Wednesday, July 30, 2025

Bakit Pinalitan si Macapaz ni Abrahano sa CIDG?

Ni Mortz C. Ortigoza

May kasangkot daw na korapsyon sa pagsisiyasat ng mga nawawalang sabungero sa pagkatanggal sa posisyon kay Criminal Investigation Detection Group (CIDG) Brig. Gen. Romeo Macapaz.
Si Macapaz ay pinalitan ni dating CARAGA Regional Director Brig. Gen. Chris Abrahano – isang kaibigan na taga Pangasinan.
BELEAGUERED former Criminal Investigation Detection Group's Chief Brig. Gen. Romeo Macapaz ( left) and his successor Brig. Gen. Chris Abrahano.


Ang pagka relieved kay Macapaz ay nangyari bago magsimula ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. noong Lunes.
Sangkot sa mga pinaghihinalaang mga pinaslang na 100 miyembeo ng organisadong tsupi (cheaters) sa sugal sa sabong ay sina multi-billionaire Gambling King Charlie “Atong” Ang, actress Gretchen Barreto, alpha members, 15 police officials, at iba pa.
Pagnapatunuyan na sila ay nasa likod noong mga bangkay na tinapon sa Taal Lake, Diyos ko na mahabagin maghihimas sila ng malalamig na mga rehas sa piitan tulad ni charged child rapist Apollo Quiboloy at governor’s killer dating Negros Oriental Cong. Arnie Teves. Ang mga kasong murder at rape ay heinous crime kaya walang piyansa habang nililitis ng taon-taon ang mga kasong ito ng husgado.
Lusyang na si Inday Gretchen pagnagkataon na makalaya siya sa piitan o matapos ang conviction at service ng sentence sa national penitentiary for women, hahaha!
“Meron siyang ikinikilos na hindi ko gusto. Alam ninyo napakahalaga ng ganitong tiwala sa pusisyong ito. Tiwala ang pinakamahalagang ano rito magkaroon kasi pag wala kang tiwala paano magsalita ang mga tao kung hindi buo ang tiwala,” ani Justice Secretary Crispin Remulla sa mga mamahayag noong Martes na nerekomenda niya na ipatanggal kay Chief National Police Nicolas Torre III ang isang “service commander”.
Sinabi ni Ramon Tulfo sa blog niya sa Facebook ngayong umaga na si Macapaz ay tinanggal dahil may kasangkot, na limpak na limpak na salapi sa harap ng pagiimbestiga ng CIDG na pinamumunuan niya.
"The justice secretary did not mention what Macapaz did that was not to his liking, but there are speculations it had something to do with oodles and oodles of money changing hands to cover up the multiple murders," aniya.
Dagdag pa ni Tulfo paano naging hepe ng CIDG si Macapaz samantalang iniimbestigahan pa siya tungkol sa pagbebenta diumano ng mga slots para makapasok sa pagiging pulis ang mga aplikante na di nakapasa sa police exams. Si Macapaz ay director noon ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) nang madiskobre ang katiwaliaan.
Nanlulumo naman si star witness Julie Patidungan alias Totoy dahil sa pagkatalaga ni General Torre kay Macapaz bilang regional director ng Police Regional Office - 12.
Bilang isang lumaki sa Cotabato na anak ng sundalo kung saan kami’y nanggaling sa Baguio City, ito lang masabi ko sa Muslim Maguindanaon kay General Macapaz: “Dik’na usto e penggulan nengka General amayka b’nal e nan san sa BARMM (Hindi tama iyang ginagawa ninyo General pag totoo man iyan diyan sa BARMM)”.
Binigkas diin ni Presidente Marcos sa kanyang ikaapat na SONA niya na dapat mabigyan ng hustisya ang mga pinaslang na mga sabunggero.
"''Hahabulin at pananagutin natin ang mga utak at mga sangkot, sibilyan man o opisyal. Kahit malakas, mabigat, o mayaman, hindi sila mangingibabaw sa batas".
Lagot kayo Atong, Gretchen et.al talagang gagawin kayong mga halimbawa ng gobyernong ito na nagpapakitang gilas sa taong bayan tulad ng ginawa nila kena Quiboloy, Teves, at dating Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban sa katiwaliian, inciting to sedition, at clear and present danger.

No comments:

Post a Comment