Sunday, August 17, 2025

Mabigat Magpatakbo ng Munisipyo Kaysa Reg’l. Office – Mayor Celeste

 

Ni Mortz C. Ortigoza

Noong magkita kami ni Agno Mayor John Celeste noong eleksyon ng mga opisyal ng League of the Municipalities of the Philippines –Pangasinan Chapter na ginanap sa convention hall ng marangyang Monarch Hotel sa Calasiao noong Biyernes, siya’y aking tinanong:

POSTERITY pose among the luminaries who attended the election recently of the officers of the League of Municipalities of the Philippines –Pangasinan Chapter held at the posh Monarch Hotel in Calasiao, Pangasinan. (From L-to-R) Agno Mayor John Celeste, LMP-Pangasinan President Ming Rosario, MD, Dasol Mayor Rizaldy Bernal, and Northern Watch Editor Mortz Ortigoza.

“Mayor, ano ang mas mahirap patakbuhin ang regional office ng NIA (National Irrigation Administration) o ang munisipyo?” aniko sa kay Celeste na retiradong regional manager ng NIA sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

Ani ng graduate ng inhinyero at abugasiya na mas mahirap patakbuhin ang local government unit gaya ng Agno (kung saan siya’y nanalo noong Mayo 12na eleksyon sa kay reelectionist mayor Gualberto Sison) kumpara sa NIA.

“Sa NIA kasi pag upo mo sa isang regional office lahat ng mga kawani (mga inhinyero, arkitekto, at mga Civil Service eligible na empleyado – diin galing sa writer dito) doon alam na nila ang mga trabahong gagawin nila,” ani Celeste.


Paliwanag niya na sa munisipyo iyong mga bagong pasok na empleyado gaya ng mga job order at casual ay kailangan mo pang turuan sa mga responsibilidad nila.

 

MAYOR CEZAR T. QUIAMBAO

Aking naala si billionaire-mayor Cezar T. Quiambao na nagmamay-ari ng mga higanteng korporasyon gaya ng Stradcom, mga ospital sa America at dito sa Pilipinas, mall, at iba’t ibang mga negosyo.

Aniya “tough” magpatakbo ng LGU kumpara sa korporasyon dahil may katumbas na pagkaantala sa paghatid ng mga proyekto sa mga constituents niya sa munisipyo.

“Sa corporate world 10 computers na kailangan, bukas nandiyan na. Sa LGU may Philgephs (Philippine Government Electronic Procurement System) for bidding minimum 21 days,” ani ng tumatawang si Mayor Quiambao sa akin noong ika two-term niya noong 2019 noong binisita ko siya sa kanyang tanggapan.


Aniya mahihirapan ang alkalde na maipapatupad ang mga proyekto niya sa munisipyo kung karamihan sa sampung mambabatas sa Sangguniang Bayan ay hindi niya kaalyado

 “Mas complicated iyong Sangguniang Bayan lalung lalo na pag hindi mo kasama ang mga councilors. Sa (corporation) board majority shareholders ka you appoint the board,” patawang dagdag ni dating mayor Cezar sa akin.

 

FORMER CONGRESSMAN, MAYOR POL BATAOIL

Ani sa akin ni dating Congressman at Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil na exciting ang pagiging alkalde noong bagong upo niya noong 2019 pero mas mahirap pala ito kumpara noong Kongresista pa siya.

“Actually exciting at mas mabigat ito. Sa totoo lang because you are dealing with the people directly. Person to person ito, eh. You know my experienced from the day I took charge of the office kasi nandito ang mga papeles na pipirmahan ko nandiyan ang tao punong puno sa office ko at meron pa sa labas na naghihintay”.

Aniya noong nine years niya sa House of Representatives nabibigyan niya ng mas maraming atensyon ang mga proposed at co-sponsored bills, resolutions, at plenary works na hindi niya kayang gawin sa LGU.
“Sa Congress you can focus sa mga bills and resolutions and you can even go to the plenary at walang maka istorbo sa iyo”.


CELESTE

Si Agno Mayor Celeste ay reluctant mayoralty candidate noong Mayo 12 eleksyon. Matapos talunin ni noong Mayor Gualberto Sison si incumbent Cong. Arnold Celeste ng 813 mga boto noong Mayo 2022 eleksyon, wala ng gusto sa mga kapatid ng dating mambabatas na lalabanan si Sison.


“Ang anak ko dapat ang tatakbo laban kay Mayor Sison pero biglang umatras kaya napilitan akong tumakbo,” sabi ni Mayor John sa akin noong huling bahagi ng Mayo noog magkita kami sa CSI Warehouse Mall sa Lucao, Dagupan City.

Na overconfident ang kinulang sa pondo na si Mayor Sison noong nakipagbuno siya sa down to earth but may superior na campaign chest na si Celeste. Sabi pa ng source ko pinagyayabang pa ng dating alkalde na sa lahat ng nakalaban niya si John Celeste ang pinakamadaling talunin dahil iyong pinsan niya ngang si Congressman Arnold ay di umubra sa kanya.

Nakakuha ng 10,293 (48.82%) boto si Celeste habang 8,128 (38.55%) naman ang bumoto kay Sison. Iyan ay 2, 165 lead botos pabor kay Celeste para maging alkalde ng bagong second class na bayan na may maipagyayabang na mga pristine beaches at limpid seawater sa buong Pilipinas at sa mundo.

No comments:

Post a Comment