LINGAYEN, Pangasinan– Ginunita ng mga opisyal at empleyado ng Kapitolyo ang ika-127 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas Huwebes, ika-12 ng Hunyo sa Sison, Auditorium dito.
“Nawa’y magkaisa tayo sa layuning mabuhay para sa kinabukasan na tahimik, panatag, at tunay na malaya,” parte ng pambungad na mensahe ni Governor Ramon V. Guico III na ibinahagi ni Provincial Accountant Atty. Marlon C. Operaña.
Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan,
ang tema ay 'Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.'
“Atin pong igalang ang nakaraan,
ang kasaysayan, yakapin ang kasalukuyan at ito ang huhubog sa atin,” mensahe ni
Mambabatas at Acting Vice Governor Rosary Gracia “Chinky” Tababa.
Pinangunahan ang programa ni
Provincial Administrator Melicio F. Patague II sa tulong ng Pangasinan Tourism
and Cultural Affairs Office na pinamumunuan ni Maria Luisa Amor-Elduayan.
Aktibong nakibahagi sa programa ang mga empleado, hepe ng ibat-ibang tanggapan,
hepe ng mga ospital, at mga department heads. (Marilyn Marcial, Joey
Olimpo|PIMRO)
No comments:
Post a Comment