Ni Mortz C. Ortigoza
TINULDUKAN na ng dating gobernador ng Pangasinan ang matagal ng haka-haka na siya ay tatakbo o hindi sa pagka gobernador laban kay nanunungkulang Governor Ramon Guico III sa Mayo 12, 2025 election pagkatapos niya e anunsyo sa Bugallon kanina na sasabak siya muli sa pulitika.
DUKE OUT. Former Pangasinan Governor Amado “Pogi”
Espino III (center of left photo) and former Dasol Mayor Noel Nacar (far left
of left photo) declare to the public their intention to challenge Pangasinan
Governor Ramon “Monmon” Guico III (right of right photo) and Vice Governor Mark
Ronald Lambino for the May 12, 2025 election. Filing of the certificate of
candidacy (CoC) of all elective candidates in the Philippines for the 2025 election will be on
October 1 to 8 this year.
Ani Amado “Pogi” Espino III at ng kanyang ama na si dating Pangasinan Governor
at Congressman Amado Jr. na noong makita nilang walang lalaban kay Guico nitong
mga nakalipas na linggo ng Setyembre ay
napagdesisyunan ng pamilya na sasalang ang batang Espino sa pagka gobernador at
ang matandang Espino sa pagiging number one nominee ng partylist na Abanse Pangasinan
Ilokano (API).
Nangyari ang press conference sa Riverside Resort and Restaurant na
pag-aari ng pamilya hapon ng Lunes.
Kasama ni dating gobernador Pogi Espino si dating Dasol Mayor Noel Nacar
na tatakbong bise gobernador laban kay Vice Governor Mark Ronald Lambino.
Walang dalang kandidatong pagka alkalde ang mga Espino. Halos lahat ng
mga aktibong mga mayor sa 44 towns at 3 cities ng dambuhalang probinsiya ay
nanumpa na kay Guico sa pagiging miyembro ng Nationalista Party na pinamumunuan
niya sa lalawigan. Marami dito sa mga alkalde ay kaalyado ng mga Espino noong
namamayagpag pa sila ng 21 taon sa Kapitolyo sa Lingayen.
Ang mga kandidatong board members ni Espino ay sina Richard Camba (First
District), dating Board Member Nikiboy Reyes (Second District), dating Calasiao
Mayor Joseph Arman Bauzon (Third District), dating Mangaldan Councilor Aldrin
Soriano (Fourth District), at Hero Sumera (Fifth District).
Ang mga kandidatong board members naman ni Guico ay sina Board Members Apolonia
DG Bacay at Napoleon Fontelera, Jr. (First District), Board Members Haidee
Pacheco at Philip Theodore Cruz (Second District), Board Members Shiela Baniqued
at Vici Ventanilla (Third District), Board Members Marinor de Guzman at Jerry
Agerico Rosario (Fourth District), Board Member Louie Sison at dating Urdaneta
City Councilor Isong Basco, at dating Board Member Shiela Perez-Galicia, dating
San Nicolas Mayor Vicky Saldivar, Noel Bince, at dating Rosales Mayor Ric
Revita (Sixth District).
Ani Espino na hindi na siya magpapatakbo sa Pangasinan 6th
District ng miyembro ng Sangguniang Panlalawigan dahil apat na ang maguumpugang
kandidato para sa Board doon.
Tinalo ni Guico si Espino noong May 9, 2022 eleksyon ng may margin na 187, 807
votes sa 1, 582, 737 na mga botante o 1,592, 189 botos pag isinali ang ikatlo
at ikaapat na katungali nila.
Tinalo ni Lambino si Reyes ng may lead botos na 327, 727 sa 1, 428, 189 na
mga botante.
Hindi pa rin matanggap ng matandang Espino sa pagtitipon sa Bugallon ang
pagkatalo ng anak niya sa pagka gobernador na sinisisi niya sa “mahiwagang pangyari
sa eleksyon” noong 2022.
Sa desisyon ng Supreme Court noong Agosto 17, 2023 ibinasura nito ang Petition
for Certitorari at Mandamus na nisampa ni Claryln A. Legaspi at mga kasamahan
sa Commission on Election (Comelec) tungkol sa 2022 eleksyon sa Pangasinan. Sa
pagbasura ng petisyon nila, ani ng Mataas na Hukuman na “…that an actual case or controversy must exist for the Court to
exercise its power of judicial review”.
In short, walang dayaan, hukos pukos, mahika, katarantaduhan o ano pa na
nakita ang Korte.
Si Espino at Nacar ay maghahain ng certificate of candidacy (CoC) sa
Comelec sa Oktubre 5 habang si Guico at Lambino ay maghahain ng CoC nila sa
Oktobre 2. Ang CoC filing ay mangyari lamang sa Oktubre 1 hanggang 8 ngayong
2024.
No comments:
Post a Comment