Ni Mortz C. Ortigoza
MANGALDAN, Pangasinan – Gaganapin sa nalalapit na Hulyo 1 ang inagurasyon ng reelected mayor sa bayan na ito at ang panunumpa ng mga miyembro ng ika-19 na Sangguniang Bayan sa pangunguna ng bagong bise alkalde na si lawyer Fernando Juan A. Cabrera.
Sa pamumuno ni Mayor-elect Bona Fe D. Parayno masasaksihan ng mga mamayan ng first class town na ito ang okasyan na may pamagat na Panamabli – isang salitang Pangasinan na may kahulugang “pagpapahalaga”. Ito ay gaganapin alas siyete ng umaga sa La Presidencia de Mangaldan.
Sumasalamin ang temang ito sa patuloy na hangarin ni Mayora Bona na bigyang-halaga ang kalidad ng serbisyong ramdam at abot ang bawat Mangaldanian -- ang ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ข๐๐๐ฒ, ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ง๐ญ๐๐ฒ!
Alalahanin na noong Mayo 12 eleksyon, tinalo ni Mayor Parayno si Bise
Alkalde Mark Stephen Mejia sa karerang pagka mayor na may 13, 935 margin na
boto kung saan 32, 909 na mga boto ay nakuha ng reelective na mayor habang si
Mejia ay meron lang 18, 974 boto.
Ang mga panalo ni Mayor Bona sa mga nagdaang eleksyon sa pagka alkalde
ay dahil sa kanyang karisma, human touch, at pagiging “battle scarred” sa
pakipagbuno kena Mayor Herminio Romero, Mayor Berex Abalos, Vice Mayor Manny
Casupang, Mayor Marilyn Lambino (tatlong beses), at ngayon ang kanyang ni knocked out ang tinataguriang merong “huge campaign chest” na
si Mark Stephen.
Bahagi rin ng inagurasyon ay ang pormal na pagdeklara sa pagsisimula ng “๐๐ผ๐๐ฟ๐ป๐ฒ๐ ๐ง๐ผ๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ ๐๐ต๐ฒ ๐ฐ๐ฎ๐ฑ๐๐ต ๐๐ผ๐๐ป๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ป๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ผ๐ณ ๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฑ๐ฎ๐ป” — dalawang taong paghahanda, paggunita, at
pagbubunyi sa mayamang kasaysayan dito bilang isang bayan.
No comments:
Post a Comment