Ni Mortz C. Ortigoza
Nakasalubong ko kahapon sa isang mall sa Dagupan City si dating two-term
Mangaldan Councilor Christopher Romero (Nationalista Party) – anak ng soft
spoken and long reigning late Mayor Hermie Romero.
“Panalo ka ba noong nakaraang
eleksyon?” tanong ko.
“Talo. No. 9,” aniya.
| Photo is grabbed from Facebook. |
“Oy masakit iyan nasa ilalim ka lang noong huling nanalo. You’re just
breathing behind his neck,” sabi ko dahil ang ipinag-uutos ng batas ay hanggang
walo lang ang dapat na manalo na mambabatas sa Sangguniang Bayan.
Ani Christopher nakuha kasi ni Russel Simorio (NUP) – dating reporter ng
regional GMA-7 TV – ang bloc voting na miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na
merong limang libo na mga botante sa first class na bayan. Aniya, 268 mga botos lang ang
margin ni Simorio sa kanya. Sa dalawang matumpay
na pagtakbo niya sa Sanggunian, nakuha siya ng INC.
“Di bale at least naka two-term
ka na rin sa pagiging Konsehales,” dagdag ko.
Pero sa first class na bayan ng Bugallon, di umubra ang bloc voting ng
Iglesia noong Mayo 12 local eleksyon. Sinabi sa akin ng isang prominenteng mamayan
doon na sinuportahan ng INC si dating kongresman Jumel Espino (anak at kapatid
ng dating gobernador ng Pangasinan) laban kay businessman William Dy sa
labanang pagiging alkalde. Kakampi ni Pangasinan Monmon Guico at Congressman Mark
Cojuangco si Dy.
High stake ang eleksyon sa bayan na ito kung saan ang bilihan ng boto ay
umabot sa P6,500 kada botante galing sa mga kandidato at mga kaalyansa nilang
mga kandidato rin.
Pero kahit nakuha ni Espino ang INC, tinalo pa rin siya ni Dy ng 1,285 mga
boto. Merong 47, 091 mga botante ang mga bumuto sa landlocked na bayan.
Base sa mga datos ng Commission on Election (Comelec) nakakuha si Dy at Espino
ng 24, 188 at 22, 903 na mga boto, ayon sa pagkakabanggit.
Kinakatakutan ng mga pulitiko sa buong Pilipinas ang kapangyarihan ng INC
“to make and unmake or break a candidate” dahil sa bloc voting nila. Ginagawa
nila ito dahil ito ay utos ng Diyos sa Bibliya.
“This is based on the teachings
in the Bible that were taught to us even before we were accepted as members of
the Church of Christ. We have faith that it is God’s teaching that there
shouldn’t be division among us, but that we should be one in thinking and one in
judgement,” panawagan ni INC Executive Minister Eduardo Manalo sa mga
miyembro ilang araw bago mag Mayo 9, 2016 eleksyon.
Noong consultant pa ako ng Abono Partylist noong namamayagpag pa siya
(ibinaon na siya sa nitso noong Mayo 12 na karera) kung saan meron siyang
dalawang congressmen (2007, 2010, 2013, at 2016 eleksyon), tinanong ko ang isa
sa mga pinuno nito kung nag i-ingratiate
ang pamunuan ng partido sa INC. Ang sagot: Hindi na kailangan dahil sa
kasikatan ng partylist.
“Hindi natin kailangan iyan,” aniya.
Ayon sa Philippines Statistic Authority noong 2020 Census, merong 2, 806,
524 miyembro ang Iglesia representing 2.6 percent of the country’s population.
Kaunti lang sila kumpara sa miyembro na 80 porsyento ng Romano Katoliko pero sa ipitan na
labanan ang INC ang Kingmaker.
Ang pagtsubibo ng mga mapagkumbaba at gumagalang na kandidato (obeisance ang tawag ko sa dalawang salita na ito sa Inglis) sa harap ng pamunuan ng INC para makuha ang pabor nila ay para
lang sa mga kandidatong neck and neck ang laban kung saan ang napili ng
simbahan ay may tsansang manalo.
“Pag ikaw isang konsehales at may
tatlong libong INC sa bayan mo at ikaw ay nakuha, may bentahe ka na ng 3,000
botos. Kung hindi ka nakuha malaking problema kaya magdagdag ka ng 3,000 o mahigit sa mga bibilhin mo
para punuan mo ang mga nawalang boto ng INC sa iyo,” ani ng isang beteranong
pulitiko sa lalawigan sa akin at mga kasama kong mamahayag sa isang pagtitipon.
Sa ganitong sitwasyon may panlaban ang pulitikong ayaw sa kanya ng INC:
Datung sa pakurong (voting buying sa salitang Pangasinan).
No comments:
Post a Comment