Thursday, June 26, 2025

Inagurasyon ni Mayor Bona sa Hulyo 1 Na

Ni Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN, Pangasinan – Gaganapin sa nalalapit na Hulyo 1 ang inagurasyon ng reelected mayor sa bayan na ito at ang panunumpa ng mga miyembro ng ika-19 na Sangguniang Bayan sa pangunguna ng bagong bise alkalde na si lawyer Fernando Juan A. Cabrera.


Sa pamumuno ni Mayor-elect Bona Fe D. Parayno masasaksihan ng mga mamayan ng first class town na ito ang okasyan na may pamagat na Panamabli – isang salitang Pangasinan na may kahulugang “pagpapahalaga”. Ito ay gaganapin alas siyete ng umaga sa La Presidencia de Mangaldan.

Sumasalamin ang temang ito sa patuloy na hangarin ni Mayora Bona na bigyang-halaga ang kalidad ng serbisyong ramdam at abot ang bawat Mangaldanian -- ang 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚𝐲, 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲!

Alalahanin na noong Mayo 12 eleksyon, tinalo ni Mayor Parayno si Bise Alkalde Mark Stephen Mejia sa karerang pagka mayor na may 13, 935 margin na boto kung saan 32, 909 na mga boto ay nakuha ng reelective na mayor habang si Mejia ay meron lang 18, 974 boto.

Ang mga panalo ni Mayor Bona sa mga nagdaang eleksyon sa pagka alkalde ay dahil sa kanyang karisma, human touch, at pagiging “battle scarred” sa pakipagbuno kena Mayor Herminio Romero, Mayor Berex Abalos, Vice Mayor Manny Casupang, Mayor Marilyn Lambino (tatlong beses), at ngayon ang kanyang ni knocked out ang tinataguriang merong “huge campaign chest” na si Mark Stephen.

Bahagi rin ng inagurasyon ay ang pormal na pagdeklara sa pagsisimula ng “𝗝𝗼𝘂𝗿𝗻𝗲𝘆 𝗧𝗼𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀 𝘁𝗵𝗲 𝟰𝟮𝟱𝘁𝗵 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗼𝗳 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗱𝗮𝗻” — dalawang taong paghahanda, paggunita, at pagbubunyi sa mayamang kasaysayan dito bilang isang bayan.

No comments:

Post a Comment