Thursday, August 14, 2025

Ospital na Pangarap ni Mayor Bona Matutupad Na

 

SALAMAT SA TULONG NI GUV MONMON

Ni Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN, Pangasinan – Umpisang matutupad na ang pangarap ng lady alkalde dito na community hospital sa groundbreaking ceremony na magaganap sa Setyembre 8 kung saan pupunduhan ng pangasiwaan ni Gov. Ramon V. Guico III ang gastusin sa pagpapatayo.

WORKAHOLIC Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno leads the meeting with officials of the local and provincial governments on the ideal location of the first level community hospital to be constructed in the thriving town. The realization of this flagship dream of the mayor happens with her collaboration with Pangasinan Governor Ramon V. Guico III. Groundbreaking ceremony will be on September 8 this year. Photo credit PIO-Mangaldan


Kasabay ng groundbreaking ay ang paglagda ng pamahalaang lokal at pamahalaang panlalawigan ng memorandum of agreement (MOA) para sa pagpapatayo ng level 1 na ospital.

Ang nasabing ospital ay magpapadali sa pagbigay serbisyo sa kalusugan ng mga mamayan ng landlocked town na ito at hindi na kailangan pumunta pa sila sa mga pang gobyernong ospital infirmary sa karatig na lungsod ng Dagupan at ibang lugar sa lalawigan.


“Ang Mangaldan ay isang first class municipality at may higit 100,000 na residente… kaya very relevant at urgent ang pagkakaroon natin ng community hospital. Ito ang aking number one priority sa ngayon,” ani Mayor Bona.


Ang mga level 1 hospitals sa Pilipinas ay nagbibigay ng mga pangunahing healthcare facilities na may limited range ng serbisyo. Kasama dito ang operating room, maternity facilities, at clinical laboratory. Nagbibigay din sila ng primary care and management para sa common illnesses at emergencies sa isang lokalidad. Ang key characteristics ng level 1 hospitals ay general medicine, pediatrics, obstetrics, non-surgical gynecology, at minor surgery. Siya ay magsisilbi ng clinical care at management para sa mga pasyente na nangangailangan nang kaagarang lunas. 


Nagsagawa dito ng preliminary meeting at site inspection sa mga lupain na pagaari ng Mangaldan noong Agosto 12 ang mga kinatawan ng dalawang local governments para sa Level 1 na gusali sa bayan na isa sa mga pangunahing bisyon at nakatakdang “legacy project” ni Mayor Parayno.

No comments:

Post a Comment