-babawal na gamot na salot sa lipunan.  Aniya, katuwang sa laban niya ang Philippine National Police, mga barangay kapitan, at iba pang ahensya ng pamahalaan.

No comments:

Post a Comment