Tuesday, June 17, 2025

‘Di Umubra ang Pagiging Kingmaker ng INC Dito

Ni Mortz C. Ortigoza

Nakasalubong ko kahapon sa isang mall sa Dagupan City si dating two-term Mangaldan Councilor Christopher Romero (Nationalista Party) – anak ng soft spoken and long reigning late Mayor Hermie Romero.

“Panalo ka ba noong nakaraang eleksyon?” tanong ko.

Talo. No. 9,” aniya.

Photo is grabbed from Facebook.

“Oy masakit iyan nasa ilalim ka lang noong huling nanalo. You’re just breathing behind his neck,” sabi ko dahil ang ipinag-uutos ng batas ay hanggang walo lang ang dapat na manalo na mambabatas sa Sangguniang Bayan.

Ani Christopher nakuha kasi ni Russel Simorio (NUP) – dating reporter ng regional GMA-7 TV – ang bloc voting na miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na merong limang libo na mga botante sa first class na bayan. Aniya, 268 mga botos lang ang margin ni Simorio sa kanya.  Sa dalawang matumpay na pagtakbo niya sa Sanggunian, nakuha siya ng INC.

“Di bale at least naka two-term ka na rin sa pagiging Konsehales,” dagdag ko.

Pero sa first class na bayan ng Bugallon, di umubra ang bloc voting ng Iglesia noong Mayo 12 local eleksyon. Sinabi sa akin ng isang prominenteng mamayan doon na sinuportahan ng INC si dating kongresman Jumel Espino (anak at kapatid ng dating gobernador ng Pangasinan) laban kay businessman William Dy sa labanang pagiging alkalde. Kakampi ni Pangasinan Monmon Guico at Congressman Mark Cojuangco si Dy.

High stake ang eleksyon sa bayan na ito kung saan ang bilihan ng boto ay umabot sa P6,500 kada botante galing sa mga kandidato at mga kaalyansa nilang mga kandidato rin.

Pero kahit nakuha ni Espino ang INC, tinalo pa rin siya ni Dy ng 1,285 mga boto. Merong 47, 091 mga botante ang mga bumuto sa landlocked na bayan.

Base sa mga datos ng Commission on Election (Comelec) nakakuha si Dy at Espino ng 24, 188 at 22, 903 na mga boto, ayon sa pagkakabanggit.

Kinakatakutan ng mga pulitiko sa buong Pilipinas ang kapangyarihan ng INC “to make and unmake or break a candidate” dahil sa bloc voting nila. Ginagawa nila ito dahil ito ay utos ng Diyos sa Bibliya.

“This is based on the teachings in the Bible that were taught to us even before we were accepted as members of the Church of Christ. We have faith that it is God’s teaching that there shouldn’t be division among us, but that we should be one in thinking and one in judgement,” panawagan ni INC Executive Minister Eduardo Manalo sa mga miyembro ilang araw bago mag Mayo 9, 2016 eleksyon.

Noong consultant pa ako ng Abono Partylist noong namamayagpag pa siya (ibinaon na siya sa nitso noong Mayo 12 na karera) kung saan meron siyang dalawang congressmen (2007, 2010, 2013, at 2016 eleksyon), tinanong ko ang isa sa mga pinuno nito kung nag i-ingratiate ang pamunuan ng partido sa INC. Ang sagot: Hindi na kailangan dahil sa kasikatan ng partylist.

“Hindi natin kailangan iyan,” aniya.

Ayon sa Philippines Statistic Authority noong 2020 Census, merong 2, 806, 524 miyembro ang Iglesia representing 2.6 percent of the country’s population. Kaunti lang sila kumpara sa miyembro na 80 porsyento ng Romano Katoliko pero sa ipitan na labanan ang INC ang Kingmaker.

Ang pagtsubibo ng mga mapagkumbaba at gumagalang na kandidato (obeisance ang tawag ko sa dalawang salita na ito sa Inglis) sa harap ng pamunuan ng INC para makuha ang pabor nila ay para lang sa mga kandidatong neck and neck ang laban kung saan ang napili ng simbahan ay may tsansang manalo.

Pag ikaw isang konsehales at may tatlong libong INC sa bayan mo at ikaw ay nakuha, may bentahe ka na ng 3,000 botos. Kung hindi ka nakuha malaking problema kaya magdagdag ka ng 3,000 o mahigit sa mga bibilhin mo para punuan mo ang mga nawalang boto ng INC sa iyo,” ani ng isang beteranong pulitiko sa lalawigan sa akin at mga kasama kong mamahayag sa isang pagtitipon.

Sa ganitong sitwasyon may panlaban ang pulitikong ayaw sa kanya ng INC: Datung sa pakurong (voting buying sa salitang Pangasinan).

No comments:

Post a Comment