Patuloy na iniaabot ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni ๐๐ผ๐. ๐ฅ๐ฎ๐บ๐ผ๐ป "๐ ๐ผ๐ป๐บ๐ผ๐ป" ๐ฉ. ๐๐๐ถ๐ฐ๐ผ ๐๐๐, ang serbisyong pangkalusugan sa mga residente sa Pangasinan.
Nitong Agosto 27, 2025, nagpunta ang grupo sa mga Barangay ng Lapaz at Labit para magbigay ng libreng medical at dental services. Bukod dito nagkaroon din ng health and wellness session tulad ng libreng gupit at massage. Nabigyan din ng mga binhi at food packs ang mga residente. Isinagawa rin ang veterinary services para sa mga alagang hayop. Arts and crafts session naman ang isinagawa para sa mga chikiting.
Pangunahing layunin ng programang "๐๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ป" na pagtuunan ang kalusugan ng mga Pangasinense lalo na sa mga residenteng walang kakayahang magpacheck up.
Nais kasi ni ๐๐ผ๐. ๐๐๐ถ๐ฐ๐ผ na maging malusog ang bawat Pangasinense lalo na ang mga pamilyang higit na nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan.
(Eira Gorospe, Carlo Dela Cruz | PIMRO)
No comments:
Post a Comment