Ni Mortz C. Ortigoza
Noong magkita kami ni Agno Mayor John Celeste noong eleksyon ng mga opisyal ng League of the Municipalities of the Philippines –Pangasinan Chapter na ginanap sa convention hall ng marangyang Monarch Hotel sa Calasiao noong Biyernes, siya’y aking tinanong:
POSTERITY pose among the
luminaries who attended the election recently of the officers of the League of
Municipalities of the Philippines –Pangasinan Chapter held at the posh Monarch
Hotel in Calasiao, Pangasinan. (From L-to-R) Agno Mayor John Celeste, LMP-Pangasinan
President Ming Rosario, MD, Dasol Mayor Rizaldy Bernal, and Northern Watch
Editor Mortz Ortigoza.
“Mayor, ano ang mas mahirap patakbuhin ang regional office ng NIA (National Irrigation Administration) o ang munisipyo?” aniko sa kay Celeste na retiradong regional manager ng NIA sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.
Ani ng graduate ng
inhinyero at abugasiya na mas mahirap patakbuhin ang local government unit gaya
ng Agno (kung saan siya’y nanalo noong Mayo 12na eleksyon sa kay reelectionist
mayor Gualberto Sison) kumpara sa NIA.
“Sa NIA kasi pag upo mo sa isang regional office lahat ng mga kawani (mga inhinyero, arkitekto, at mga Civil Service eligible na empleyado – diin galing sa writer dito) doon alam na nila ang mga trabahong gagawin nila,” ani Celeste.
Paliwanag niya na sa
munisipyo iyong mga bagong pasok na empleyado gaya ng mga job order at casual
ay kailangan mo pang turuan sa mga responsibilidad nila.
MAYOR CEZAR T. QUIAMBAO
Aking naala si
billionaire-mayor Cezar T. Quiambao na nagmamay-ari ng mga higanteng korporasyon
gaya ng Stradcom, mga ospital sa America at dito sa Pilipinas, mall, at
iba’t ibang mga negosyo.
Aniya “tough” magpatakbo
ng LGU kumpara sa korporasyon dahil may katumbas na pagkaantala sa paghatid ng
mga proyekto sa mga constituents niya sa munisipyo.
“Sa corporate world 10 computers na kailangan, bukas nandiyan na. Sa LGU may Philgephs (Philippine Government Electronic Procurement System) for bidding minimum 21 days,” ani ng tumatawang si Mayor Quiambao sa akin noong ika two-term niya noong 2019 noong binisita ko siya sa kanyang tanggapan.
Aniya mahihirapan ang
alkalde na maipapatupad ang mga proyekto niya sa munisipyo kung karamihan sa
sampung mambabatas sa Sangguniang Bayan ay hindi niya kaalyado
“Mas complicated iyong Sangguniang Bayan
lalung lalo na pag hindi mo kasama ang mga councilors. Sa (corporation) board
majority shareholders ka you appoint the board,” patawang dagdag ni dating mayor Cezar sa akin.
FORMER CONGRESSMAN,
MAYOR POL BATAOIL
Ani sa akin ni dating
Congressman at Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil na exciting ang pagiging alkalde
noong bagong upo niya noong 2019 pero mas mahirap pala ito kumpara noong
Kongresista pa siya.
“Actually exciting at
mas mabigat ito. Sa totoo lang because you are dealing with the people
directly. Person to person ito, eh. You know my experienced from the day I took
charge of the office kasi nandito ang mga papeles na pipirmahan ko nandiyan ang
tao punong puno sa office ko at meron pa sa labas na naghihintay”.
Aniya noong nine years
niya sa House of Representatives nabibigyan niya ng mas maraming atensyon ang
mga proposed at co-sponsored bills, resolutions, at plenary works na hindi niya
kayang gawin sa LGU.
“Sa Congress you can focus sa mga bills and resolutions and you can even go
to the plenary at walang maka istorbo sa iyo”.
CELESTE
Si Agno Mayor Celeste ay reluctant mayoralty candidate noong Mayo 12 eleksyon. Matapos talunin ni noong Mayor Gualberto Sison si incumbent Cong. Arnold Celeste ng 813 mga boto noong Mayo 2022 eleksyon, wala ng gusto sa mga kapatid ng dating mambabatas na lalabanan si Sison.
“Ang anak ko dapat ang tatakbo laban kay Mayor Sison pero
biglang umatras kaya napilitan akong tumakbo,” sabi ni Mayor John sa akin noong huling bahagi ng Mayo
noog magkita kami sa CSI Warehouse Mall sa Lucao, Dagupan City.
Na overconfident ang
kinulang sa pondo na si Mayor Sison noong nakipagbuno siya sa down to earth but
may superior na campaign chest na si Celeste. Sabi pa ng source ko pinagyayabang
pa ng dating alkalde na sa lahat ng nakalaban niya si John Celeste ang
pinakamadaling talunin dahil iyong pinsan niya ngang si Congressman Arnold ay
di umubra sa kanya.
Nakakuha ng 10,293 (48.82%) boto si Celeste habang 8,128 (38.55%) naman ang
bumoto kay Sison. Iyan ay 2, 165 lead botos pabor kay Celeste para maging
alkalde ng bagong second class na bayan na may maipagyayabang na mga pristine
beaches at limpid seawater sa buong Pilipinas at sa mundo.
No comments:
Post a Comment