Thursday, July 17, 2025

Digitalization Para Mapahusay ang Serbisyong Caramat

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

CALASIAO, Pangasinan – Sa mabilisang pangangasiwa ng local na pamahalaan dito, gumagamit ang bagong Caramat Administration ng digitalization para lalong matugunan kung ano ang mga pangangailangan sa mga nasasakupan niya.

CALASIAO newly minted mayor Patrick A. Caramat and NSPIRE Software & Technology Chief Executive Officer Harold Macapagal (who both hold a piece of paper) lead their staff at the background to gesture the vaunted C sign for Caramat after the two heads of an organization signed in July 15 this year at the Maya’s Haven in the landlocked town the memorandum of agreement (MOA) for the local government unit (LGU) of Calasiao to be a beneficiary of the gratis P50 million technology from NSPIRE to expedite the administration and services of the LGU to its personnel and constituents. 


“It would help us cut our expenses to deliver the service of the municipality for efficiency. ‘Di po tayo magbababawas ng tauhan di po natin binabawasan ang trabaho ng mga tao. Pinapaganda o pinapagaan po natin mas makapagtrabaho pa po tayo sa taong bayan,” ani Mayor Patrick A. Caramat sa mga mamahayag sa sidelines ng memorandum of agreement (MOA) niya sa NSPIRE Technology & Software.

Aniya, ang makabagong teknolohiya ay makakaiwas sa mga paperworks “and more on the interactive service po tayo. To do that we must have a system”.

Paliwanag ni NSPIRE Technology & Software Chief Executive Officer Harold Macapagal sa Northern Watch Newspaper na ang teknolohiya ay parang pumuno ng papel ang isang mamayan for assistance sa munisipyo kung saan pabalik balik siya ng ilang araw para malaman kung pabor sa kanya ang kanyang transaksyon.

Andaming balik na iyan tatangalin natin so iyong transaction na magtitake ng tatlong araw it will only take two minutes,” ayon kay Macapagal na ang opisina ay na nakabase sa Bataan at Manila.

Isa sa pamamaraan para magamit ang teknolohiya ay sa pamamagitan ng mobile phone at internet.

Sa pakikipagtulungan ng bayan na ito sa ilalim ng Caramat Administration at ng NSPIRE lalong mapapaigting ang automatation hiring from job to candidate’s placement; facilitates employees training’ tracks and improve employee’s performance; manages rewards and acknowledges achievements; manage employee data and human resource functions; simplifies attendance tracking; ensures accurate and automatic payroll; tracks assigned assets; and ensuring efficients management and accountability, ayon sa video ng NSPIRE Software and Technology na may pamagat na PRIMEHR.

Ang mahigit kumulang na P50 million project ng NSPIRE sa bayan ay libre.

“Dahil napaka charming po ng inyong butihing punong bayan narinig niyo now this is free of charge they’re going have the deed of donation. So magkakaroon po kami ng deed of donation. The system is worth more than that roughly P50 million for the starter package pero hindi lang one package lang po ang binigay sa atin. So I believe there are 12 systems na mag-ooperate into that hundred fifty days maramdaman po ninyo ang effectiveness -- iyan ang isang kagandahan ng digitilization,” ani ng batang alkalde.


Ipinasa ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang resolution authorizing si Mayor Caramat na pumasok ng MOA kay NSPIRE noong Hulyo 14. Noong Hulyo 15 ang alkalde at si NSPIRE CEO Macapagal ay nagpirmahan sa MOA na ginanap sa Maya’s Haven sa Barangay Nalsian dito.

Noong inagurasyon ni Mayor Caramat noong Hunyo 26, aniya gusto niya ang bayan na ito na maging digital capital of Pangasinan.

Sa panayam ng mga mamahayag noong Hulyo 15, sinabi ng 27 taong alkalde na meron siyang bold vision sa Calasiao sa pamamagitan ng teknolohiya na ito.

“Will honestly speaking, that’s a bold vision. I’m saying we are in the heart of Pangasinan as you can see if you’re going from eastern to western Pangasinan dadaanan mo ang Calasiao”.

No comments:

Post a Comment