Wednesday, July 23, 2025

Hanggang Agosto 14 Kung Tuloy, Hindi ang BSKE


KAHIT NA SINABI NI BBM NA TULOY ANG ELEKSYON SA DEC. 1

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

Iyong mga naiinip kung matutuloy o hindi ang Barangay Sanggunian Kabataan Election (BSKE) 2025, mag antay kayo hanggang Agosto 14.


Bakit? Ayon sa Constitution may 30 araw ang Pangulo ng Pilipinas kung aprubahan, e-veto niya, o kung uupuan niya ang bill. Pag inupuan niya ng 30 araw, ang panukala ay awtomatikong maging batas na! Prescription ang tawag ng mga abugado, law at political science students diyan.

Ang bill na “An Act Setting the Term of Office of Barangay Officials and Members of the Sangguniang Kabataan, and for other purposes” na ni sponsor ni Speaker Martin Romualdez, Quezon City Cong. Ma. Victoria Co-Pilar, Senator Imee Marcos, at iba pa noong 2024 ay na aprubahan lang ng Bicameral Committee ang extension noong Hunyo 12, 2025.  Pinadala naman ng Bicam ito noong Hulyo 15  sa Palasyo para pirmahan ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos. Tatlรณng pรป’t tatlรณng araw (33) na natulog ito sa Bicam.  Ang prescription nitong bill ay hanggang Agosto 14.

Nalungkot si Senator Imee dahil itong panukala ay anim na buwan na natulog sa Senado magmula nang inaprubahan nila ito.

Aniya anim na buwan na nag-aantay ang mga stakeholders at may interes sa BSKE 2025 na gaganapin sa Disyembre 1, 2025 (pag na veto) o unang Lunes ng Nobyembre 2026 (pag inaprubahan).

“Sa pagkakaalam ko, hindi karaniwan ang ganitong katagal. Wala ring sapat na paliwanag kung bakit natagalan nang husto. Sa totoo lang, matagal nang tapos ang trabaho sa Senado,” ani Senador Marcos na kritikal sa pangangasiwa ng kanyang kapatid na si President Marocs.

Aniya, pumirma man o hindi basta matuloy lang ang eleksyon sa Nobyembre 2026 ng BSKE.

Sa bagong panukala ay maging tatlong termino na may apat na taon kada isa ang mga opisyales sa barangay at isang termino na may apat na taon na lang ang mga miyembro ng Sanggunian Kabataan (SK).

Subalit sa isang pagpupulong ng Legislative-Executive Development Council (LEDAC), ayon kay dating Senate Minority Floor Leader Koko Pimentel sinabi sa kanya ni Presidente Marcos doon na gusto niyang maituloy ang Desyembre 1, 2025 BSKE.

Kaya kayong mga pakaang-kaang, dorobo, at makupit na mga barangay opisyal malapit na kayong mapalitan. Sa aking mapagkumbabang payo, pagbutihin ninyo ang pagserbisyo sa naiwang apat na buwan diyan sa pinagsasadlakan ninyo baka magka milagro manalo kayo sa reelection ninyo!

READ MY OTHER BLOG:

Ilegal ang Extension ng BSKE; Tuloy ang Eleksyon sa Dec.1

No comments:

Post a Comment