Tuesday, September 17, 2024

Mga Proyekto ni Marcos Pinasalamatan ng P’nan Mayors

 

Ni Mortz C. Ortigoza

LAOAG CITY – Halos dalawang dosenang mga alkalde sa Pangasinan ang nabiyayaan ng ambulansya o patient transport vehicles (PTVs) na galing kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kamakailan dito sa Malacanang of the North.

PANGASINAN MAYORS are all smiles after they received recently in Ilocos Norte their ambulances and other projects from President Ferdinand R. Marcos, Jr. 

Kasama ito sa 69 full-equipped ambulances na nagkakahalaga ng P146.28 million.

“These vehicles are vital resources to support our heroes in the medical field – our first responders – kasama diyan siyempre ‘yung ating mga healthcare workers, ngunit nangunguna diyan talaga ang mga LGU,” ani Marcos.

Ang PTVs ay galing sa Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP) ng Philippines Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kabilang sa mga na nabiyayaan dito ay ang mga bayan ng Calasiao, Basista, Mangaldan, at Sta. Barbara.

CALASIAO

Ipinahayag ni Mayor Kevin Roy Q. Macanlalay ang lubos niyang pasasalamat kay President Marcos at sa PCSO sa bagong PTV.

BASISTA

 Lubos din na nagpasalamat si Basista Mayor Jolly "JR" Resuello sa kay Marcos at Pangasinan 2nd District Congressman Mark O. Cojuangco sa pagpursige ng huli na makabilang ang Basista na makatanggap ng ambulansya.

 “Walang sawang pasasalamat sa ating mahal na Presidente lalong lalo na sa ating napakasipag na 2nd District Cong. Mark O. Cojuangco sa pagiging tulay upang magpatuloy ang magandang serbisyo sa ating mga kababayan,” ani Mayor sa kanyang Facebook Account.

MANGALDAN

Ani Mayor Bona Fe D. Parayno ng Mangaldan na lubos na nagpasasalamat ang kanyang mga nasasakupan sa tuloy-tuloy na suportang ibinibigay ng tanggapan ng Pangulong Marcos sa progresibong bayan niya.

“(G)aya ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families (PAFF) program ng kanyang administrasyon na naggawad ng Php 10,000 na tulong-pinansyal sa higit 200 indigent na magsasaka sa bayan,” aniya.

Dagdag pa ni Mayora na nakatanggap siya ng mga libreng abono at mga pananim sa ilalim ng Handog ng Pangulo, Serbisyong Tapat para sa Lahat ni PBBM.

“Nawa’y patuloy na pagpalain si Pangulong Bongbong Marcos ng magandang kalusugan at pangangatawan, kaligayahan, at tagumpay sa kanyang pamumuno,” sambit ng alkalde.


STA. BARBARA

Pinablessing kamakailan ni Mayor Carlito S. Zaplan ng Sta. Barbara ang ambulansya na bigay ni Marcos at isang bagong police patrol car na donasyon ni Police Major General Romeo “Bong” Caramat para sa kapulisan sa landlocked na bayan na ito.

Personal na ibinigay ni Zaplan ang mga susi ng sasakyan sa mga kinauukulan na kung saan siya mismo ang humiling sa PCSO at kay Caramat.

“Ingatan at alagaan po natin ang ating mga bagong sasakyan para matagal nating magamit ang mga ito para sa ating mga kababayan,” ani ng Punong Tagapagpaganap”.

No comments:

Post a Comment