Thursday, June 19, 2025

Ilegal ang Extension ng BSKE; Tuloy ang Eleksyon sa Dec.1

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

Sa mga nag aambisyong tumakbo sa pagka Kapitan lalo na, umikot ikot na kayo sa barangay ninyo, mag withdraw na kayo, umutang sa bangko, o magsanla ng mga ari-arian ninyo para may pambili na naman kayo ng boto dahil tuloy na tuloy ang Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) 2025 sa Disyembre 1 ngayong taon.


Walang mangyayari sa mga tsubibo ni House Speaker Martin Romualdez at Senator Imee Marcos noong 2024 na magka holdover capacity kayo hanggang 2029 at doon na magsimula ang eleksyon para sa anim na taong term with reelection.   

Nababoy nila Speaker Romualdez at Senator Imee Marcos – magpinsang buo – ang pagpaliban hanggang 2029 (2025 hanggang 2029 o apat na taong walang eleksyon (Diyos na mahabagin na pagpapasipsip sa mga bobotante!) kung saan ang barangay chairman at pito ng mga kagawad niya at chairperson ng Sangguninang Kabataan at pito ng mga kagawad niya ay bibigyan ng two reelections.

Bago mag Mayo 12 national at local eleksyon nasundan pa ito ng panukala ni Congresswoman Ma. Victoria Co-Pilar from Quezon City kung saan iyong mga barangay at SK officials na nailuklok noong Oktubre 30, 2023 eleksyon ay bibigyan ng hanggang 2027 para maging apat na taon ang termino nila.

Pero noong Hunyo 12, 2025 nagkompromiso ang Houses of Senate at Representatives sa Bicameral Committee para ma postphone ang BSKE ngayon Disyembre 1, 2025 sa Nobyembre 2026.

Ang pag apruba ng dalawang bills ay nagaantay na lang ng pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. (pinsang buo ni Speaker Romualdez at kapatid ni Senador Marcos) para ito ay lubos na maging batas na.

INALMAHAN!

Inalmahan ni Constitutional Lawyer Romy Macalintal at ang Legal Network for Truthful Elections na ang ano mang extension ay unconstitutional dahil ito ay may kasangkot na hold-over capacity na taliwas sa utos ng Konstitusyon na ang pamunuan ng barangay ay dapat hinahalal (at hindi hinihirang pagdidiin ko bilang manunulat nitong blog).

Itong abrakadabra ng dalawang mataas na pulitiko (Si Romualdez ay nag aambisyong tumakbo para president sa Mayo 2028 habang si Imee Marcos ay muntik ng matalo sa nagdaang senatorial reelection niya, ang panukala ni Cong. Co-Pilar at ng Senado sa pagsasalaula at pagbabalasubas ng extension ng termino ng mga kapitan, kagawad, at SK ay diskarte nila para makuha ang mga simpatiya ng mga botante.

UNCONSTITUTIONAL ANG PAGPALIBAN

Ani Macalinatal ang bills sa pagbaliban ay “misleading, deceptive, at unconstitutional,” dahil nagtatago sila sa “postponement” habang ipinapakita nila sa taong bayan na inaayos nila ang terms of office ng mga barangay at SK Officials

“It hides the fact that the scheduled Decembe 2025 BSKE is postponed without any valid reason. Thus, it circumvents the guidelines set by the Supreme Court in postponing elections in the case of Macalintal vs Comelec (Commission on Elections),” aniya sa Rappler.

Paliwanag niya ang holdover o extension ng termino ng mga opisyales na ito ay paglabag sa Konstitusyon.

“Here, the holdover provision for incumbent barangay and SK officials constitutes legislative appointments of these BSK officials in violation of the Constitution’s rule that they should be elected. In a word, they don’t have the mandate of the people”.

Sumangayon naman ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) sa pananaw ng Constitutional lawyer.

“We are against the postponement of the 2025 BSKE. It deprives the electorate of the basic right to choose people who will govern them,” LENTE chief Ona Caritos told Rappler.

E VETO NIYO MR. PRESIDENT ANG BILL

Kung ako si Presidente Marcos e veto niya ang bill.

Una, mapapahiya lang uli siya dahil ang agrumento ni Macalintal noong 2022 laban sa pag extend ng 2022 barangay eleksyon sa 2026 (siyempre iyong mga senador at congressmen ay nagpaguapo dahil bago iyong postponement ay merong Mayo 9, 2022 national election) ay mauulit na naman;

Ikalawa, matutuloy at matutuloy ang December 1,2025 dahil mismong si Commission on Election chairman George Garcia ay nagsalita noong June 9 sa Bacolod na ang BSKE ay tuloy sa Disyembre as scheduled.
“The elections will push through as long as no law has been issued to cancel or postpone it,” saad din ni Palace Press Officer Claire Castro;

 Ikatatlo, wala naman siyang (Pres. Marcos) mapapala sa extension kung saan makukuha niya ang simpatiya ng mga pinuno sa mga barangay dahil di naman siya reelectionist. Matatapos ang kanyang termino sa tanghali ng June 30, 2028. 

Kung binababoy ng pinsan, kapatid, at mga alipores niya sa Kongreso ang eleksyon ng mga taga barangay, iwasan niya ito para di maging katawatawa ang legacy niya. Anong sasabihin ng mga tao sa kanya “gago siya?” Alam na niyang mapapawalang bisa lang uli ng Kataas-taasang Hukuman ang panukala ng Bicameral Committee gaya sa ginawa sa kanya noong 2023, pero ginawa niya pa rin niya. Ano siya tarantado at bopols?!

E veto na ninyo iyan Mr. President at huwag ninyong uupuan dahil magpi-prescribe iyan in favor to the bill for extension – alam din namin ang ganyang tsubibo!

No comments:

Post a Comment