Thursday, June 19, 2025

Alagang Guicommunity Program, Umarangkada!

 

LINGAYEN, Pangasinan - Alinsunod sa misyon ni Pangasinan Governor Ramon Guico III na mas mailapit sa bawat Pangasinense ang serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, ito ay aktibong nakikibahagi sa Alagang Guicommunity Program sa mga Brigada Eskwela 2025 sa mga pampublikong paaralan.



Nitong June 13, 2025, pinangunahan ng Pangasinan Provincial Jail (PPJ) ang paghahatid ng serbisyo sa Tonton Elementary School dito sa Lingayen.

Bukod sa pamamahagi ng masustansya at mainit na pagkain sa mga estudyante, guro, magulang, at mga volunteer, aktibo ring nakiisa ang mga empleyado ng PPJ sa paglilinis sa paaralan. (Eira Gorospe, Orland Llemos | PIMRO)

No comments:

Post a Comment